SI JESUS AT SI NICODEMO

195 1 0
                                    

SI JESUS AT SI NICODEMO

   (JOHN 3:1-21)

May isang ginagalang na pinuno ng mga judio.

Siya ay si Nicodemo.

Kabilang din sya sa mga grupo ng pariseo.

Isang gabi,pumunta sya kay Jesus at sinabi,"Guro,nalalaman po naming kayo'y tagapagturong mula sa Diyos,sapagkat walang makakagawa nga mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos."

Sumagot si Jesus,"Pakatatandaan mo,malibang ipanganak na muli ang isang tao,hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos."

"Paanong maipanganganak pa muli ang taong matanda na? Makapapasok pa ba sya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang?" tanong ni Nicodemo.

Sagot naman ni Jesus,"Pakakatandaan mo:malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng espiritu,hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos.Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman,at ang ipinanganak ayon sa espiritu ay espiritu.

Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo,'Kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.

Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito,ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. 

Ganoon din ang bawat ipinanganak ayon sa espiritu.

"Pwede po bang mangyari iyon?" tanong ni Nicodemo

Sumagot si Jesus,"Guro ka pa naman sa Israel,hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito?Pakatatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin. at ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin,ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.

Kung hindi ninyo paniniwalaan ang mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo,paano pa ninyo mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit?Wala pang sinuman ang umakyat sa langit,kundi ang bumaba mula sa langit,ana Anak ng Tao."

At kung paano itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang,gayun din naman,kailangang itaas ang Anak ng Tao,upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sapagkat  gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan,kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak,upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Isinugo niya ang kanyang Anak,hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao,kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya."

Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak.

Ngunit hinahatulan na ang hindi sumasampalataya sa kaisa-isang anak ng Diyos.

Ganito ang paghatol ng Diyos:naparirito sa sanlibutan ang ilaw,ngunit iniibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag,sapagkat ang kanilang mga gawain ay masasama.

Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw,ni hindi lumalapit dito upang hindi maihayag ang kanilang mga gawa.

Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw,upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SI JESUS AT SI NICODEMOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon