Introduction

61 0 0
                                    

Bakit niya kaya ako iniwan? -- Limang salita na lagi kong nabibigkas ilang beses sa isang araw, isang tanong na lagi kong tinatanong sa hangin. 

Ilang buwan na ang lumipas ngunit nananatili pa ring tanong ang tanong ko. Ewan ko ba kung hindi ko lang alam talaga ang sagot o hindi ko lang talaga matanggap ang sagot na mismong tadhana na ang nag-lahad. 

Pumapatak nanaman ang ulan, naiisip nanaman kita. Hayyyy. Kelan kaya kita makakalimutan? Kelan kaya kita mangigitian na walang sakit na nararamdaman? Kelan kaya kita masasabihan na "Kamusta ka?" na walang bitterness? Kelan kaya kita matatanong ng "Sino ang mahal mo?" na hindi umaasa na pangalan ko ang isasagot mo? Kelan kaya? Kelan? Tssk. Ito ba ang ibang meaning ng salitang PAGMAMAHAL -- Pagmamahal na kasinghulugan ng pagdurusa, sakit at kalungkutan? JUSME! Taksil na mga luha oh! Sabi niyo hindi na ulit kayo sasabay sa patak ng ulan? Pero sumabay pa din kayo. Aheytyu tears ;__;

Totoo pala talaga pag nagmahal ka eh handa dapat ang puso at sarili mo sa mga mangyayari dahil hindi lang pala kasiyahan at kilig ang dulot nito, kalimitan ay kalungkutan at sakit. 

Maria Cassandra Jane Eugenio! Di ka niya minahal oh. MOVE ON na.

Tonight, I'm getting over you.. Maybe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon