Ang sabi nila mabilis ang takbo ng oras tuwing masaya ka. Hindi mo namamalayan na tapos na pala ang isang buong araw na mabilis ang oras tuwing kasama mo siya. Hindi ka naiinip dahil masaya ka. Noong unang pasok ko dito sa school minememorize ko na kung nasaan ang canteen, kung nasaan ang gym, kung nasaan ang classroom namin, kung nasaan ang library, kung sino ang mga teachers sa bawat subject. Parang kailan lang kapapasok ko lang sa school na to pero ngayon 4th year na kami. May pasok na ulit kami at september na ngayon maraming nagbago sa nagdaang buwan nalipat sila Rio at Kaila sa section namin dahil sila ang top one and top two ng section nila noong nung 3rd year pa kami. Nalilipat kasi ang mga top one at top two sa section namin dito narin sa school namin nag enroll si Ryan.5 months narin kami ni Akihiro minsan nagkakaroom kami ng hindi pagkakaintindihan pero naayos din naman namin kaagad. Hindi namin pinatapos ang isang araw ng hindi kami nagbabati. Nagkikita parin kami tuwing uwian nya pinupuntahan nya rin ako dito minsan kapag wala syang klase.
"Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Daniel?" Tanong ni Ayane kay angie nasa room na kami ngayon naghihintay nalang na magsimula ang klase.
"Break na kami." Sabi ni angie nagkatinginan kami nila Patty, Ayane at Faye.
"Kailan? Bakit?" Tanong ni Patty.
"Nung isang araw lang nakakainis kasi siya! Palaging nagsisinungaling sabi nya hindi na sya naglalaro ng dota!" Sabi ni Angie. Kaya pala kapag nandito si Angie hindi makalapit si Daniel saamin dahil break na sila ni Angie.
"Yun lang nagbreak kayo?" Tanong ni Ayane.
"Anong yun lang? Nawawalan kaya sya timez Bwisit sya!" Sabi nya. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Angie.
Importante sa relasyon ang oras kapag wala ka ng time sa kapartner mo parang wala narin halaga ang relasyon nyo at ang ending break up. Sana hindi mangyari samin ni Akihiro yun natatakot tuloy ako.
"Namimiss ko na si Owen." Sabi ni Jessica habanag nakahalumbaba sa armchair.
"Bakit? Hindi ba kayo nagkikita?" Tanong ni Faye.
"Nagkikita pero iba parin kapag nandito sya." Sabi ni Jessica pareho kami ng sitwasyon. Naiisip ko din si Akihiro ngayon hindi naman nawawala sa isip ko si Akihiro.
"Ako din namimiss ko rin si Akihiro kahit na palagi kaming nagkikita." Sabi ko sakanila bigla naman silang napatingin saakin.
"Si Yumi ka ba talaga?" Tanong ni Patty. Natawa naman ako sa tanong nya.
"Oo bakit?"
"Kasi yung Yumi na kaibigan naman hindi makakapagsabi ng ganyan hindi naman vocal yun pagdating sa usapang love life." Sabi ni Patty at tumawa. Napanguso nalang ako.
Naninibago parin sila saakin dahil nakikisali na ako kapag nag uusap usap kami tungkol sa lovelife dati kasi hindi ako nagsasalita kapag nag uusap usap sila ng tungkol doon. Nakikinig lang ako pero ngayon nakikisali na ako. Dahil yata to sa pagkamiss ko kay Akihiro kaya nagsasabi na ako sakanila.
Buong maghapon abala kami sa pag aaral nagquiz kami sa ibang subject nag P.E din kami kaya pagod ako ngayong araw na to.
"Una na kami." Paalim ni Ryan sa mga kaibigan namin. Nagsitanguan naman sila kaya umalis na kami.
Araw araw sabay kaming pumapasok at umuuwi ni Ryan. Magkatapat lang kasi ang bahay namin kaya kami nagsasabay minsan naglalakad lang kami pauwi kagaya ngayon.
"Break na pala sila Angie at Daniel." Sabi ni Ryan habang naglalakad kami.
"Oo nga eh sayang sila no? Maayos pa yun kailangan lang nilang pag usapan." Sabi ko. Alam na rin ni Ryan kung sino ang mga magboboyfriend and girlfriend sa clasroom namin. Close na sya sa mga kaklase namin ganon talaga kapag lalaki no? Madaling nilang makaclose ang tao.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...