Siguro di ko na kailangan idetalye ang pagkikita nina Isa at ni Andrew. Pero, sige, at hayaan niyong ikwento ko.
Madaling araw ng tumawag si Mama na nasa NAIA na sila. Medyo nasorpresa ako dahil napaaga ang flight nila. Nagmadali kami ni Pedro sa pagpunta. Sumama sa amin si Lucy, na hanggang ngayon ay masama ang loob, ata, sa akin. Pagdating namin sa airport agad akong tinadtad ng halik sa pisngi ni Mama na sadyang ikinahiya ko ngunit nagpalambot sa aking puso. Ilang linggo rin kaming di nagkita. Yinakap naman ako ni Andrew ng mahigpit at saka pinalo ako sa braso ni Papa. Nakangiti lamang sina Lucy at Pedro sa gilid hanggang nagkamustahan rin sila. Malaki ang pasasalamat ni Mama kay Lucy kaya't binigyan niya ito ng regalo. Pero sa tingin mukhang refrigerator ata ang regalo ni Mama sa laki ng box. Nahiya si Lucy pero nagpasalamat pa rin ito. Binigyan naman ng bagong kontrata si Pedro. Sabi ni Papa gusto nitong gawin na personal assistant ko. Hindi naman ito tumanggi at napangiti kaming dalawa. Nalaman ko rin na nasa Macau lang pala sina Mama kaya pala ang aga nilang makarating ng Pinas. Kwento niya sa akin, gustong puntahan ni Andrew ang Macau dahil sa isang picture na nakita nito sa internet.
8 a.m. Nagkita na ang pamilya ko at ang pamilyang Inigo. Natutulog pa si Andrew sa kwarto ko kaya't nakapag-usap sila ng masinsinan. Iyak ng iyak si Isa habang kinekwento ang totoo. Binalita naman ni Congressman Inigo na nahuli na daw ang asawa niya. Nasa piitan na daw ito ngayon at naghahanda na para harapin kami sa korte. Habang nag-uusap kaming lahat, napansin ko ang pag-iwas sa akin ni Annie. Wala naman akong magawa. Sa buong pag-uusap na iyon, wala akong magawa.
10 a.m. Gising na si Andrew at nakatayo sa may veranda. Pinuntahan ko siya doon. Walang anu-ano'y simula itong nagreklamo tungkol sa mainit na temperatura ng lugar, ang malagkit na hangin at nakakasulasok ng mga usok ng sasakyan.
"I can't live here!" wakas ay tapos niya sabay upo sa may upuan malapit sa sliding door ng terrace.
Ngumiti na lang ako at saka tinignan siya. Tumingala naman siya para tumingin sa akin. Kaagad kong napansin na medyo kahawig nga nito ang magkapatid na Isa at Annie. Maamo ang mukha ni Andrew na ngayon ko lang napansin. Kung pahahabain pa siguro ang medyo nag-bro-brown nitong buhok eh baka maging mukhang babae na siya.
"I have a question for you, Andrew," simula ko habang nakatingin pa rin ito sa akin.
"Hit it! Okay, what?"
"Do you want to meet your biological mother, by any chance?"
Medyo tumahimik ito, "If given a chance, yes, but if she want me back then I would say no."
Napalunok ako sa sagot niya. Siguradong gustong kunin ng pamilya Inigo si Andrew. Nag-squat ako sa harapan niya para diretso ang tingin niya sa akin.
"Look here, Andrew," medyo bumubwelo ako, "Mama always told me, a mother always wanted the warm aura of her child. What if your real mother want you... I mean, want you to stay with her? What if we find her? What would you do?"
Tumingin lang ito sa akin sabay hawak sa manggas ng t-shirt ko, "Then I will run away from you."
Nagulat ako. Bigla naman siyang tumabok papasok ng kwarto. Agad ko siyang sinundan. Akmang lalabas ito ng kwarto ng biglang may pumasok na babae. Si Isa. Medyo napaatras si Andrew at akma pa ring tatakbo palabas ng magsalita si Isa.
"Ikaw ba si Andrew?" tanong ni Isa, namumugto ang kanyang mga mata. Halatang kanina pa ito umiiyak.
Di ko alam kung gaano kasakit mawalay ang iyong anak kaya wala akong karapatan sabihin na masyado siyang madrama sa kakaiyak niya.
BINABASA MO ANG
10 Days with Ms. Preggy [Completed]
Literatura Faktu"Mas pipiliin kong magpalaki ng mga aso kaysa magpalaki ng sanggol na ang alam lang gawin ay umiyak, kumain, tumae at sirain ang buhay mo." Ito ang mga salitang lumabas sa bunganga ni Marcus ng makasabay sa elevator ang buntis na si Annie. Ngunit di...