A Short Love Story.
"Elissa..",
"Elissa..",
"UY, ELISSA!!",
Biglang nagising ang nakatulala kong diwa nang bigla akong sigawan ni Mark, ang bestfriend-slash-classmate-slash-tambay-slash-warfreak-slash- ahmmm... wala na 'kong pwedeng itawag sa kanya. Nasabi ko na ata lahat eh. Siguro medyo nakakapagtaka na magbestfriend ang warfreak na gaya niya at ang nerd na gaya ko. Pero basta magbestfriend kami. Tapos!! XD
"ELISSAAAAA!!!!!",
Ah! Oo nga pala! Kanina niya pa'ko tinatawag.. -_-
"Huh? Ah. Ano 'yun? Bakit?", sunod-sunod kong tanong na parang wala ako sa sarili. Pero wala talaga ako sa sarili ko ngayon... basta.
"OA mo mag-react!! Kanina pa kita tinatawag! Tulala ka na naman! Ano bang iniisip mo?", sabi niya sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko habang nakaupo kaming dalawa ngayon sa isang bench sa park. Mas lumapit pa siya sa'kin para mas maisandal niya ang ulo niya nang maayos sa balikat ko. Parang namula ang buong mukha ko sa ginagawa niya ngayon. 'Di talaga ako sanay na ganito siya sa'kin kahit na magbestfriend pa kami. Nakaka-ewan. Para kaming mag-syota sa posisyon namin ngayon kaya medyo lumayo ako sa kanya dahilan para maalis ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko.
"Eto, di na nasanay sa'kin!!", halata sa mukha niyang medyo nainis siya sa ginawa ko.
"Pa'no kasi 'pag napadaan pala dito 'yung girlfriend mo tas nakita tayo sa ganung posisyon?! Baka kung anong isipin nun! Sabunutan pa'ko dito!!", iritado kong sabi sabay ayos ng pagkaka-upo.
"'Wag kang mag-alala.. malabong mapadaan ang girlfriend ko dito..", medyo nagtaka ako sa sinabi niyang 'yun.
"Bakit naman malabo?",
Tumingin siya sa'kin. 'Yung tingin na parang may ibig sabihin.
"Kasi... wala naman akong girlfriend.",
"Huh? Bakit? Naghiwalay na kayo ni Tess?! Kelan pa?!", gulat at sunod-sunod kong tanong. Bakit 'di man lang niya sinabi agad na naghiwalay na sila ni Tess, samantalang bestfriend niya 'ko. Nakakatampo siya.
"Si Tess? Haha.. hindi naman talaga naging kami eh. Dare lang 'yun sa'min. Ang totoo... wala talaga akong girlfriend. Pero may nagugustuhan ako.", sabi niya sa'kin sabay ngiti. 'Yung kakaibang ngiti.
So dare lang pala 'yun.. pero sino naman 'yung nagugustuhan niya?? Hmm.. masyado akong naku-curious pagdating sa mga ganitong usapin ah. Siguro dahil gusto ko nang magka-lovelife.. pero mukhang malabo ata 'yun. Hindi naman ako desperado, sadyang mapag-iiwanan lang ako ng panahon dahil sa ganito.
"S-sino 'yung nagugustuhan mo? Sabihin mo naman sa'kin.. bestfriend mo naman ako eh.", curious na tanong ko sa kanya.
Tapos...
T-tapos...
B-bigla niyang i-inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Gawd!! Ah. Ano ba toh??! S-sobrang magkalapit ang mukha namin sa isa't-isa. N-napapikit na lang ako. Nararamdaman ko ang paghinga niya.. mainit. Nagsisitaasan tuloy 'yung mga balahibo ko.
Ano bang balak niyang gawin? Hinihintay ko na lang ang next move niya. Halong excitement at kaba ang nararamdaman ko.. hindi ko alam kung bakit. Maya-maya, naramdaman kong lumapit siya sa may bandang tenga ko. Nakapikit pa rin ako.. at kinakabahan. Ambilis ng tibok ng puso ko. Magkalapit pa rin kami sa isa't-isa nang SOBRA. As in, onti na lang magdidikit na ang mga labi namin. Damn. Ano ba'tong pinag-iiisip ko?? Ano ba kasing gagawin niya??