"Mark!", sigaw ko habang papalapit sa kanya na nakaupong mag-isa sa upuan sa may canteen.
"Mark!", sigaw ko ulit pero parang wala siyang naririnig. Ayaw niya talaga 'ko pansinin. :-(
"Mark, kumain ka na? Libre kita, gusto mo?", tanong ko sa kanya nang makapunta na'ko sa pwesto niya. Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya umimik ng ilang saglit bago magsalita.
"'Di ako nagugutom. Salamat na lang.", matamlay at seryoso niyang sagot. Parang ibang-iba na siya ngayon. Bakit siya ganyan?? Nakaka-ewan naman toh.
Hinihintay kong sumandal siya sa balikat ko gaya ng lagi niyang ginagawa tuwing magkasama kami..
Pero...
Hindi. Hindi niya ginawa 'yun. Sa halip, tumayo siya at umalis na. Iniwan ako dito... mag-isa. Nakakapanibago talaga siya. Nakaka-iyak na toh. :'(
Mukhang malabo na ata talaga kaming magkabati :-( . Ilang beses na kong nag-try na kausapin siya, pero ilang beses niya naman akong nilalayuan. Arghhh, 'diba nga siya 'yung may kasalanan?! Ako na nga 'tong lumalapit eh, siya pa 'tong pakipot! Hmp! Pabebe!! Nakakainis na. Ayaw niya bang kasama ako na bestfriend niya?? Nami-miss ko na talaga siya eh. Nami-miss ko na si Mark. :-(
Hindi niya na'ko sinasamahan sa library..
Hindi na siya nagpapasama sa'kin sa canteen..
Hindi na niya ko niyayang manood 'pag may basketball game sila ng team niya..
Hindi niya na'ko binabati at tine-text tuwing umaga ng:"Uy! Gising na, ELImango!! Sabay na tayo pumasok."
Hindi niya na'ko sinasabayan sa pagpunta sa school at pag-uwi..
Hindi na siya nakikipagkwentuhan sa'kin at 'di niya na rin ako pinapansin..
Lagi niya 'kong iniiwasan sa tuwing kakausapin ko siya..
'Di na siya nag-rereply sa mga messages ko at 'di rin niya sinasagot mga tawag ko..
'Di na siya nagpapagawa ng mga assignments niya sa'kin at 'di na rin siya nangongopya sa'kin 'pag may quizzes..
Napaka-war freak niya na ulit ngayon at 3beses sa isang araw naga-guidance..
Nagbalik na siya sa dating Mark na una kong nakilala nung bago kami naging magbestfriend..
WAAAAAHHHHH!!
Biglang nag-vibrate 'yung phone ko sa may bulsa... may message na naman.. (panira moment toh ah! xD)
From: Mr. Secret Admirer ko
Message:
'Wag kang malungkot. There's always a rainbow after the rain. :-) basta, maaayos din 'yan. Hintayin mo lang ang right time. :-)Ngayon, 'di ako napangiti ng text niya. 'Di ko alam kung bakit, pero mas focus ko muna kasi siguro ngayon 'yung sitwasyon namin ni Mark. Kailangan maayos ko na toh. Dapat magka-ayos na kami bago matapos ang araw na 'toh.
Itinago ko na ang phone ko at umalis na sa canteen. Pumunta na'ko sa loob ng room at nag-ayos ng gamit. Ilang minuto na lang kasi at magsisimula na ang klase.
Tumingin-tingin ako sa paligid...
Teka.
Wala pa si Mark ah.
Alam niya namang sobrang sungit ng next teacher namin na si Mr. Sanchez, tas 'di pa siya pumapasok sa room. 'Pag na-late siya ng dating siguradong detention agad ang ibibigay sa kanya ni Mr. Sanchez. Haaayy, ano ba yan. Ako ang nag-aalala para sa kanya eh. Asan na ba kasi 'yung Mark na yun??