KINDLY PLAY THE SONG IN THE MULTIMEDIA BOX [Sa'yo Na Lang ako By: Karylle] ITS A MUST.
"God! ayokong mawala ka... sobrang mahal kita" saad nito at patuloy sa pag iyak.
"God knows how much i love you...." anito at tumungo sa kwarto nila. Hindi na talaga malaman ni Vice ang nararamdaman ngayon. Parang sasabog na ang puso niya, Sa dami ba naman ng pwedeng magkasakit bakit si Karylle pa na hindi niya pa nga nababawi. Sinipa niya ng malakas ang mesa na nasa harap at napa-upo. Wala na siyang sapat na lakas ngayon dala narin siguro ng pagod at dahil hindi pa siya nakakatulog.
Marahang kumatok si Karylle sa pintuan, kahit nasasaktan din siya ay pilit niyang pinapakalma ang sarili ayaw niyang makita siya ni Vice na mahina dahil tapos niya nang pinakita sa huli ang MAHINANG KARYLLE.. Dahil hindi binuksan ni Vice ang pinto si Karylle na ang kusang pumasok at parang nadurog ang puso niya sa nakita. Si Vice na nakaupo, nakasandal ang ulo sa mga tuhod na panay ang iyak. Nakita niya rin ang mesang natumba.
"V-Vice?" saad ni Karylle na nasa harapan na ng huli at pilit ina-angat ang mukha. Nang maiangat niya na ang mukha ni Vice, tumambad dito ang pulang mga mata ni Vice. Lugmok na lugmok na ang mukha nito, Namamaga ang mga mata at nanghihina na.
Walang imik na hinarap ni Vice ang mga mukha ni Karylle. Nanatili silang magkatitigan ng halos isang minuto saka nagsalita si Karylle.
"O-okay ka lang?" pinilit niyang magsalita kahit hirap na hirap na siya. Unti unting dinudurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Vice, hindi niya inakalang aabot sila sa ganito. Akala niya matapos ikasal si Vice makakapag move-on na siya at magbabagong buhay. Pero eto bumalik si Vice at hindi tumitigil hanggat hindi pa siya nababawi. Kung siya ang papipiliin mas gugustuhin niya pang itigil na ni Vice ang pinaplano niya dahil may pamilya na ito at isa pa andyan si Vhong para sa kanya na kahit kailanman hindi siya nagawang saktan. Si Vhong naging unan niya. Bakit? kasi sa tuwing naaalala niya si Vice wala siyang tigil sa pag iyak at si Vhong ang sumasalo sa mga luha nito. Gusto niyang bumalik sila ni Vice sa dati pero hindi niya pwedeng gawin dahil maraming taong pwedeng masaktan, ,mas gugustuhin niya pang siya nalang ang masaktan at wag na ang ibang tao na walang ginawa kundi ang maging mabait sa kanya.
Tumango lang si Vice bilang sagot, syempre hindi siya okay at ramdam iyon ni Karylle. May mga nangingilid na na mga luha sa mga mata ni Karylle pero ginagawa niya ang lahat wag lang tumulo ang mga ito, ayaw niyang makitaan siya ni Vice ng emosyon na nasasaktan siya. Ayaw niyang bigyan ng rason si Vice para mag assume. Dahil kahit na anong mangyayari hindi makakaya ng konsensya niya ang pwedeng mangyari kung sakaling bumalik sila sa dati.
"I'll b-be fine.. RHD lang to.. Si-siguraduhin kong tatagal ako.." saad ni Karylle at tumayo. Na-upo ito sa kama. Nakapako na kay Karylle ang mata ni Vice na walang tigil sa pagtulo ang mga luha, sinusundan ng mga mata niya ang bawat galaw ni Karylle. Walang ganang magsalita si Vice sa ngayon dahil hindi niya na maintindihan ang nararamdaman, parang gusto niya nang sumuko pero hindi niya magawa.
"A-and you don't have to worry V-vice... Makakasama mo pa ako.. W-we can be friends in the future right?" sa binitawang salita ni Karylle halos hindi na malunok ni Vice ang laway niya.
"Seryoso ba talaga siya sa mga pinagsasabi niya? tangina!" bulong ni Vice sa sarili kasabay ang pagtulo ng luha sa mga mata.
"G-gusto mo talagang ma-una pa ako sayo eh noh?" sa wakas nagkaroon na siya ng lakas para sabihin iyon. Nagpakawala siya ng buntong hininga at binigyan si Karylle ng sarkastikong ngiti.
"W-what do you mean?" kahit alam na ni Karylle ang pinupunto ni Vice gusto niya lang marinig ulit ito para siguraduhing mali ang naririnig niyang mga salitang lumalabas sa bibig ni Vice.
"Friends?.... sa tingin mo kakayanin kong maging kaibigan mo lang?"
"BestFriends.." saad ni Karylle.
"Karylle! ano ba talaga ang gusto mo ha?! eto na nga diba?! bumabalik na ako sayo! ginagawa ko ang lahat bumalik lang ang dating ikaw. Pero ano ba?! Pagod narin ako Karylle! tao lang ako...."
"Tao!"
"V-vice!" sigaw ni Karylle dahil sa gulat na biglang sinuntok ni Vice ng malakas ang pader, marahang tiningnan ni Vice ang kamaong may namumuo ng mga dugo. Nanginginig ang mga kamay niya pero patuloy parin siya sa pagtawa ng nakakaloko habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha.
"O-okay ka lang?" tanong ni Karylle na ngayon ay lumapit na sa kanya.
"Naitanong mo pa talaga yan ha... Oo okay lang ako, hindi naman masakit to eh." sabay angat sa kamao. Sandali niyang tiningnan si Karylle pero binawi niya rin agad ang tingin niya saka kinuha ang mga kamay ni Karylle. Dahan dahan niya itong nilagay sa dibdib niya.
"Eto.. eto ang masakit..." binawi rin agad ni Karylle ang kamay saka tumalikod. Kasabay na ng pagtalikod niya ang pagtulo ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
"V-vice, walang akong mag- magagawa diyan.."
"Meron Karylle.. Meron.."
"Hindi ko nga magawang p-pagalingin ang sakit k-ko sa puso, p-paano na kaya yang sayo.. Vice! tanggapin nalang natin na hindi na talaga tayo ang para sa isa't-isa.. May mga pangako talagang napapako at isa na dun ang pangakong binitawan natin sa harap ng altar.. Who would have thought that the best couple in town may be this misserable today.. Thank you for hurting me, because if you didn't hurt me i won't meet the person who would make me realize life is worth having again..." nanatili siyang nakatalikod kay Vice dahil ayaw niyang ipakita na umiiyak na siya...
Vice clinched his fist..
"S-si Vhong ba?!" tanong nito.. Walang sagot na natanggap si Vice kaya sumigaw ulit siya.
"Fvck! Karylle answer me!" iniharap niya si Karylle sa kanya at napatigil ng makitang umiiyak na ang huli.
"Oo Vice... Oo! and don't blame me of learning to love Vhong back! because at first this won't happen kung naging matapang ka lang, kung naging matalino ka lang, at kung hindi ka lang naduwag. Duwag ka Vice! Duwag ka!" pinilit yakapin ni Vice si Karylle pero tinutulak siya nito.
"I- I'm s-sorry...." saad nito nang mayakap na si Karylle..
"Duwag ako? oo.. at sorry sa pagiging duwag.. AKIN KA NALANG ULIT... PLEASE.."
AWWWWW! HAHAHA BITIN BITIN BITIN.. HAHAHA SAREY NAMAN. WELL, HERES THE UPDATE. THANKS FOR THE VOTE AND COMMENT HEHEHE. SA TANSYA KO MGA 10 CHAPTERS TO GO NALANG. HEHE. THANK YOU TALAGA SA SUPORT. ALAVYA! MUAAAH! GODBLESS. TYPO ERRORS EXPECTED HEHEHE. WAIT FOR THE NEXT UPDATE GUYS MUA!-BAYSHKAREL
BINABASA MO ANG
Me and my Possessive wife
Fanfiction"Possessive means over protective, jealousy, clingy and etc. etc. A Possessive wife? Does a possessive wife still exist? well litsi, este lets see." Expect errors from this story. Kung ayaw niyo ng OA na story? go read other stories.