Chapter 24*Paalam*

22 2 0
                                    

Lily's POV

Malandi ka!

Isang babaeng kaladkarin

Manloloko

Manggagamit

Pikit mata habang patuloy na tinatakpan ng aking mga kamay ang aking tenga.

Nakakabingi.

Parang sirang plaka at paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Haye.
Malayang umaagos ang aking mga luha patungo sa aking pisngi.

Ang dami kong mga alalahanin. Tila sobrang dami naman atang pagsubok ang nakalaan sa akin. Niyakap ko ang aking mga hita habang patuloy parin sa pag iyak.

Ang dumi dumi ko na.

Hindi ko akalain na magagawa sa akin ni Haye ang bagay na iyon.
Ang mga mata niyang halos mag-apoy sa galit sa akin. Ang mga kamay niyang malabakal na walang humpay sa pagsampal at pagsuntok na siyang dahilan ng aking mga pasa. Lalong higit ang kanyang mga labi na mapupusok , at hayok na hayok sa makamundong gawa . Wala akong magawa noong mga oras na yaon. Tila isa akong daga na walang kalaban laban habang nililingkis at sinasakmal ng isang mapanganib na sawa.

Isa siyang ahas!

"Manlilinlang ka Haye!! Isa kang hayooopp!!!!"

Napabulalas ko sa sigaw na siya namang agad na pagrespunde ng nurse at hinaplos haplos ang aking buhok.

"Ma'am tumahan na po kayo. Hindi po ayos sa inyo na nalulungkot kayo.Maiistress po kayo niyan eh."

Iniwas ko ang aking sarili sa kanya.

"Pwede bang iwan mo ako?! Gusto kong mag-isa . Pakiusap!"

Halos magulat siya noong sinigawan ko siya at naramdaman ko na lamang na nakalayo na siya sa akin.

Ang daming mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.

May nagsamantala ba sa akin?

Mayroon kayang kaso ng rape sa lugar namin at isa ako sa mga nabiktima? Imposible na hindi na buo ang aking puri dahil napaka-inosente at konserbatibo kong tao. Pangalawa , hinding-hindi iyon magagawa sa akin ni Yulesis.

Hindi kaya si Haye ang pumatay kay Lianne?

Ang tindi niyang magalit noong nasaktan siya at grabe itong ginawa niya sa akin. Kung nagawa niya ito sa akin , pwes kayang-kaya rin niya itong gawin sa kapatid ko.

Ikinuyom ko ang aking mga palad at ibinalibag ang mga prutas na nakalagay sa aking mesa , gayundin ang mga baso , injections at mga gamot. Wala na akong pakielam kung masayang. Tinanggal ko ang swero at idinaan ko ito sa paghalakhak . Pakiramdam ko ay naatim ko ang kalayaan .

Inayos ko ang aking sarili at manaka-nakang lumabas ng silid.
Batid ko na nandito pa rin sa hospital ang hayop na Haye na iyon. Bagay na bagay ang kanyang ngalan. Haye as in Haye-op. HAYOOOOP!

Naaamoy ko ang dugo ng demonyo na iyon , at hinahawakan ko ang mga pader na aking nadadaanan at mabilis din akong nagtatago sa tuwing nakakakita ako ng mga nurse. Napasilip ako sa isang pinto at namasdan ang mukha ng lalaking nagligtas ng buhay ko.

Yulesis.

Hinawakan ko pa ang glass window sa may pinto na parang nahahaplos ko ang kanyang mukha na maraming pasa. Putok rin ang ibabang bahagi ng kanyang labi at wala pa rin siyang kamalay-malay. Ang kanyang mga kamay ay hawak-hawak ng isang may edad na babae na sa tantya ko ay ang kanyang ina.

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon