Chapter 17: Funny

969 67 12
                                    


Chapter 17:  Funny

Dahil sa pagkagulat ay nabitawan ko ang hawak kong tinidor at bumagsak dito sa ceramic na plato sa aking harapan,  making a loud and an unpleasant sound that caught the attention of the other diners.

Yumuko ako ng ilang sandali dahil sa pagkapahiya. When I felt like no one's looking anymore, I raised my head and I uncomfortably shifted on my seat. I looked at Nile.

"S-sorry, nagulat lang ako kaya nabitawan ko iyong tinidor. A-ano nga ulit ang sabi mo? Para kasing... Para kasing nagkamali ako ng dinig eh," I said before a nervous giggle escaped from my throat.

Ang dinig ko kasing sabi niya ay 'Be my girlfriend'. Ridiculous, right?  Bakit naman niya ako aayain na maging girlfriend?

Baka nabibingi lang ka lang dahil sa gutom, I said to myself. So, dinampot ko ulit ang tinidor and I took a mouthful of seafood marinara.

While chewing, I peeked at him and I discovered that his eyes never left me. He was watching me intently and that made me more uncomfortable. I swallowed my food and this time ay marahan kong ipinatong ang fork sa plato. I didn't want any attention anymore. I took a lungful of air pagkatapos ay umayos ako ng upo.

"What did you say?" I asked him again but this time, my voice was calmer and more steady.

He rub his chin using his thumb na tila ba nag-iisip siya and after a beat his face turned serious and determined. "Be my girlfriend, Cindy," mahina pero klaro niyang sabi. " I want you to be my girl."

My jaw dropped in an instance. I did not misheard anything afterall.

Kung natatawa-tawa pa ako kanina sa pag-aakalang nililinlang ako ng tainga ko ngayon naman ay naikuyom ko ang mga palad ko dahil nakaramdam ulit ako ng galit. I gave him my deadliest glare. Kung talagang nakakamatay ang tingin ay siguradong bumulagta na siya ngayon at dead on the spot.

"Anong klaseng kalokohan ang sinasabi mo?"  I growled. "Anong be my girlfriend? Talaga bang ginag*go mo ako?"

"No! Of course not," he immediately denied. "Hindi kita ginag*go. I am serious here. So d*mn serious. Like what I've already said. I wanna make it up to you."

"Gusto mo akong maging girlfriend dahil gusto mong bumawi sa ginawa mong pagnanakaw sa first kiss ko?" I incredulously asked. " Give me a good reason why a guy like you who's a player want to make it up to someone like me? Sa isang tulad ko na ...." I paused para saglit na mag-isip. "Sa isang tulad ko na random girl na nakilala mo sa isang bar?"

Kumunot ang noo niya at tila napaisip din.

"Because I am drawn to you. Because you are special," he eventually said.

"Special?" I tested the word pagkatapos ay natawa na lang ako. "Special, huh? Alam mo sa panahon ngayon, mamon na lang ang espesyal," I sarcastically said.

"Listen to me. I–"

"No, you listen to me. Hindi  na gaanong kilala ay one hundred percent sure ako na hindi ka firm advocate ng chivalry so please don't act like a polite, kind and unselfish guy toward me," madiin kong saad. "Sigurado din ako na hindi ako ang unang babae na nahalikan mo. At malamang kulang pa ang mga daliri ko sa kamay at paa para bilangin kung ilan na ang napaiyak mo. Heck, I even witnessed how you mercilessly dumped Nina. Nakita ko kung paano siya ngumawa na parang baka pero hindi ka man lang lumingon para tignan siya!

Isinabit ko ang strap ng bag ko sa balikat ko at saka ako tumayo. "Uuwi na ako. Salamat sa pagkain pero hindi ko na iyan mauubos. Nawalan na kasi ako ng gana."

Before he could even open his mouth ay mabilis akong tumalikod at naglakad palayo. Nang makalabas ako ng restaurant ay agad kong sinipat ang mga pampasaherong jeep na dumadaan. I was about to raise my hand to hail one but a hand grab my hand. Marahas akong lumingon and it was him again.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon