Ryla
Letcheng Princess na yun. Dapat sa kanya yung pangalan na Higad Princess eh. Ang kati! Nandito kami ngayon sa PE class namin. Excited na kami sa ginawa naming plano.
"Pang-ilan ba si Princess?" Bulong ni Francis sa tenga ko.
"Bago ako." Reply ko sa kanya.
"Pang-ilan ka ba?"
"Pang-sampu ako. Tumahimik ka na nga Francis!" Iritado kong sinabi.
"Kung pang-sampu ka, pang-eleven si Princess?" Tinanong niya.
Haaaay nako. Wag ko na nga lang pansinin.
"Tanga!" Binatukan ni Kyle si Francis. "Bago nga eh! Edi pang-siyam! Magbilang ka nga!"
"Hindi mo kailangan mamatok okay?" Dinig ni Francis.
"Anong ingay yan Kyle at Francis?!" Sigaw ni Sir Dante.
"Si Kyle po sir, namamatok sa batok!" Tumayo siya sabay lapit kay sir.
Syempre sa batok ka babatukin Francis. Haaay nako. Inikot ko mata ko sa katangahan ni Francis.
"Gusto mo sa noo ka batukin?!" Sigaw ni sir. Hindi na sumagot si Francis at nanahimik nalang.
"Kayong dalawa! Kyle at Francis! Lumabas kayo sa klase ngayon din!" Tumawa yung buong klase.
"Sir bakit kasama ako?" Reklamo ni Kyle.
Nakaturo si sir sa labas, "Labas!"
"But sir!" Tuloy pa rin sa pagrereklamo si Kyle.
"No buts!" Matibay si Sir Dante. Tuluyan nang lumabas si Kyle.
Tinawag na ni Sir yung susunod na magpeperform.
Lumipat ako sa tabi nila Krystal at Trysha.
"Bakit kayo nakangiti? Paano na yung plano natin?" Tinanong ko sa kanila.
"That was part of the plan." Sabi ni Trysha.
Na-dumbfounded ako doon ah.
"Ha? Paanong naging parte ng plano yun?"
Kinuwento nila Krystal at Trysha ang nangyari.
"Ganito kasi..."
-------
"Ano nang plano natin?" Umupo ako sa tabi ni Kyle na naglalaro ng video games.
"Akin na nga yan!" Inagaw ko yung controller sa kanya. "Wag na muna maglaro at kita niyong nagpaplano tayo eh."
Nag-make face si Kyle na in-ignore ko nalang.
"Ganito, nagresearch ako tungkol kay Princess. Turns out na famous siya sa google." Umpisa ni Brandon.
"Wooow, nakanaks famous!" Ani ni Krystal.
"Duh, I'm more famous than her." Daig ni Trysha.
"Ayun. Tapos may nakita akong personal blog niya."
"Tapos?" Sabay-sabay naming tinanong.
"May nakalagay doon about sa fears niya."
"Tapos?"
"Ano ba? Tuloy mo na Brandon." Napasigaw ako.