[A'N: Base sa experience ko. Hehe! ^___^ 3rd Story kona ituuuu. Alam ko magagalit ang mga boys sa discription ko. ^=^V Story lang po ito, Huwag niyo gawin Big deal]
×××××××
Samantha POV
Im Samantha Nicole Lim 14 years old and yes!Maldita ako at ayaw na ayaw ko sa lahat yung mga feeling gwapo. Yah! Tama ang mga iniisip niyo, Im a Manhater. NBSB ako no? Kaya bakit manhater ako dahil lang naman sa mga nababasa ko at napapanuod ko then ang mga kaibigan ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko puro picture ko ang mga nakadikit sa pader mahilig kasi magcollect ng mga picture eh. Nakaupo ako sa kama ko at nakaheadset at nagbabasa ako ng libro yes! Hilig ko talaga magheadset habang nagbabasa.
At naramdaman ko na bumukas yung pinto at dali dali umupo sa tabi ko ang one and only madrama kong bestfriend si Michelle de vega also known as Mitch.
"Hey! Sam Nagawa muna ba yung sa chemistry naten?" Pagtatanong niya at tinapat niya ang kanyang mukha sa mukha ko at nag beautiful eyes siya sa akin. Pssh! Ang baduuuy talaga oh.
"Hindi pa, mamaya na! Hindi pa tapos yung binabasa ko eh" tinanggal kona yung headset ko at isinabit sa leeg ko pero nakatinggin padin ako sa binabasa ko libro.
"MyGosh Sam! Kailan mo ba titigilan ang pagiging bookaholic or pagiging readers mo" Tumayo siya at nag cross arm siya sa akin at nakataas yung isang kilay niya.
"Never" Matipid kong sagot, yah! As in never ako titigil sa pagbabasa ko ito na nga libangan ko aalisin pa niya.
"Sam naman eh! I know matalino ka but maglibang ka naman minsan like magshopping tayo gumala at mag movie marathon at iba pa" naka pa meywang na siya ngayon pero nakaharap parin siya sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita bagkus ay binalik ko nalang sa tenga ko yung headset ko at nilakasan ang volume para hindi kona marinig yung mga sasabihin pa niya.
Habang nagbabasa ako ay nakaramdam ako ng gutom, kainis naman oh! Kung kailan maganda na yung part dun naman umepal ang tiyan ko. Ayoko kumain pero hindi nakikipag coopirate ang tiyan ko eh.
Bumaba na ako ng kwarto ko nasa hagdan pa lang ako kay naririnig ko na sila nagtatawanan sa sala sina kuya Mathew at yung madrama ko kaibigan na si Mitch. Kapag nandito si mitch hindi pwede hindi sila mag usap ng kuya ko, may something! Eh wala ako pakelam.
Bumaba na ako at pumunta na ng kusina, binuksan ko yung ref namin at kumuha lang ako ng isang Coke can at isang slice ng Pizza, ayoko kumain dito! Kaya sa kwarto na lang ako kakain. Habang umaakyat ako ay tinawag ako ni kuya mathew
"Hoy! San ka kakain?" Sigaw ni kuya mula sa sala hanggang hagdan.
"Malamang! Sa kwarto." Pamimilosopo ko sa kanya. Manhater talaga ako! Tignan niyo pati kuya ko sinusungitan ko. Btw! Wala na kami papa dahil sumama na siya sa malandi niyang kabit. Ayoko ng isipin yun!
"Sinabe ng huwag ka kakain sa kwarto eh, my kusina naman. Samantha nicole! Follow my words" seryoso sabi ni kuya mathew. Yah! Simula sumama si papa dun sa kabit niya ay si kuya na ang pumalit sa pwesto ni papa. Si Mama naman ay isang Doctor sa isang malaking hospital dito sa pilipinas, minsan nga umaalis si mama papunta ibang bansa, Ano daw nila General Conference.
Nag sigh na lang ako ng malalim at bumaba na pumunta na ako sa kusina at dun na lang ako kumain, hanggang dito sa kusina naririnig ko ang tawanan nila! Kaya nga ayaw ko dito kumain eh.
Ang laki laki ng bahay namin pero naririnig mo parin ang tawanan nila. Natapos kona yung kinakain ko pero yung coke hindi pa ubos kaya dinala ko na lang sa kwarto ko.
Pag pasok ko sa kwarto ko ay nilock kona yung pinto at pumunta na ako sa study area ko at dun ko na lang pinagpatuloy yung pagbabasa ko.
Pagkatapos ko matapos yung binabasa ko ay kinuha kona yung Chemistry book at notebook ko, sinimulan kona gawin yung assignment ko. Madali lang naman eh! Periodic table tapos solving problem.
Matalino ako babae top1 kaya ako last year. Dapat ako ang tularan niyo eh! Huwag puro pabebe huwag puro puso, pinapagana niyo! Kundi ang utak niyo. Dahil wala naman magagawa ang puso at mga pabebe niyo sa buhay, try niyo kaya utak muna paganain niyo may patutunguan pa kayo.
Natapos kona gawin ang assignment ko kaya naisipan ko magshower na. Pagkatapos ko magshower ay Pumunta ulit ako sa study area ko at umupo ulit, kailangan ko pala mag attendance ngayon sa groups namin sa wattpad. Kundi matatanggal ako sa group mahirap na! Lage pa naman updated ang mga author dun.
Pagka open ko ng facebook ko ay umilaw ng red yung message, ibig sabihin lang nun my nagmessage sayo! Sus. Walang kwenta na naman ito. Pumunta na ako message at tinignan kung sino yung FF na yun. FF means Feeling Famous! Kaasar.
Rocky Mendoza
Hi Samantha ;)Bullsh*t! Hindi talaga titigilan ng panget nato! Si rocky mendoza kbatch ko lang pero matagal na siya may gusto sa akin minsan pa nga nagpapanggap siya na secret admirer ko, pero nabubuking naman siya. Pinahiya kona nga eh, sinabe kona lahat ng masasakit na salita pero lalo lang daw siya nainlove sa akin, putek! Inlove? Nakakain ba yun??
Hindi sa pagiging bitter ah? NBSB nga ako eh kaso ayoko talaga sa mga ganyan, nandidiri ako! Lalo na kapag naglalakad ako sa campus nakakakita ako ng couple na naglalampungan, sinisigawan ko eh nandidiri nga ako sa kanila eh.
Badtrip talaga oh. Pati ba naman weekend ko sisirain niya, psssh! Wala naba talaga magawa matino yung mga tao ngayon. Makapag log out na nga! Matutulog na lang ako.
××××××××
[A'N: Panget ba? Haha Comment niyo kung may suggestion kayo]
YOU ARE READING
The Manhater
RandomIsang babae hate na hate ang mga boys dahil naniniwala siya sa sabe sabe na 'LAHAT NG LALAKE SA MUNDO AY MANLOLOKO' . may lalake kaya mapalambot ang pusong bato niya. Owww... Let see! ×____^