Nasa rooftop kami ngayon dito sila gumagawa ng assignment. Math ang sinsagutan nila nakatingin lang ako sakanila habang may kanya kanyang pwesto sila sa pagsusulat. Si Ayane at Yuki magkatabi na nagsasagot tinuturuan nyang magsagot si Ayane. Si Jeff, Daniel, Ryan, Rio, Angie at Patty nangongopya ng assignment sa notebook ko. Si Faye at Jessica lang ang walang ginagawa kagaya ko tapos na silang gumawa ng assignment."Ay may naalala ako kilala nyo si Heleina yung sa kanilang section?" Sabi ni Jessica saamin. Tinignan namin sya ni Faye.
"Yung sumali rin ng Ms July nun? Yung kabatch ko?" Tanong ko.
"Oo yun. Diba kilala mo si Marcnel diba mag crush sayo yun? Nililigawan nya si Heleina." Sabi ni Jessica. Tumango ako. Kilala ko si Marcnel sya yung nagbigay ng chocolates saakin noong 3rd year at nakakachat ko sya noon pero ngayon hindi na syempre may boyfriend na ako dapat dumistansya din at saka ayaw ni Akihiro na nakikipagchat ako sa ibang lalaki.
"Kanino mo nalaman?" Tanong ni Faye.
"Narinig ko lang kila Kaila at Tricia kanina diba kaibigan nila yun." Sabi ni Jessica natawa kami ni Faye at napailing. Si Jessica talaga.
Pagkayari nilang gumawa ng assignment bumaba na kami sa rooftop at pumasok sa room. Nagkatinginan kami nila Jessica at Faye nung makita namin si Heleina at Marcnel sa loob ng room namin kasama sila Kaila at Tricia. Nung nakita ako ni Marcnel nginitian nya ako nginitian ko rin sya pabalik. Tumingin ako kay Heleina nakatingin sya saakin pero nag iwas sya ng tingin. Bakit ang awkward?
"Speaking of..." Pabulong na sabi ni Jessica at nagpatuloy na sa paglalakad. Napailing nalang kami ni Faye. Nagpunta na kami sa kanya kanya naming pwesto. Nung dumating ang iba naming mga kaklase umalis na sila Heleina at Marcnel bumalik na sa classroom nila na katabi lang namin.
"Magccr muna pala ako." Sabi ko kay Faye. Sya ang katabi ko.
"Samahan kita?" Sabi ni Faye saakin umiling naman ako. Lumabas na ako ng room malapit lang naman ang cr kaya hindi na ako magpapasama.
"Ate Yumi!" Huminto ako sa paglalakad sa corridor nung makasalubong ko si Diarra. Nginitian ko sya.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Pupunta kang cr?" Tanong ni Diarra. Tumango ako.
"Sabay na tayo." Sabi ni Diarra saakin. Tumango ako. Sabay kaming naglakad papunta sa cr.
"Ay oo nga pala. Suki ka pala sa shop namin. Mahilig ka talaga pala sa sweets no?" Sabi ko sakanya habang naglalakad kami papasok sa cr.
"Oo pati pinsan ko mahilig kaya madalas kasama ko sya sa shop nyo." Sabi ni Diarra tumango ako sa sinabi nya siguro yung pinsan nya yung kasama nyang lalaki nun.
"Cr muna ako." Paalam ko kay Diarra. Tumango sya kaya pumasok na ako sa cubicle. Habang nakaupo ako sa toilet may nabasa ako na nakasaulat sa pinto.
Yumi Alcantara pahinhin ka pa malandi ka naman.
Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Ngayon ko lang nakita to sabagay hindi ako nagccr dito palaging sa kabilang cr ako nagpupunta ngayon nalang ulit ako nagcr dito. Bago lang kayang sulat to? Sino tong nagsulat? Ang sakit naman nyang magsalita. Hindi naman ako malandi.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Ficción GeneralHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...