This Chapter is dedicated to black_gauzius. Thank you sa comment!
- River Ehren Cruzveda's POV -
" Hey Yuwi tara samahan mo ko sa labas. " sabi ng Andrew na kakarating lang. Nakita na ngang kausap ko pa si Yuwi eh.
" I'm with my master, shiro. " sabi ni Yuwi kay Andrew. Si Yuwi lang daw pwede tumawag sa kanya ng Shiro. Eh ano naman? Mas unique nga tawag sa akin ni Yuwi eh. Riverehren...
" Pffftt... " ayan na naman nagpipigil na naman ng tawa tong Andrew na to. Nung nakaraan pa to eh... Nung tinitrain niya ko, bigla bigla na lang matatawa o magpipigil ng tawa. Hindi kaya baliw tong guardian ni Yuwi?
" Alam mo Master ok lang yan. Kaya naman ni RIVER na mag-isa. Ako kaya nagtitrain diyan. " sabi niya tsaka ako tinignan. Tinignan din naman ako ni Yuwi na parang nagtatanong kung ok lang.
" Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko tsaka tumalikod at umalis. Tsss... Kaya ko naman talaga yung sarili ko eh. Kaya lang tama bang mas samahan niya yun eh ako ang master niya. Bahala siya, maghahanap na lang ako ng kasama.
Hinayaan ko na lang si Yuwi at Andrew doon. Papunta na kong cafeteria ng nasalubong ko si Sabrina.
" Hi River! " bati niya sa akin. Tumango naman ako. Wala ako sa mood makipagdaldalan.
" Oh... Not in the mood huh? Balita ko yung 'so called girlfriend' mo eh busy sa transferee. " sabi niya tsaka ngumisi.
" Yup. Family friend niya si Andrew. Anyway, may pupuntahan ka ba? Sabay na tayo maglunch? " tanong ko sa kanya. Bigla namang umaliwalas yung mukha niya.
" Sure. " sagot niya kaya hinatak ko na siya papuntang parking lot. Sa labas na lang kami kakain.
" How about our class? " tanong niya. Tinatamad na ako pumasok.
" You don't want to come? " tanong ko sa kanya na ikinasimangot niya.
" Of course, I want to." sabi niya tsaka ako hinatak papasok sa kotse ko. See? Aayaw pa eh.
Nagdrive na lang ako papuntang Aquafest. Restaurant na puro seafood ang nasa menu maliban syempre sa dessert.
Inantay lang namin yung order namin na halos lahat ng order eh sa akin. Diet daw siya.
" Parang ang tagal na nating di nagdidate. " sabi niya.
" I never consider you as my date. " sabi ko sa kanya. Hard right? Ganun na kami sa simula pa lang. No strings involve. Basta pagkailangan ko ng kasama andiyan siya. Same as her...
" Oh my... Don't say that again. " sabi niya na parang ang laking kasinungalingan ng sinabi ko. Tinanguan ko na lang siya.
" Ahuh... Wala sa mood?" Tanong niya. Tumango na lang ulit ako.
" Is that because of your 'so called girlfriend?'? " tanong niya sa akin. Iniwas ko naman yung tingin ko.
" Confirm. River, your jealous??? Geeez... The flirty River is JEALOUS! " sabi niya na pinagdidiinang nagseselos ako. Ako? Nagseselos?
" I'm not. " sabi ko.
" Really? Then why did your action says yes? " sagot niya sa akin.
" My action can't speak" sabi ko tsaka kumagat sa pagkain ko.
" literally yes." Sagot niya. What's with her?
" Wait. Akala ko ba naiinis ka kay Yuwi?" Tanong ko sa kanya.
"At first Oo. Pero nung una lang yon no. " sabi niya. Magsasalita pa sana ako ng nagring yung cellphone ko.
Si Yuwi?

BINABASA MO ANG
My Doll like Guardian
Ciencia FicciónRiver Ehren Crusveda is the only heir of Crusveda Coorporation. A successful institution which is considered as the biggest coorporation in Asia. For that reason, he always received death threats from different people and assassins. His Mother, Reev...