Gutom ako. period.

37 5 0
                                    

Ashley's POV

"ano ba! sabi na bad idea na sumakay dito e! red light pa bat ka umandar!!!"

todo sigaw ko kay Ace at todo yakap na din pala ko..

Oh gosh masisisi mo ba ko? pinapalipad nya na yung motor!

"ano ba? kalahati lang to ng normal na bilis ng pagmamaneho ko! buti nga ihahatid ka pa e!"

sabi nya.

God pls buhayin mo pa ko..
Naiiyak na na sabi ko sa sarili ko.
Nakakapit pa din ako ng mahigpit sa kanya. Infairness tigas ng abs nya ah, at maganda naman talaga ang katawan ng mokong na to kaya madaming humahabol na babae.

But! kadiri pa din sya. as in. yak. magsa-sanitizer na lang ako mamaya.

At huminto na ang motor nya sa harap ng gate namin. Kalbaryo talaga pag kasama tong Ace na to!

Bumusina sa sya harap ng puting gate namin. At lumabas si Manong isko. ang security guard namin. Halatang nagulat sya ng makitang nakasakay ako sa motor.

"mam good afternoon po wait lang mam" at binuksan nya ang gate para samin.

Pinasok ni Ace sa loob ang motor at huminto sa harap ng front door namin.

Agad na kong bumaba.

"grabe! grabe talaga! muntik na kong mamatay sa nerbyos"

reklamo ko agad sa kanya ng makababa ako.

"youre welcome!" papilosopong sagot nya. at bumaba na din sa motor nya.

e bat naman ako magte-thankyou? sya ang nag prisinta na ihatid ako. At mas nanganib nga buhay ko sa kanya e!

Nakita kong biglang nanlaki ang mga mata nya at tumalikod sya bigla.

huh? problema neto.

"ehem" umubo sya.

"problema mo?!" takang tanong ko.

"puro ka kase daldal! ayusin mo muna yung palda mo!" sabi nya habang nakatalikod pa din.

Nanlaki ang mga mata ko. napadako ang paningin ko sa palda ko. Nakalislis pala, hanggang tuhod kasi ang skirt namin. at dahil nga umangkas ako sa pesteng motor nya, eto medyo umangat nga yung palda ko pagbaba ko.

Agad kong inayos na medyo tumupi lang naman pataas hanggang sa medyo kalahati ng legs ko. pero nakita nya pa din yung legs ko!

Nag init ang muka ko.

Pero somehow.. natuwa din naman ako. may pagka gentleman din pala 'tong gunggong na 'to.

Kala ko manyak talaga to e. pero nung kanina kitang kita ko kung pano kabilis yung pag iwas ng tingin nya.

"tara na nga!" tumalikod na ko at binuksan ang pinto. ramdam kong nakasunod sya sakin.

"umupo ka muna sa sala, magpapalit lang ako" utos ko sa kanya. at umakyat na ko sa taas, sa room ko.

Nagpalit na nga ko ng pambahay. Shorts na normal lang ang haba, and spider-man red tee shirt na over sized. what? comfortable ako dito at nasa bahay lang naman ako.

Bumaba na ko. at wala na si Ace sa sala kung saan sya naka upo kanina. asan na yun? baka umuwi na. Magpaplano pa naman na kami sana kung ano gagawin namin. Tuesday na kaya at ni-plano sa gagawin naming performance wala pa kami.

Tsk. inis na napaupo na lang ako sa sala. at nakita ko na nakalapag ang bag nya sa upuan. Oh? edi andito pa. tumayo ako. at naglakad papunta sa kitchen. baka naman pinaghanda ng makakain ni yaya. At pagpasok ko sa kitchen ang bungol nakaupo sa isang stool habang naka patong pa ang paa sa isa pang stool habang kumakain.

Wow feeling at home ah?
Lumapit akong nakapamewang sa kina-uupuan nya.

"wow nagpapasok pala ko ng daga sa bahay" biro ko at naupo na ako sa isa ding stool since nakaramdam na din ako ng gutom.

Ew. never kong na imagine na makakasabay ko sa pagkain tong Ace na to. but for now, i dont have a time to think about that.gutom ako e. so shut up.

Ace's POV

Nakaupo ako sa sala nila Ashwitch ng tanungin ako ni yaya Ising kung anong gusto kong kainin ng makita nya ko.

Kilala nya ko since bestfriend ako ni Drake na halos everyday na nandito lagi at naisama ko one time. Naka'kwentuhan ko sya at di ko napigil na sabihin na napaka maldita ng alaga nya. oh-uh. Pero nagulat ako ng sumang ayon sya at natawa lang. pero sinabi nya din na ganun lang daw si Ash medyo maldita nga at spoiled, pero mabait na bata naman daw talaga.

Ok.. i guess laging sapat ang suweldo ni yaya!

"ipaghahanda na kita Ace" nakangiting sabi ni yaya Ising.

"gutom na nga po ako e pero wag na po, titingin na lang ako ng makakain sa ref nyo wag ka ng mag abala yaya Ising" nakangiting sagot ko sa kanya.

Nakakahiya naman na ipaghahanda nya pa ko. iistorbohin ko pa sya.

"o sige Ace tara sa kusina" hinatid nya na ko sa kusina kahit alam ko naman na ang papunta dun.

"sige Ace kumain ka lang dyan ha? tawagin mo ko kung may kailangan ka tatapusin ko lang yung ginagawa ko dun"

nakangiti pa ding sabi ni yaya.

"thankyou po ya" ganting ngiti ko din at umalis na sya.

At ako? syempre kumain na.
Naghahanap na ko ng trip ko kainin. Hm nutella, bread, cheetos at sakto may grahams sa ref nila. Ok na to.

Ganda ganda ng kain ko maya maya bigla na lang sumulpot si Ash.

"nagpapasok pala ko ng daga sa bahay" sabi nya at umupo na din sa kabilang stool.

At akma syang kukuha sa pagkain ko at pinigil ko ang kamay nya.

"oops. ano kuha kuha na lang?" biro ko sa kanya.

Umangat ang kilay nya.

"anong kuha kuha na lang? nutella ko yan ha, cheetos ko yan? at higit sa lahat, ako pa ang gumawa ng grahams na yan!"

sabi nya. haha nakakatawa talaga tong babaeng to.

Oh i mean nakakainis. yeah. nakakainis talaga 'tong babaeng to. Binawi nya ang kamay nya sakin.

"kaka sanitizer ko lang!" sabi nya pa at kumain na. di mo kainin yung sanitizer ng luminis ang kalooban mo?

At natapos na kaming kumain.
Sarap nung grahams nya ahh.

"okayyy. so anong plano?"

tanong nya ng nakaupo na ulit kami sa sala.

"may talent ka ba?" tanong ko.

...

...

"head in the clouds got no weight on my shoulders, i should be wiser and realize that ive got.."

biglang kanta nya.

Goosebumps. wow. ganda pala ng boses nya. Ariana Grande pa sinample ah. napatitig ako sa kanya.

"oh tulala ka?" asar na tanong nya habang nakangiti sakin. ngiting wagi.

"hmm pwede na" pagsisinungaling ko.

"sing and dance ako" sabi ko sa kanya.

"e yung last performance together? ano gagawin natin"

tanong nya.

"duet" simpleng sagot ko.

"ano namang kakantahin natin? wag mong sabihing rock and roll rock and roll yan ah? mag isa ka!" sabi nya.

"Nothing's gonna stop us now"

sagot ko sa tanong nya. at ngumiti naman sya na parang sang ayon naman sya sa kanta.

The Kiss That I Never Had (James Reid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon