Kundiman [ONESHOT]

224 4 1
                                    

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Para kang asukal

Sintamis mong magmahal

Para kang pintura

Buhay ko ikaw ang nagpinta

"Uy Claire! Ang pogi nun oh!"

"Saan?"

"Ayun yung nasa gitna!"

"Aaahh.. Hala oo nga ang pogi"

"WOOOO! I LOVE YOU KUYA"

Yun ang unang beses na nakita kita. Aaminin ko, na-attract ako dahil nga pogi ka. Simula nun, lagi na kitang sinusulyap sulyapan sa school. Sa canteen, sa quadrangle, tuwing nagpe-perform kayo sa stage.. Masaya na ko nun.

Para kang unan

Pinapainit mo ang aking tiyan

Para kang kumot na yumayakap

Sa tuwing ako’y nalulungkot

Isang araw. Isang araw lang ang kinailangan para makilala mo ko. For you to know that I exist. 

"Claire.. May sasabihin ako"

"Ano?"

"Yung crush mo.. Pinsan ko pala yun."

"Ha? Eh bat ngayon mo lang nalaman Nikks?"

"Eh.. Ewan ko. Hehehe. Ngayon ko lang din kasi nakita eh. Pumunta sya sa bahay namin nung isang araw. Tapos nagulat ako nung tinawag na TITA si Mama." 

Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong pangalan mo, kung anong klaseng tao ka, kung ilang taon ka na.. Pero ngayon, malalaman ko na.. 

"NIKKI!" 

"UY ALEX!"

"Hello!"

"Ahm.. Claire, sya nga pala yung PINSAN ko."

"A-ah.. N-nice to meet you"

Naging close tayo. Nalaman ko ang pangalan mo, nalaman ko lahat ng gusto kong malaman dati pa. Hindi na rin ako pasulyap sulyap. Pwede na kitang makasama. Pero magkaibigan lang tayo. hanggang dun lang. Masaya na ko dun.

Kaya’t wag magtataka

Kung bakit ayaw kitang maawala

"Ahm Claire.. Pwede bang maging tayo?"

"H-hah? HAHAHA"

"Bakit ka tumatawa?"

"HAHAHA-- teka, seryoso ka ba?"

"Oo.."

"Hindi ka ba muna manliligaw.."

"Pwede ba maging tayo.."

"Ahm.. Oo naman pwede."

Hindi ko alam, tayo na. Hindi ako sigurado kung tama yung pagsabi ko ng oo. Hindi rin ako sigurado kung naintindihan mo ko nung sinabi kong 'pwede'. Pero for some reason, sabi tayo na. At for some reason, hindi ako umapela. Siguro dahil alam ko na rin na "oo" rin ang sagot ko sa huli. 

xxxxx

"Bakit ganun Nikks? Di naman ako masaya."

"Eh? Bakit?"

"Di ko rin alam.."

Hindi ako masaya. Alam kong ikaw ang dream boy ko. Gusto mo ko, gusto kita, mahal mo ko.. Parang unti unti na kong hindi nagiging sigurado. Nagdadalawang isip na ko sa mga nararamdaman ko.

xxxxxx

"Alex, break muna tayo.."

"H-ha? B-bakit?"

"May mali kasi eh.."

"Anong.."

Hindi na kita pinatapos sa sinabi mo. Tumakbo na ko papalayo. Aaminin ko nasaktan ako. Pero hindi ganoon kasakit. Hindi yung tulad ng iba na iiyakan nila. Yung sakin, kumbaga.. Guilty lang.

Nanligaw ka ulit.

Tinanong mo ko ulit.

You started over.

But I said no.

After some time nabalitaan ko..

"Oy may girlfriend na raw si Alex?"

"Oo nga raw eh"

"Nikks, ano yun?"

"Ahm.. Claire.."

"Sabihin mo na Nikks. Ako naman nakipagbreak eh.. Hindi naman ako masasaktan.. siguro.."

"May girlfriend na si Alex."

"O-oh? H-hahaha.. Ayus yon."

'Okay lang yan Claire.."

"Oh bakit parang kino-comfort mo ko? Ayos lang talaga ko!"

Nagpaalam muna ko bago ako tumakbo sa may likod ng school, kung saan wala masyadong pumupuntang estudyante.

"SINUNGALING KA! AKALA KO BA AKO LANG?! TAPOS NGAYON MAY GIRLFRIEND KA NA PALA! ANG BILIS NAMAN! MAS MABILIS KA PANG NAKAPAGHANAP NG BAGO KESA SAKIN! ANG GALING MO RIN NOH?! SINUNGALING KA! SABI MO MAHAL MO KO!" 

Sumigaw ako ng sumigaw sa kawalan.

Walang nakakarinig.

Wala ka naman dito eh. Hindi mo naman maririnig.

Wala ka naman dito eh. Hindi ka naman maaapektuhan.

Wala ka naman dito eh. Hindi ka naman masasaktan.

xxxxxx

"Oo Babe, tapos yung GnG ang gali-- oh babe bat tumigil ka sa paglalakad?"

Napatigil ako sa paglalakad.

Ahh.. Babe pala tawagan nyong dalawa. 

Akala ko pa naman hindi ikaw yung ganyang tipo ng lalake.

I guess I was wrong.

"A-ah wala babe.. Tara na sa canteen."

Parang hindi mo na ko kilala.

May karapatan ba ko masaktan? Eh ako yung umayaw? May karapatan ba kong sisihin ka? Siguro nga ako yung nagkulang.

Kung hindi man tayo hanggang dulo

Wag mong kalimutan

Nandito lang ako

Laging umaalalay

Di ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

[A/N: Maganda ako. Chos. Comment, Like, Vote!]

Kundiman [ONESHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon