[ Reo Patrick Veracruz's POV ]
Hanggang ngayon nasa isip ko pa din yung mga pangyayaring nakita ko kahapon. Eh paano ba naman, first time kong makakita ng "break up moment". Ano kaya ang feeling kapag na-reject ka? Hindi ko alam dahil never pa naman akong narereject. Sa katunayan nga, yung mga babae pa ang lumalapit sa akin para mag-confess.
Ano ba yan, lumalaki na naman ulo ko. Hehe!
Nag-start na mag-roll call yung adviser namin. Walang absent ni isa sa amin, so ibig sabihin, pumasok yung babaeng heartbroken kahapon. I wonder kung kamusta na siya. Hindi ko makilala kung sino siya dito sa mga kaklase ko dahil hindi ko nakita yung mukha niya kahapon at isa pa, mahina akong makaalala ng mukha lalo na kung first time ko lang nakita at pag hindi din ako interesado. At isa pa, hindi naman siya obese eh, chubby lang siya. At dahil madami siyang kapareho ng body size, hindi ko din madistinguish kung sino siya dito sa mga kaklase ko. Since 2nd day pa lang ng pasukan, malaki ang chance na makakalimutan ko din kung sino ang taong yun. Mukha nga na nakita ko na, nakakalimutan ko pa eh, what more pa yung hindi ko man lang nakita yung mukha niya.
*Yawwwwn* nakakaantok talaga ang first period!
"Dude! Nawala ka daw kahapon. Hinahanap ka ng mga fangirls mo. Mukha ba akong lost and found? Lagi ka nila hinahanap sa akin!" si Max, kaibigan ko ever since gradeschool. Magkaklase kami hanggang ngayon college na kami. Cool diba?
"Sorry na Max hehe! May nangayri kasi kahapon so hindi agad ako nakabalik."
"Ano bang nangyari kahapon?" naiintriga niyang tanong sa akin. Chismoso talaga.
"Ah, wala naman. May napanood lang akong drama. Hehe. *yawn* inaantok ako Max! Pasandal naman sa macho mong braso!" hinatak ko siya sa tabi ko at sumandal ako sa braso niya. Muscleman yang si Max! Lagi yan nag-gygym eh. Kaya habulin din ng chicks. Hehe!
"Oi, kaaga-aga inaantok ka na agad. Next subject natin is PE. Bawal kang antukin doon! Umayos ka nga," parang Tatay naman to kung sermonan ako. "At tsaka wag ka ngang sumandal sakin! Kaya ako hindi nagkaka-girlfriend dahil napagkakamalan ka nilang boyfriend ko eh. Ang masaklap pa dito, ako pa ang babae sa ating dalawa. Jirits, dude! Pwede namang ako yung lalaki sa atin diba? Ugh. Lumayo ka nga! You're so gay!"
"Papi Maxie~" nag-pout pa ako sa kaniya habang nilalapit ko sa kaniya yung mukha ko. Hehehe. Nakakatawa reaction niya pag ginagawa ko yun. Paano kasi, homophobic itong kaibigan ko.
Dumating ang 2nd period. My hatest subject of all - PE! Why I hate it? Nakakapagod kasi yung subject na yun. Ayoko sa lahat yung napapagod ako eh. Ugh.
"Class, settle down. I will now start a roll call!"
Isa isang kaming nagsi-upuan sa gitna. Nang nakumpleto na kami sa gym, nagsimula ng magtawag yung PE teacher namin.
"Kevin Ramos"
"Present!"
"Fatima Grace Lim"
"Present!"
"Roger Trinidad"
"Maam, Present!"
"Max Gray Aquino"
"I'm here!"
Ang daming pangalan na tinawag si Ms. Rose (PE Teacher namin). Mga unfamiliar names. Yung iba, kilala ko kasi kung hindi sila sikat, mga naging kaklase ko naman sila noong highschool ako (Merong pre-school, grade school and high school department itong University namin).
Pero may isang pangalan na naka-agaw ng pansin sa akin.
"Alyssa Chrys Mendoza"
Napatinign ako kung nasaan yung babaeng tinawag ni Ms. Rose. Hinanap ko agad yung taong nagngangalang 'Chrys'.
BINABASA MO ANG
Finders Keepers
Teen FictionIniwan. Umiyak. Nawasak. Nasaktan. Tinulungan. Sinamahan. Bumangon. Naka-move on. At kung kailan naman nagawa ka na niyang kalimutan, saka ka naman bumabalik sa buhay niya para guluhin ulit ang puso niyang nananahimik. Finders keepers. What's mine...