Kim & Louie

110 8 0
                                    

AN/ (Mamaya nyo nlang po i-play yung video... Thanks :)


Kim's POV


"YOU may now kiss your bride" pagkasabing pagkasabi ni father sa linyang yon napatingin agad ako kay Louie.

He was looking at me eye-to-eye at nakikita ko sa mga mata nya kung gaano nya ko kamahal.

How I love to look at this man hinding hindi ako magsasawang titigan ang napaka gwapo nyang mukha, para syang isang anghel na handang protektahan ang taong mahal nya anoman ang mangyari. 

Nakangiti sya habang papalapit sa akin.Oh Gosh! Napapikit nalang ako nung malapit na malapit na yung mukha nya sa'kin as in konting konti nalang at mahahalikan na nya ko.

Inaantay ko nalng na dumampi ang mga labi nya ng biglang..

"Hoy babae nangangarap ka nanaman!" sabay sapok sa'kin ng taklesa kong bestfriend, tss ang hilig talaga manapok ng babaeng to kitang nangangarap yung tao dito eh istorbo!

"Bakit ba?" iritang tanong ko sabay haplos sa ulo ko na sinapok nya ang sakit kaya...

"Eh kasi naman kanina ka pa tulala dyan, Hello! kanina pa kaya ako daldal ng daldal dito" sabi nya with pakaway-kaway effect pang nalalaman

"Ah hehe sorry" yun lang ang tangi kong na sabi at nag peace sign pa..

"Si Louie nanaman ba yang iniisip mo?" masungit na tanong nya

"Sino pa ba?" balik tanong ko sa kanya

"Hay nako ewan ko sayo kung bakit baliw na baliw ka sa mayabang na yon, halos apat na taon ka ng nagpapapansin sa kanya pinansin ka naman ba? Eh baka nga hindi ka kilala non eh, kung ako kasi sayo tigilan mo na sya. Andyan naman si Ralph hindi mo lang pinapansin pero kung ako sayo blah blah blah blah" hindi ko na sya pinakinggan kasi naman ang daldal nya, tumayo na ako at nagsimula ng maglakad

"Hoy! babae san ka pupunta hindi pa ko tapos " sabi nya at tumayo na rin.

"Takbo! dali baka ma-late tayo" hinila ko na sya at tumakbo na para makalimutan na nya yug sasabihin nya.





NANG makarating kami sa classroom namin ay pagod na pagod na naupo kami, nakita ko pa si Ralph na ngumiti naman sa akin, naisip ko tuloy bigla yung mga sinabi ni best kanina.

May point naman talaga sya andyan naman si Ralph na handang mahalin ako, pero kasi ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako kay Louie, ganon siguro talaga kapag first love.. 

Matagal tagal na din nagpaparamdam sa'kin si Ralph pero hindi naman sya nanliligaw pero alam ko namang may gusto sya sa'kin hindi naman sa assuming ako pero kasi nararamdam ko din yon hindi naman kasi ako manhid. 

"Good Morning Class" bati ng teacher namin, andyan na pala sya ..

Math ang subject nya kaya eto nanaman ako mangangarap nalang para hindi mainip hindi ko rin naman kasi maiintindihan eh.

 hayyy Louie myloves kailan kaya kita makakasama, kailan ko kaya mahahawakan sila Mr.Abs ayieee hahaha kinikilig ako sa naiisip ko.

teka nga! wait, hindi pa pala ko nagpapakilala sa inyo ako nga pala si Kimberly Keith Cruz ang natatanging nagpapakatanga at baliw na baliw sa suplado at  mayabang  na si Louie Anderson Rivera.

Crazy Love (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon