Ishae's POV
"Hoy gago." Yes, ganyan kame mag batian. Hindi ko alam, mas komportable akong kausapin siya nang ganyan. Sweet din naman kame kaso medyo brutal pa rin. Sa pagiging bestfriend kasi kami nag simula.
"Oh baket? Istorbo ka tangina mo ah" Napahagikgik ako. Napakainitin talaga ng ulo ng boyfriend ko so I gave him dirty finger as answer. Natawa kami parehas at niyakap ako. Andito nga pala kami sa bahay namin, sa sala. Nag momovie marathon habang nag fofoodtrip.
"Babe, kiss moko." Napatingin ako sakanya at ngumisi. Kinuha ko yung ulo niya tsaka siya kiniskis sa pader then humarap ako sakanya.
"Satisfied?" Napalabi siya eh. Ang cute talaga ng lalaking to. Aaminin ko, hindi man siya ganon kagwapo pero hindi naman siya pangit, war freak, naninigarilyo at umiinom pero hindi siya mukhang adik. Normal na sguro sa mga boys yan noh? Pero isa lang talaga minahal ko sakanya. Minahal niya rin ako ng buo, at ang taas ng respeto niya sakin.
"Aray!" Napalabi din ako, pitikin ba naman ako sa noo?
"Daydreaming huh? Iniisip moko? Cute ko noh?" Sinapok ko. Ang hangin eh. Siguro iisipin niyo parang hindi namen mahal isa't isa but believe me! Ilang beses na namin napaglaban relationship namin. Noong una ayaw siya ng parents ko dahil nga don sa nabanggit ko and bawal talaga ako mag bf hanggang sa nag college ako. 5yrs na kami, and strong. Marami kaming napagdaanan na pagsubok tulad ng LDR. Lol! Taga pampanga kasi ako at siya naman eh Manila. Nag aaral siya sa FEU kaya naman once a month niya lang ako uwian.
"Kapal mo, hindi ka cute. Nakakatacute oo." Madalas kami mangbangayan, mag pikunan at asaran. May times pa ngang nag kakatampuhan kami pero at the end of the day nag kakabati kami kasi para sakin ah. Feeling ko hindi ako kumpleto pag hindi ko siya nkakausap. Mahal na mahal ko kasi yan kahit may saltik siya sa utak. Naalala ko pa nga lahat ng kalokohan na ginawa namin eh. Hihihi.
"Hoy bat ka natawa? Nababaliw kana ba? Nakakaiyak pinapanuod natin ah! Hala padala na kita sa mental?"
"Gago." Natawa naman siya at nanuod na. Natahimik na kami, kaya kinuha ko nalang yung Zagu at inubos. Simot eh! Hanggang sa mapansin ko yung nakinang sa loob ng lalagyan na to. Hinigop ko pero ayaw eh. Hehehe. Kaya binuksan ko nalang at kinuha. Natigilan ako, isang singsing.
Percy's POV
Sa totoo lang eh kinakabahan ako kahit alam kona sagot niya. Baka kasi himatayin siya dahil sa kagwapuhan ko. *wink*
Nakita kong hinihop niya pa rin kahit nakita na niya yung kumikininang. Tanga ng babaeng to. Hahaha. Pero bago ko nilagay sa loob yon, sinigurado ko munang hindi siya papasok sa loob ng straw. Mahirap na, baka mawalan ako ng bride.
"Huh? Bat may singsing sa loob?" Napapoker face ako sakanya. Ang slow kasi eh.
"Nag aalok kasi ako ng kasal babe."
Nakita ko nanlaki yung mata niya at niyakap niya ko. So kinuha ko yung singsing at lumuhod.
"Babe, kahit tanga ka, pangit ka, malaki ilong mo, slow ka, at higit sa lahat eh tangina mo. Mahal na mahal kita so pakasal na tayo ah?" Wew! Sa totoo lang di sya pangit, isa siyang dyosa. Hahaha shhh lang kayo ah? Baka lumaki ulo nun. Madami nag kakagusto sakanya, pag kasi naglalakad ang hot. Parang model! Di nila alam baliw yan hehehe. Kaya ang swerte ko sakanya kasi kahit madami nakaabang eh ako pa rin yung gusto niya.
"Makakatanggi ba ako? Mahal na mahal kita eh. Oo na pakasal na tayo." Teary eyed na siya. Aw so cute! Kaya sinuot ko sakanya yung singsing at hinila siya patayo.
"Cheap! Plastic lang yung singsing?" Hahahaha oo eh, nakuha ko lang kasi yun sa mga junk foods na tig piso.
"Wag kang choosy. Next time na mag poprose ako eh mas maayos na. Yung kikiligin ka talaga." Natawa siya at kiniss ako sa lips.
"I LOVE YOU CY" napangiti ako at sinagot siya.
"PAKYU"
----------
Katuwaan lang sorry. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Morons Collide (SHORT STORY)
Short Story"TANGINA MO LOVEYOU!" "PAKYUTOO" Are we even normal? Or just unique? By the way, he's my boyfriend.