[2]

240 3 0
                                    

Bella Scarlet Thorne

maaga ang dismissal ng klase. nakita kong sumalungat si Meghan sa amin. tiyak na sa ibang gate 'yan pupunta. pero, napansin ko ang isang pigura ng babae. mahabang buhok, puting damit, pero nakayuko. baka, isa sa mga nerds.

"huy, Yoshi. tara sa Bar! may nakita daw si Helena na bagong gwapong lalaki eh!" sabi sa akin ni April. psh.

"hwag mong idamay si Yoshi sa kalandian mo, April. hindi siya katulad mong malandi." sabi ko at nilampasan siya.

"ay, ang mean." rinig kong bulong niya. madapa ka sana, April. "aray!" paglingon ko, nakadapa si April. wah! karma strikes!

"buti nga sa'yo." sabi ko at nag-flips ng hair. iniwan ko siyang naiyak doon.

dumating ako sa bahay ng 4:30. kinakabahan ako. parang may tao sa loob eh. pagpasok ko, normal naman eh. siguro, imagination ko lang.

*Crasshhh!!!*

tumakbo ako sa pinanggalingan ng ingay. ang naabutan ko? ang basag na vase. shemay! galing france pa 'to eh.

"YAYA! YAYA! YAYAAA!!!" sigaw ko. dumating naman ang katulong ko. "linisin mo 'to. magii-sleep over dito ang apat kong bestfriend. kailangan, walang kalat. okay?" tumango naman ang katulong ko. "good." sabi ko at umakyat muna para magbihis.

5:00 pm pa lang. madami pang oras. mga 9:00 pm pa naman maglo-lock ang gate, pinto, at mga bintana ko eh. bakit maglo-lock ang lahat ng pintuan, gate, at mga bintana? dahil high-tech ang bahay ko. gusto ko 'rin ng safety 'no!

*knock.knock*

"PASOK!" pumasok ang isa sa mga katulong. "bakit?"

"ano pong lulutuin namin sa hapunan?" tumayo ako.

"i want Pork Steak. tara, turuan mo akong magluto." tumango naman 'yung katulong tapos bumaba na kami.

*ding.dong*

"yaya, baka sila na 'yan. pagbuksan mo."

"opo." pagka-alis ng katulong, hinalo ko na ulit ang ingrediets. sana masarap.

"SCARLET!!!" alam ko na kung sino 'to.

"uy, Jamie. asan 'yung dalwa?"

"ewan. hindi na kami nagkita simula 'nunh dismissal."

"bakit ang aga mo?"

"maaga pa ba ang 7:37 pm, Scarlet? kung maaga, well, gusto ko lang talaga ang maaga akong nakakapunta dito. tsaka, ano 'yang niluluto mo?"

"pork steak. tikman mo nga ang sabaw. baka kasi maalat." kumuha ako ng isang kutsara at kumuha ako ng kontinh sabaw. tinikman naman ito ni Jamie.

"hmmmm! ang sarap! wah! nagutom ako! kain na tayo!"

"mamaya na. kapag nakadating na 'yung dalwa. lalo na si Yoshi. late lagi 'yun. mga 9:00 pm pa tayo makakakain.

nag-pout siya. "oo nga 'no? i-akyat ko lang ang gamit ko sa kwarto mo." tumango ako."

"yaya, samahan mo si Jamie." tumango ang isa kong katulong at sumunod siya sa taas.

"ma'am, luto na po." pinatay ko na ang stove. hmmm. amoy pa lang.

"yaya, itago mo muna huh? mamaya pa kami kakain eh. taas muna ako." sabi ko tapos umakyat na ako. naabutan kong nilalagay ni yaya ang gamit ni Jamie sa isang kabinet.

"Scarlet, habang nakain, movie marathon tayo."

"sige ba. anong gusto mo? drama, horror, o comedy?"

"comedy. para masaya. haha!" ngumiti na lang ako bilang tugon.

si Jamie kapag makikita mo siya, aakalain mong wala siyang problema. pero, sa timgin ko, meron. iba ang ngiti niya. ngiting malungkot. pati 'yung mata niya, malungkot eh.

The Revenge of SlendrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon