Sinipag ako ngayon :)
Aerol ⇧⇧⇧=====∞===∞======∞====≈
Lorea***
Naka uwi na ako samin. Agad akong pumasok sa maliit kong kwarto. Pabagsak kong inilagay ang bag ko sa kama ko sabay upo sa gilid.
Kakainis talaga si Bestfriend. Pangalawang beses na nya ginawa sakin to. Gusto nyo malaman kung bakit?
***FLASHBACK***
Valentines Day
Nag lalakad ako ngayon papuntang skwelahan. Araw ngayon ng mga malalandi este puso.
Nakarating ako ng school na mangha naman ako sa set up na school namin Gate pa lang ay punong puno na ito ng mga dikorasyon.
May mga nakasabit na Puso kung saan saan. Tas ang daming nag benenta ng mga magagandang Rosas at iba pang uri ng mga bulaklak sa labas ng Paaralan.
Mas lalo akong na mangha nung pinasok ko na yung skwelahan mas maraming magagandang dikorasyon. Mga estudyanteng nagkakalat at may kanya kanyang dalang bulaklak. May mga mag Jowa ring nag lalakad yung iba nasa benches lang malapit sa quadrangle. May mga Booth at marami pang iba. Halos iisa lang ang kulay ng school san man ako mag punta.
Nag lalakad ako ng payapa sa Hallway ng biglang may humarang sakin. Lalaki , mas matangkad pa sakin at may itsura . Kagaya ko maitim rin sya pero mas lamang sya sakin. Kita ko sa kilos nya na parang may something. Parang nahihiya ? Ano ba pakay nito sakin?
"May kailangan ka kuya?" Tanong ko. Bigla naman syang namula at nataranta panay tingin nya kung saan saan.
"Kuya okay ka lang ba? Namumula ka. Naku baka may sakit ka? Tara sa clinic" sabi ko tas agad kong hinawakan ang kamay nyang nakatago sa likod nya.
Nagpumiglas sya pero nahila ko na sya. Pagkahila ko nun ay may bulaklak syang hawak. Natigil ako sa pag hila sakanya. At dumistansya.
"Aw sorry kuya akala ko kasi---" di ko na tuloy yung sasabihin ko kasi bigla na lang nya inabot sakin ang bulaklak nya sa harapan ko.
"Huh?" Sabi ko
"Para sayo" sabi nya, nanlaki mga mata ko sa sinabi nya."P-para s-akin?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.
Kinuha nya kamay ko tas inilagay nya yung bulaklak sa kamay ko tas. Ngumiti tas biglang kumaripas ng takbo? Naiwan akong nganga sa hallway at nakatingin sa direksyon kung san sya tumakbo. Nakarinig pa ako ng tili ng mga babae kaya bumalik ang ulirat ko. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya tumakbo na ako papunta sa room ko.
Nasa room na ako at titig na titig sa bulaklak na binigay nung lalaki sakin. Ngayon ko lang naramdaman yung kilig hahahaha
'Ano kaya ang pangalan nun? Bat ba sya tumakbo agad? Di ko tuloy na tanong at nakapag thank you sa kanya' sabi ko sa sarili
Inamoy amoy ko yung bulaklak at hmmm ang bango...
Hinwak hawakan ko yung petals----"Oy kent ano ba?! Akin yan" sigaw ko sa kanya bigla nya kasing hinablot yung bulaklak ko.
"San galing to?" Tanong nya
"A-ano ba ang pakialam mo? binigay yan nung lalaki. Kaya akin na yan." Sabi ko at pilit binabawi mula sa kanya pero ayaw nyang ibigay
Kainis naman pahirapan na naman to.
BINABASA MO ANG
Mr. Dream Boy (BxB)
Randomwala akong masabi. just read na lang My story :) Sorry in Advane kung may mga wrong tpyos man. try to understand na lang THANK YOU!