Chapter 48: Closer

283 7 11
                                    

Kairuz' POV

Hayss. Ano ba talagang kailangan kong gawin para matauhan ang bestfriend kong isip bata na yun?!?

Napaface palm nalang ako. Naiinis na talaga ako sa mga batang yun!! Eto namang si Saviel, t*ng-in*, masokista ang trip ngayon at nagpabugbog sa mga batang yun! -_-

What was he thinking?! Kahit mamatay siya sa bugbog nung mga yun, hinding hindi sila papayag na maging kanya ang kapatid ko!!

A lot of people may be asking the same d*mn question that Elijah had asked me a hundred times. That is... Why the hell am I pushing my sister to my bestfriend?

The answer is very simple, but Eli never even once understood it. I know every d*mn thing about him and he deserves my sister.

Bata palang kami, kilala ko na si Viel, makulit siya at carefree sa labas, pero marami siyang problemang sinasarili sa loob.

Siguro, ang tingin ng ibang tao kay Viel ay kontrabida o epal sa love story nung Villanueva at ni Kaira.

Hindi kasi nila alam ang mga pinagdaraanan ni Viel.

Nauna niyang makilala si Kaira kesa sa kapatid niyang si Elijah. Everything was set, payag siyang pakasalan ang kapatid ko kapag lumaki na kami, but then Eli suddenly fell in love with my sister.

It breaks him everytime he sees them together pero para sa kapatid niya... Titiisin niya yun, makita niya lang na masaya toh.

Viel was never a businessman type of a guy kaya plano niya sanang ipaubaya nalang kay Eli ang kompanya ng pamilya nila pero nang malaman niyang may sakit si Eli, nanahimik na naman siya at inako nalang ang responsibilidad ng pagiging kuya.

I knew every d*mn problem he has... And that's the reason why I want him to have my sister.

Lahat ng problema niya, sinasarili niya at tinatago nalang, hindi siya umaangal kahit nahihirapan siya. Kaya kahit dun lang, kahit sa babaeng mahal niya lang, gusto kong sumaya siya.

As his bestfriend, that's the only way I know that will make him happy.

Siguro iniisip niyong napakababaw ko o ang sama sama kong kuya. Kayo ba, kung may kapatid kayo na mahal na mahal niyo, kanino niyo siya mas gugustuhing mapunta?

Sa lalaking walang ibang inisip kundi ang sarili niya at kung paano siya sasaya kung makukuha niya ang kapatid ko, o sa lalaking buong buhay niya kasiyahan ng iba ang iniisip niya na kahit masaktan siya, titiisin niya?

Di ba mas pipiliin niyo rin yung taong kayang magtiis para sa kasiyahan ng iba? Kasi alam kong kahit anong mangyari, hinding hindi siya gagawa ng kahit anong makakasakit sa kapatid ko.

Nung kay Elijah, medyo napapayag pa ako ni Viel na manahimik nalang at hayaan sila. Kita ko naman kasing may pagkakatulad din sila Eli at Viel eh, kaya nilang magparaya kung para sa kabutihan naman ni Kaira yun.

Pero ngayong kay James Villanueva na, hinding hindi na ako mapapapayag ni Viel na manahimik nalang ulit! Gaya nga ng sabi ko, ayokong mapunta ang kapatid ko sa isang taong walang ibang inisip kundi ang kasiyahan niya.

Ganun si James Villanueva! Gagawin niya lahat, mapasakanya lang ang gusto niya, ni wala siyang pakielam kung mahihirapan ba si Kaira kung sakaling kailangan niyang mamili between him and Elijah (sa book one po ang tinutukoy ni Kairuz ditong pagpili between James and Eli, nung mga oras na nasa ospital na si Elijah).

"Kuya" natauhan lang ako nang may kumatok. Umupo ako sa kama ko.

"Pasok"

Pumasok si Kaira na may hawak na Mickey Mouse stuff toy. Sa pagkakatanda ko, bigay yun nung mga Villanueva, pero may katulad yun sa bahay nila sa America ni Eli.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon