One Shot - Pagtigil ng Oras

23 2 2
                                    

Inspired by : Jom Angelo Sampang

Form, Style and Idea of the story.

------------

5:00am. Kakagising ko lang. kailangan ko nang maghanda para sa school. Pababa na ko ng hagdan para maligo ng masilayan ko ulit siya. Ang sakit para sa akin na makita siya sa ganung kalagayan. Kung pwede lang wag ng pumasok, di ako papasok.

5:45am. Ready to go na ko at sa huling sandali, nilapitan ko siya. Baka kasi mamaya hindi ko na magawa ito. Tinignan ko kung humihinga pa siya. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha mula sa aking mga mata. May kumirot na kung ano sa dibdib ko, ayoko talagang umalis sa tabi niya pero nangako ako sa kanya kaya kailangan kong umalis.

6:35am. Nakasakay na ko nang tren papuntang sta.mesa. Habang nasa biyahe, biglang bumalik sa akin yung mga alaalang nakasama kita. Yung mga panahong malakas ka pa, nakakasabay kita kumaen, nayayakap at higit sa lahat ay yung pagmamahal na binibigay mo sa akin.

7:30am. Simula na ng klase, pero tuliro pa rin ako. Lutang yung utak ko kakaisip kung ano na ang kalagayan mo ngayon. Kung nakakausap ka ba nila ng matino, kung binabantayan ka nila at kung kamusta na ang kalagayan mo.

10:30am. Sa tatlong oras na nagdaan, wala kong ginawa kundi tumingin sa board habang nagdidiscuss si Ma'am. Tinatanong na nga ako ng mga classmate ko kung ano ba nangyayare sa akin? Kung okay lang ba ako? Sinasagot ko naman sila pero bukod tanging "Okay lang" ang lumalabas sa bibig ko. Gustong gusto ko nang umuwi. Gusto ko na ako yung nasa tabi mo ngayon. Bakit ba kasi nangyare sa atin ito? Bakit?

12:00pm. Simula na ng panghuling subject ko. Iniisip ko pa lang na matatapos na to ey hindi mawala yung ngiti sa mukha ko kasi sa wakas makikita na kita. Ako na magbabantay sayo.

1:45pm. Nag iintay na ko ng tren papuntang tutuban nang bigla kong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Naalala ko tuloy yung sinabi mo kagabi sa akin, na pagdating ng alas tres ay aalis ka na. Na may malayo kang pupuntahan. Naluluha na naman ang mga mata ko dahil sa gunitang iyon. Wag naman sana. Wag muna. Marami pa kong gustong sabihin sayo, kaya wag muna.

2:00pm. Nakasakay na ko ng tren. Habang nasa biyahe, nagdarasal ako sa Panginoon. Pinagdarasal ko na sana wag ka muna niyang kunin sa amin, kasi hindi pa kami handa sa ganung pangyayare. Na sana mas piliin mong lumakas, lumaban para makasama kami. Na sana ey wag mo munang isipin yung mga problemang tinatahak natin, yung mga problemang gusto mo ey ikaw na lang ang pumasahan. Na sasarilihin mo lang. At sana kung kailangan mo na talagang umalis ng alas tres ey maabutan kita, na masabi ko sayo lahat lahat ng nasa isip ko ngayon. Kaya sana intayin mo po ako.

2:25pm. Bumibiyahe na itong jeep na sinasakyan ko. Naalala ko tuloy bigla yung mga panahong sobra kang nag aalala nung late na ko nakauwi. Kung pwede mo nga akong sunduin, ginawa mo na kasi ganun mo ko kamahal. Yung mga panahon na kapag antagal ako nakauwi tas tatanungin mo ko kung ano nangyare sa araw ko ngayon, kung natagalan ba ko sa paghahanap ng masasakyang jeep, kung nadelay pa yung tren at kung sana ey pinasundo mo na lng ako kay ninong.

2:45pm. Naglalakad na ko papunta sa atin, bawat hakbang ko ey parang ang bigat. Namamasa na rin ang mga mata ko sa di ko malamang dahilan. May natitira pa kong 15 minutes para makasama ka. Kaya sana maintay mo po ko.

2:50pm. Nasa tapat na ko ng bahay. Nakita ko na lahat sila pinapalibutan ka, umiiyak silang lahat. Mga matang pulang pula dahil sa sobrang pag iyak. Tumutulo na pala yung mga luhang pilit kong tinatago kanina. Unti unti akong lumapit sayo, binigyan nila ko ng daan para makalapit. Nakita ko na yung kalagayan mo. Hindi mo na ko nakikita, hindi ka na nakakapagsalita. Nakahiga ka na lang. Tumabi ako sayo at hinawakan ang iyong kamay. Naramdaman kong parang malamig na ito, napansin ko din na parang hirap na hirap kang huminga. Mas lalong bumuhos yung luha sa aking mga mata. Andito na ko ey. Handa na ko para bantayan ka, kaya wag ka munang sumuko.

2:55pm. Limang minuto. Limang minuto para masabi ko sayo yung nararamdaman ko. Yung mga nasa isip ko. "Salamat Nay, salamat sa pagmamahal na binigay at ipinaramdam niyo sa akin. Salamat sa pag aaruga, sa pagiging best lola in the world. No words can explain of how special you are to me. Na walang sino man sa mundong ito ang makakapalit sa pwesto mo." Yan ay ilan sa mga salitang nasabi ko sayo. Kung tutuusin kulang pa yan pero wala kong magagawa dahil kinapos na ko sa oras. Kung pwede ko lang patigilin ang oras, ginawa ko na kaso hindi ko kaya. Tanggap ko na ngayon na, kailangan mo ng pumunta sa pupuntahan mo. Sana maging masaya ka dun, gabayan mo po kami Nay. Mamimiss kita. Sobra.

3:00pm. Naging malamig na yung kamay mo, hindi ka na humihinga. Humahagulgol na ako pero pinulsuhan pa ren kita. Nagbabakasakali pero walang kong naramdaman. Dun nako tuluyang naluha. Ang sakit. Ang sakit maiwanan mo. Pero unti unti ako naging malakas kasi nakita kong masaya kang nawala. May ngiti sa iyong mukha. Yun na lang ang magiging lakas ko. Tutuparin ko ang mga pinangako ko sayo at pati yung pangarap mo po para sa amin. At sa huling sandali, hinalikan ko ang iyong noo at sinabing "nay i love you".

Pagtigil ng OrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon