UNA AT HULING YUGTO

6 0 0
                                    

Magulong buhok.

Mugtong mga mata.

Ilang araw na walang kain.

Ano ba ang problema at sobrang hirap mong limutin.

Wala na bang mas sasakit pa sa pagkawala ng taong mahal mo saiyo?

"Nasaan ka na nga kaya ngayon? Masaya ka ba dyan?"

Ang tanong ko sa larawang hawak ko. Alam kong hindi ito sasagot pero aaminin kong umaasa ako na kahit larawan nya ay kakausapin ako.

Humarap ako sa salamin.

"Emily! Umayos ka na nga! Hahanap ka na ulit ng trabaho mo para may pangkain ka."

Hay! Parang walang nagbago. Pumunta ako sa kusina. Ang baho. Oo nga pala, isang linggo din akong di nakapaghugas. May laman pa kaya ang ref?

Panis na mechado. Bulok na pakwan. Walang lamang pitsel at naninigas na tinapay. Ayos! Napakagandang panimula ng araw na ito. Makapaligo na nga lang.

Ang liit na ng sabon. Walang shampoo. Ayos na ito, tubig lang sapat na.

Pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay agad akong nagtungo sa aparador, ano bang isusuot ko? Tama, isang lumang t-shirt at pantalon ang sinuot ko. Hindi na ako nagpabango dahil maarawan lang din naman ako.

Nakapagbihis at nakapagsuklay nadin ako, nailabas ko na ang mga requirements na kakailanganin. Handa na siguro ako. Ay, yung salamin ko pala. Makakalimutan ko pa.

"Uy, akala ko nabulok na si Emily sa lungga nya."

"Lalabas pa pala yan?"

"Ang baho naman, naligo ba yan?

"Ay, akala ko patay narin katulad nung boypren nya."

Mga salitang naririnig ko mula sa mga kapitbahay ko. Pero 'di ako iiyak. Ayoko na, nakakahiya. At lalong awang-awa narin ako sa sarili ko. Sinara ko muna ang pintuan bago pinagpatuloy ang paglalakad.

"Magandang umaga po Ms."

"Ano iyon?" Napaka-sungit naman ng babaeng ito.

"Maga-apply po sana ako bilang Sales Manager." Tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa.

"SALES MANAGER? O SALES CLERK?"

"Ano 'ho?"

"Wala, wala ng ganyan. May natanggap na kanina pa."

"Salamat po."

Ang bilis naman ng nag-apply na yun. Naunahan pa ako.

*grrrrrr*

Nagugutom na ako. Nagtungo ako sa isang bakery. 'Ensaymada.' Paborito ito ni--- Kent.

"Pokus Emily! Pokus! Trabaho muna, wag ka munang iiyak."

Pero traydor ang mga luhang ito, tumulo bigla.

"Miss, ito na yung Ensaym--- bakit ka umiiyak? Wala ka bang pambayad? Ay sige libre nalang oh."

Kinuha ko nalang ang Ensaymada, at inabot ang bayad. Pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy.

Ilang kumpanya narin ang napuntahan ko, pero walang tumanggap saakin. Lahat ang dinadahilan eh, may natanggap na daw sila kanina pang umaga. Samantalang alas-10 palang ng umaga ngayon.

*kring* *kring* *kring*

Sino kaya yung tumatawag? Kinuha ko naman ang bulok kong cellphone sa bag. "Alexa? Ano yun?"

"Nandito ako sa bahay mo ngayon."

"Naghahanap akong trabaho. Huwag ngayon."

"May bagong impormasyon sa pagkamata---."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LARAWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon