(Celina’s POV)
Pagbukas pa lang ng café ay marami na agad ang customers namin. Nagprisinta ako na sa entrance ako madestino para feel ko ang pagiging maid sa isang cosplay café. Kaso, nakasama din sa akin si Nick. Dahil magpartner kami, hindi kami pwedeng magkalayo masyado.
“Pasensya ka na ha? Nasama ka pa tuloy dito.” –ako.
“Hindi, okay lang yun.” –Nick.
“Alam ko naman na gusto mo sa kitchen para makasama mo si Jeselle eh.” –ako.
Hindi naman ito nagsalita kaya tiningnan ko siya. Kaya pala hindi siya sumagot dahil hindi naman siya nakikinig. Nakatingin lang siya kina Jeselle.
Bakit?
“Hi Celina!” bati ng kung sino.
“Cairo!” –ako at niyakap ko siya.
“Kamusta ka na? Aba! Ganda ganda ah!” –Cairo.
“Lagi naman akong maganda ah!” –ako.
“Tumataba ka.” Sabi na naman ng kung sino.
“Jansen!” –ako at niyakap din si Jansen. “Buti nakapunta kayo!”
“Matatanggihan ka ba namin?” –Cairo.
“Thank you sa pagpunta. Pumasok na kayo.” –ako.
“Hindi mo ba kami pagsisilbihan?” –Jansen.
“Hindi eh! Sa entrance ako nakatalaga.” –ako.
“Sayang. Gusto ko pa naman maranasan na mapagsilbihan ng Pampered Princess ng mga Eralph.” –Jansen.
“Loko!” –ako at binatukan ko si Jansen. “Pinagsisilbihan kita pag pumupunta ka sa bahay!”
“Oo na!” –Jansen.
“Don’t worry, nandiyan din si Kristelle. Matutuwa yon pag nakita kayo.” –ako.
“Sige, sige. Galingan mo diyan ah!” –Cairo.
“Oo naman. Sige na. pasok na kayo.” –ako.
“Sige!” –Jansen at hinila na rin papasok si Cairo.
Sinundan ko na lang sila ng tingin. Napapangiti ako. Namimiss ko kasi sila eh. Magkaiba kasi ang school na pinapasukan namin. Sila sa Prince Academy nagaaral. Doon din sana ako magaaral kaso, dahil nga kamag-anak naming ang may-ari ng Hikari Neko High School, pinili nila na dito ako magaral. Simula noon, nawalan na talaga ako ng ganang pumasok sa school at magaral. Hanggang sa makilala ko sila Jeselle. Oo nga pala. Si Cairo at Jansen ay best friend ko ever since elementary up to now.
Author: Pasingit lang ano. Siguro pamilyar kayo sa “Prince Academy”. Tama kayo. Iyan ay galling sa Story ni Ms. Alyloony na “My Prince”. Hi Ms. Alyloony! (^_^)\/
Napansin ko na may nakamasid sa akin. Nanglumingon ako, nakita ko si Nick na nakatingin sa akin.
“Oh? Anong problema mo?” –ako.
“W-wala.” –Nick.
Inirapan ko siya. Hay nako. Masyado kasing okupado ang isipan ng ibang tao eh! Ako yung kasama niya oh! Iba naman ang sinisilip. Asar lang?
Selos ka te?!
Hindi ah!
Hindi daw! Lokohin mo lelang mo!
Argh!!! Bakit ko ba kinakausap sarili ko!!! Nababaliw na ba ako?!
(Jeselle’s POV)
Napunta kami sa kitchen nila Jenelyn, Steve at Carlo. Kailangan tuloy mabilis kami at alerto para tama ang lahat ng orders na ginagawa namin. Pero ako, hindi makapagconcentrate. Bakit? Iniisip ko kasi yung pustahan namin ni Carlo. Baka mamaya, akala niya nakalimutan ko na iyon at kinalimutan niya na rin. Ano siya? Sinuswerte? Matapos niya kaming insultuhin? Ipapamukha ko sa kanya na mali siya.
“Hey! What do you think you are doing?” –Carlo.
“Huh?” –ako.
“Don’t “huh?” me. Mali yang ginagawa mo!” –Carlo.
“Huh?” –ako at tiningnan ko ang ginagawa ko.
“Walang umoorder ng Orange tea pero iyan ang inilalagay mo! Ano ka ba? Pwede ba? Magconcentrate ka!” –Carlo.
“H-hey! You don’t have to shout at me you know!” –ako.
“Panong hindi kita sisigawan sige nga?! Wala ka sa sarili mo!” –Carlo.
Aba’t!
“The hell! Tandaan mo! Talo ka sa pustahan natin! Kaya huwag mo akong sisigawan! Tandaan mo! Alipin kita ng isang lingo!” –ako.
Natigilan ito.
Hmp! Akala mo nakalimutan ko na? No way!
Bigla itong lumapit. As in malapit na malapit na para bang ang hinihinga niya ay ang ibinubuga ko. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.
O//////////////////////////////////////////////////////O
“Okay. I will never forget that deal. Pero, pwede bang magfocus ka muna sa ginagawa natin?” –Carlo.
( --///--)
Siyet!! Ang bango ng hininga niya! Kinikilig ako!
Teka? Bakit ako kinikilig? Hindi! Hindi pwede!
“L-lumayo ka nga sa akin!” –ako.
Itutulak ko na sana siya pero paglapat na paglapat ko sa katawan niya, ay napalayo agad ang kamay ko. Para akong nakuryente!
“I said! Get away from me!” –ako.
Biglang ngumisi ito.
“I hope you’ll concentrate on what we are doing.” –Carlo.
Hindi ako nakapagsalita. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Para akong maghaheart attack!
Makakapagconcentrate nga ba ako?! Para akong lalong na distract!
Oh Gosh! What is happening? Kailan pa nagkaepekto sa akin ng ganito ang lalaking ito?
Tama nga ako. Lalo lang akong nadistract.
“Anong problema? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” –Jenelyn.
Si Carlo! Si Carlo ang problema ko!
Napabuntong hininga ako.
“Wala. Pagod lang siguro ako.” –ako.
“Pagod?” –Jenelyn.
Pagod sa pag-iisip kay Carlo.
“Wala. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh.” –ako.
Hindi ito nagsalita. Parang inaalam pa niya kung dapat nga ba niyang paniwalaan ang sinabi ko. Narinig ko siyang magbuntong hininga.
“Sige. Magpahinga ka muna diyan. Kami na munang tato ang bahala dito.” –Jenelyn.
“Sige, tutulong na lang ako pag ayos na ako.” –ako.
Tutulong ako pagnakalma ko na ang sarili ko.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
The Sossy Boys Meets The Basagulera Girls
JugendliteraturIs it possible na ang magkakasalungat ang ugali ay magkakagustuhan at magkakasundo ?? mapagbabago nga ba ng mga matitinong lalaki ang mga barumbadong babae ?? or the other way around ?? ano ang mangyayari sa kwento ng labing dalawang taong paiikutan...