Prologue

24 1 0
                                    

Walang akongmakita o marinig, ang tanging alam ko lang ay nakasakay kami sa van na amoy aficionado, na may nakalatag na 3 layer ng karton at lahat ng bintana ay kalahating bukas. Hindi na ako sumali sa pagsisigaw ng mga katabi ko dahil wala naman talagang makakarinig sa amin.

"Mamamatay na tayo, tumigil na kayo sa pagsisigaw." Wika ng lalaking ko.

"Wag mong sabihin yan." sabi naman ng babae sa kanan.

"Papatayin nila tayo tapos kukuhain nila ang mga lamang-loob natin."

"Sumigaw lang kayo, sigurado akong may makakarinig satin dito."

"Pano mo nalaman?! NAKAPIRNG TAYONG LAHAT DITO."

Patuloy lang sa pagsigaw ang babae.

Maya-maya ay tumigil ang van binuksan ang pintuan ng likod ng van at binaril ang babaeng walang tigil sa pagsigaw.Walang duda.Yun ang mamamatay tao na humuli samin.

"Pag may sumigaw pa sa inyo baba-"

napatigil ang lalake dahil may isa sa aming sumugod sa lalake. At maya-maya ay may isa pang tumalon galing sa van, at isa pa,at isa pa..hanggang sa naramdaman ko nalang na ako nalang ang natira sa van.

Hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Tumalon ako sa van at tumakbo. Wala akong pakialam kong mabangga ako sa puno basta't makatakas lang.Pero bago pa ako makalayo ay hinabol ako ng kasama ng  mamamatay tao at nahawakan ang piring ko.

"San ka pupunta?" Tanong niya habang kinakaladkad ako sa damuhan.

"Mamamatay tao."

"MATAGAL NA." Wika niya habang tinatanggal ang panyo na nakatali sa ulo ko.

"Masama ang intensyon mo."

Maya-maya pa ay hinila na niya ang kutsilyo niya.

"Bata, bagong bili ang kutsilyo na to. Ikaw ang pinakaunang masasaksak nito.Tingnan mo ako sa mata."

Sapilitan niyang bunubukas ang mga mata ko pero ayoko dahil masama ang intention niya.Ayoko makita ang kanyang mga mata.

"AAGH BUKSAN MO ANG MGA MATA MO. TINGNAN MO ANG MGA MATA NG LALAKENG PAPATAY SAYO!"

Bumukas ang mata ko at bumangga sa tingin ng mga matulis na mata ng mamatay tao.

"AAAAAAGGH.LUMAYO KA SA AKIN. MAMAMATAY TAO!" Nararamdaman ko na lumuha at uminit ang mga mata ko.

Unti-unti siyang lumakad papunta sa kasamang lalaki at sinaksak ito pagkatapos ay sinksak ang sarili.

Agad-agad akong tumakbo. Waka akong pakialam kung saan ako mapunta basta mapalayo lang sa lugar na yun.Hinding hindi ko makakalimutan ang mga mata ng lalaking yun.

"Hindi ko na kayang maglakad..Hindi ko na kaya.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PrologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon