Masyado kang mapag-mataas.
Hindi naman niya sinasadya diba? Patawarin mo na.
Tao lang siya nagkakamali at tao ka lang rin naman, dapat magpatawad.
Parang ikaw walang kasalanan ah?
Parte yan ng buhay. Wag kang oa.
Ang arte mo parang kung sino.
Iilan lang ang mga iyan sa naririnig ko araw-araw.
Oo, araw-araw.
Walang araw na pinalampas nila na sabihin ang lahat na iyan.
Walang araw na tumigil sila sa pagpapaalala sa akin.
Walang araw na hindi nila ako hinusgahan.
Kesyo mapagmataas daw ako, oa daw ako, maarte daw ako at iba pa.
Nasanay na nga ako eh.
Nasanay na sa mga panghuhusga nila.
Bakit ba nila pinapangunahan ako?
Bakit ba gustong-gusto nila na diktaran ang buhay ko?
Bakit ba ayaw nila akong tigilan?
Bakit ba gusto nila akong manipulahin?
Sa inyo na kaya ako para magawa niyo ang mga gusto niyo.
Ang problema niyo kasi, sarili niyo lang ang iniisip ninyo.
Iniisip niyo lang kung paano kayo makakabenepisyo.
Aminin niyo man o hindi.
Yan ang totoo.
Nakaka-asar na nga eh.
Hindi ba nila maunawaan na..
HINDI KAYO ANG NASAKTAN.
HINDI KAYO ANG SINAKTAN.
AKO OKAY? AKO?
Kaya please lang naman.
Unawain niyo ako.
Kahit ngayon lang.
Ngayon lang talaga.
Hindi naman masyadong malaki ang hinihingi ko diba?
Maliit na hiling lang naman iyon diba?
Kasi sobrang sakit na eh.
Sobrang-sobra.
Hindi ako humihiling na sana mapawi na itong sakit na nadarama ko.
Ang tangi kong hiling ay...
unawain niyo ako.
pakiramdaman niyo ako.
tanggapin niyo na nasaktan ako.
makita niyo na sobrang nahihirapan ako.
marinig niyo ang mga mumunti kong iyak.
Hindi ko kailangan ng mga mabulaklak na salita.
Hindi ko kailangan ng mga inspirasyon.
Ang kailangan ko ay kayo.
Kayo mismo.
Ang inyong presensya.
Kahit wala kang sabihin.
Kahit tabihan mo lang ako.
Kahit pakinggan mo lang ako.
Okay lang. Solve na ako dun.