Chapter 36
Clary's POV
Pagka tapos naming kumain ni Nico, nagpa-alam na rin siya na aalis na daw siya kasi may pupuntahan daw siyang event. Natulog muna ako tutal mamayang gabi pa naman yung dinner namin Merdyce. Bago ako natulog tinignan ko muna lahat ng photos sa cellphone ko. Karamihan ng pictures dito puro kami ni Merdyce. Meron din namang pictures na puro kami ni Nico. sa 11 months na nandito ako sa Canada, nalaman ko na masaya rin naman pala ang buhay dito. at yun na nga, matapos ang pagiisip ko ng kung ano-ano, nakatulog na nga ako ng tuluyan.
--
Nagising ako ng mga 6:00 pm. Good! Meron pa akong 1 hour para magready sa dinner namin ni Merdyce. Naligo at nagbihis na ako ng isang Simple White dress at tinerno ko sa isang White Stiletto Heels. Tinext ko na si merdyce kung saan kami magkikta. Agad naman siyang nagreply na magkita daw kami sa favorite namin kinakainan ng pasta and desserts. nagdrive ako papunta dun at saktong pagka dating ko dun nakita ko na agad si Merdyce na nakaupo sa isang table. Lumapit ako sa kanya at saka ako umupo.
"Hello!" bati niya sakin habang naka-ngiti.
"Hi!" binati ko rin siya.
Umorder kami ng kakainin namin at nung dumating na yung order namin. Kumain na kami agad. Sa kalagitnaan ng pagkain namin bigla siyang naging seryoso na bigla ko namang ikinabahala at bigla siyang nag-salita.
"Bestie, what if makita mo ulit yung ex boyfriend mo?" Seryoso niyang sabi sakin.
"Akala ko naman kung ano itatanong mo. Ahm. Wala, kakausapin ko lang siya. I'm just going to ask some questions about our past, kahit limot ko na yun dahil sa amnesia ko, gusto ko paring magtanong." sabi ko sabay subo ng inorder kong carbonara.
"Bestie, promise mo sakin. Pag nakita mo siya, pwedeng friends pero ayoko ng magkabalikan kayo. Okay?" she asked
"Oo naman bes." sabi ko at sumubo ulit ng carbonara. Pagkatapos naming kumain. Nagkwentuhan muna kami ng kung ano-ano tapos yun, umuwi na rin kami agad.
---
Merdyce's POV
May kutob na ako kung sino to. Isang tao lang ang pinaghihinalaan kong nagtext sakin at papunta na dito sa Canada. Sana kung tama man ang hinala ko. Sana pumunta siya dito, di para manggulo o gumawa ng away. Sana she'll go here with peace.
At ang nagiisang tao iniisip ko, ay wala ng iba kundi si....
Mira..
---
Jamie's POV
"Mira, let's go. We'll be late. Give me your bag." sabi ko kay Mira. Di kasi siya pwedeng magbuhat or magdala ng mabigat kasi buntis siya.
"No need. I can handle this." sabi niya habang kinukuha sa sahig yung bag niya habang yung isa naman niyang kamay. nakahawak sa tiyan niya. Pero nagpumulit pa rin ako kaya kinuha ko na agad yung bag na hawak niya. Di naman siya umimik kaya dumiretso na lang kaming dalawa sa Kotse.
Pupunta kasi kami sa Canada, we're going to stay there hanggang sa manganak si Mira. Alam ko na iniisip niyo, baka magtagpo kami ni clary sa Canada. Well, di ko naman ine-expect na magkikita kami dun. Pero aware naman ako na may katiting na chance na magkita kami dun.
Siguro if we're going to see each other again there in Canada, siguro I'll act na lang na parang wala kaming past, na parang di naging kami. Na parang di kami nagkilala kailanman.
Mira helped me in moving on. She's there nung mga oras na sirang sira ako. She fixed me again. Binalik niya ulit yung dating ako. The old jamie.
Kaya ako naman ang nandito para sa kanya. I'm going to fix her naman. Kung nandun siya dati para sakin, nandito naman ako ngayon para sa kanya. I'm just returning the favor. I'm just trying to be fair.
--
Clary's POV
Hahang nagdadrive ako pauwi, di ko mapigilang maisip yung kaweirdohan ni bestie kanina. Di naman kasi niya bino-brought up yung mga ganong topics lalong lalo na pag tungkol kay Jamie. Ayaw na ayaw niya ngang pinaguusapan namin yun eh. Then kanina, bigla siyang nagsalita about kay jamie. Weird. Right?
Nung makauwi ako, nabuhos ng katawan, nagpalit ng damit at saka ako natulog. I have to sleep early so that I can wake up early kasi may aasikasuhin pa ako sa shop ko.
Kinabukasan..
7:30 am ako nagising, right on time lang. Naligo ako tapos nagbihis ng ripped jeans tapos yung parang maong style na long sleeves, tinerno ko na lang sa keds. Bumaba ako tapos kumain saglit ng breakfast tapos dumiretso na agad ako sa shop.
Pagdating ko sa shop, pagpasok ko, agad akong binati isa isa ng mga employees ko. Halos lahat ng employees ko, Filipino. Mga 2 o 3 lang ata ang hindi.
Nagtanong ako kung may problema ba sa kitchen and they said no. About the plates, cups, glasses and utensils, wala rin naman daw. So wala rin akong poproblemahin dito.
Naisipan ko munang pumunta sa supermarket para bumili ng prutas.
Tumakbo ako palabas ng shop ko, di na ako magda-drive kasi malapit lang naman supermarket dito. Kaya tumakbo na lang ako. Nung bigla akong may nabangga..
"Ay! Kuya sorry po!" Sabi ko sabay harap dun sa nabangga ko.
Lalaki siya tapos may kasamang babae. Mukhang bagong dating sila dito kasi ang dami nilang bag na dala.
"Are you blind?! Can't you see there is a pregnant woman here?! You freaking retard Wo-" di niya natulog yung sasabihin niya kasi para siyang natakot, nagulat at natulala na para bang may nakita siyang multo.
--
Jamie's POV
Nandito na kami ngayon sa Canada. Nachat na namin sila Mama at yung family ni Mira na nakarating na kami dito ng ligtas.
Kakababa lang namin sa taxi at tinulungan naman ako ng driver na ibaba yung mga dala namin. Balak muna nami sanang mag hotel muna. Then, tsaka kami hahanap ng apartment.
"Jamie, nagugutom na naman ako." Sabi sakin ni mira.
"Chocolates again?" Natatawa kong sabi at sabay tumingin sa bag ko para tignan kung meron pang chocolates, pero ubos na. Parang Nagke-crave kasi siya ngayon sa chocolates.
Sinabi kong wala na tapos bigla siyang nagpout kaya naisipan kong itanong sa taxi driver kung saan yung pinakamalapit na supermarket para bumili ng chocolates at agad naman niya itong tinuro sa amin.
Habang naglalakad kami biglang may bumangga samin. Babae.
"Ay! Kuya sorry po!" Sabi ng babae.
Buset! Muntik na si mira madapa.
""Are you blind?! Can't you see there is a pregnant woman here?! You freaking retard Wo-" di ko na natuloy yung sasabihin ko nung makita ko yung mukha niya.
Ang tadhana nga naman mapaglaro. Unang araw ko palang dito sa Canada pinagtagpo agad kami.
Ano ba gagawin ko? Papansinin ko ba? Iiwasan ko ba? Magsosorry ba ako at magwo-walkout? Sh*ts do happen nga naman.
"Clary..." Bulong ko sa sarili ko.
--
AN: sorry po sa sobrang tagal na magaupdate 😁. Salamat po sa naghihintay!
Dedicated to : SimplyKitty2803 dahil una po siyang nagcomment. And to all reiders there! Kaway kaway!
-Zirt
BINABASA MO ANG
MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINE
JugendliteraturAnong reaction mo kung ang best friend mo nung highschool ay naging Gangster? From being the school's prince to a gangster. Anong gagawin mo kung ikaw pala ang dahilan ng pagiging gangster niya? Subaybayan ang Love story ni Clary at Jamie. (JaDine)