Lily's POV
Hindi ko dapat sisihin ang aking sarili sa pagkawala niya pero patuloy pa rin akong nakararamdam ng awa at pagsisisi.
Kung pumayag lang sana ako sa sinabi niya na mag resign na ako may Yulesis at ako na lamang ang maging sekretarya niya
Kung naalala ko lang sana na it's our 6th monthsary kaya pala pinaghandaan niya ang araw na iyon.
Kung pumayag na lamang akong ibigay ang sarili ko sa kanya noong mga sandaling yaon , edi sana buhay pa siya ngayon .
Ano ka ba Lily? Pinaiiral mo na naman ang katangahan mo gayundin ang kahinaan mo!
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas buhat nang mamatay si Haye , at ang pagkamatay din niyang iyon ang dahilan kung bakit iniiwas ko ang aking sarili kay Yulesis. Alam kong mali dahil unang una wala naman siyang kasalanan pero eto na rin siguro ang magandang paraan para lamang maipagpahinga ko ang sarili ko. Pagod na kasi ako.
Pagod na pagod na .
Pinagmasdan ko ang aking kisame . Tatlong tao na rin na mahahalaga sa buhay ko ang nawala at iniwan ako.
Si Papa.
Si Lianne
At si Haye.
Si Mama na lamang ang tanging meron ako. Mayroon man akong mga ate't kuya pero iba parin kapag kadugo mo talaga. Kapag 'full blood' kumbaga.
Ayokong dumating sa punto na masyado kong pahalagahan si Yulesis at matapos noon ay mawala na lamang siya sa akin.
Pwede naman sigurong magpahinga hindi ba?
Pwede naman sigurong pigilin ang nararamdaman?
Pwede din naman sigurong isantabi muna ang sariling kasiyahan.
Nakarinig ako ng tunog ng isang makina at kung hindi ako nagkakamali ay nagmumula ito sa kotse. Kasunod nito ay nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok ng pintuan kung kaya't dali-dali akong bumaba. Si Mama ito panigurado , marahil may naiwan siya kaya bumalik siya dito sa bahay. Binuksan ko ang pintuan at nakakita ako ng bouquet of roses na siyang hawak-hawak ni Yulesis.
"S-Sir" , yun na lamang ang nasabi ko sa kanya na agad din namang dahilan ng pagkunot ng noo niya.
"You don't call me that. Here , I brought this for you"
Inilahad niya sa akin ang mga bulaklak.
Ano Lily? Kukunin mo ba o tatanggihan mo na lang.
"A-achoooo!" , pagkukunwari ko at inilayo ang mga bulaklak sa akin. "Sorry pero achooo! Allergic po kasi ako diyan. "
Sana hindi niya nahahalata na nagsisinungaling ako.
"You gotta be kidding me. You are laying on a bed of roses last time when the incident happen and you won't sneezing."