Chapter 1
Headline
“Baby…” tapos may mga kamay na pumulupot sa maliit na bewang ni Julie, “Di ka pa ba tapos diyan? Bilisan mo na. Please?”
Natawa lang si Julie. Grabe talaga kung mag-lambing ang nobyo niya. Kaya di niya matiis si Ian e. At isa pa, sino ba siya para tiisin ang isang Ian Laczon? Aba. Ang daming nagkakandarapa sa boyfriend niya ‘no.
“Eto na. Matatapos na ako,” sabi niya kay Ian. Hinawakan niya ang kamay nitong kasalukuyan na nakayakap sa kanya mula sa likod, “Excited masyado? Haha.”
Naramdaman niyang nag-pout si Ian, “Eh kasi naman. Isang buwan tayong halos di nagkita. Miss na kita e. Sobra.”
Lalong hinigpitan ni Ian ang yakap niya sa nobya. Totoo naman kasi talaga. Busy siya. Busy din si Julie. Madalang na lang sila magkita. Natatakot siya na baka isang araw, mawala na lang sa kanya ang dalaga.
“We’re both busy, Ian. Di na tayo tulad dati nung college pa tayo. May trabaho na tayo.” dahilan Julie kay Ian.
Lumungkot naman si Ian, “So… di mo ako namimiss?”
At dahil hindi niya matiis ang nobyo, hinarap niya na ito. Iniyakap niya ang dalawang kamay niya sa leeg nito’t nginitian ang kasalukuyang nagpa-pout na si Ian.
“Ikaw talaga Babe! Syempre namimiss kita 'no. Kaya nga tayo magde-date di ba? Gusto ko lang tapos na lahat ng kailangan kong gawin para wala na akong aalalahanin mamaya.” nginitian ni Julie ng matamis si Ian.
Si Ian naman e di na napigilan. He claimed Julie's lips. Di niya kasi ito natikman ng mahigit isang buwan. God knows how much he missed Julie. He loves her so much.
“I love you Baby!” puno ng sincerity na sabi ni Ian, “Pakasal na tayo?”
Napangiti ng malapad si Julie. Gusto niya talaga pag binibiro siya ni Ian ng ganito. Although she knows there are times where Ian’s serious.
Ramdam niyang mahal na mahal siya ng binata.
“Sira ka talaga! Pakasal? Ikaw, ready ka na bang matali sa akin forever and ever?” tanong ni Julie kay Ian, “We’re more than 5 years, Ian. I know dapat pinag-uusapan na natin yung mga bagay na iyan but…”
Kumunot ang noo ni Ian, “But what Julie?”
Huminga ng malalim si Julie. Gusto niya makasal kay Ian. Gustong gusto. Pero bata pa sila. Ayaw niya magaya sa iba na nagpapakasal agad tapos nauuwi sa hiwalayan.
“Look Babe, you know how much I love you, right?” tinanguan lang siya ni Ian, “It’s just… I want us to be ready. Gusto ko sigurado ka na sa akin pag ikinasal tayo. Siguro mga after two years pa Ian. At least that time nakaipon na din tayo ng sarili nating pera. Yung mula sa sarili nating pawis at di galing sa mga magulang natin.”
Napatango-tango na lang si Ian. Tama si Julie. May point ang nobya niya. Gusto din naman niya na sarili niyang pera ang ipangbubuhay niya kay Julie at sa mga magiging anak nila.
“Sige,” he said while grinning. Napangiti siya ng nakakaloko ng maisip niya ang word na 'anak’, “But baby… ilan gusto mo anak?”
Nagulantang ang laman ni Julie. Di niya akalain na itatanong sa kanya ni Ian ang mga bagay na ganyan.
“Seriously, Ian. Nagpa-family planning ba tayo dito?” natatawa niyang tanong kay Ian.
Ngumiti lang ng nakakaloko si Ian, “Pwede rin. Gusto ko magka-honeymoon baby tayo.”