*KRIIIIIINGGGG!!!*
Tumunog ang alarm clock bilang hudyat na umaga na.*KRIIIIINGGGG!!!* muli itong tumunog.
"Hmm...mmm.mmm" inabot niya ang kamay sa tumunog na alarm clock at pinindot. Huminto naman agad ito.
Umaga na ng lunes, alas-syete
Bumangon na siya mula sa kama at umupo sa gilid habang hinanap ang tsinelas. Kinuha ang kanyang glasses sa side table at sinuot. Pikit parin ang mata nito hudyat na inaantok pa siya. Nang nahanap na niya at isinuot ay tumayo siya patungo sa banyo. Tinanaw ang repleksyon sa salamin pagkatapos.
Magulo ang kanyang itim buhok at puyat parin ang mata niyang kulay kayumanggi.
Dumiretso na siya para maligo.
- - -
"Good morning"
"Good morning din!"
"Uy, best, may sasabihin ako sa'yo"
"Pare, kumusta na kayo ng girlfriend niyo?"
"Sabay tayo lunch mamaya."
"Sige"
Yun ang mga narinig niya nang pumasok na siya sa kanyang silid-aralan. Pumunta agad ito sa pinakadulo sa may bintana at umupo habang inayos ang kanyang slingbag at ang necktie.
Tinanaw niya agad ang bintana at sa labas.
PRIMERIDGE ACADEMY
Nakatatak ang pangalan sa gate. Isang pribadong institusyon kung saan lahat ng mga pumasok dito ay ang galing sa mga magarang at sikat na pamilya. Napakalawak ang establishimento na ito.
Nakasuot ng asul na uniporme na may puting kwelyo sa loob nito at pinares ng dilaw na necktie at khaki sa ibaba. Skirt naman sa mga babae. May silyo ng paaralan na nakatatak sa bulsa sa kaliwang bahagi ng dibdib. Ang silyo ay binubuo ng dalawang magkaharap na leon na may letrang 'P' sa gitna. Panangga ang porma nito.
"Kyle" may tumawag sa kanya
"..."
"Kyle!"
Nagulat si Pierre ng tinawag siya ng babae na nasa harap niya.
"Ahh, Sarah" umayos siya ng upo "M-may kailangan ka ba?" Tiningnan niya ang dalaga mula sa glasses niya.
"Ba't natulala ka?" Takang tanong nito.
"Ah, w-wala. May inisip lang ako. H-hehehe" napakamot naman siya nito sa ulo.
"Hmmmm" nagpout si Sarah. "Ganoon ba? Oh well." May kinuha siya mula sa bulsa niya- ang kanyang cellphone. May pinindot ito at pinakita sa kanya.
"Pierre, shopping tayo mamaya!" Siglang aya niya.
Nagulat naman siya. "A-ano? Ba't ako?" Pinakita ang kamay niya.
Nagpout ulit si Sarah. "Sino bang lalake ang maaasahan ko!? Di ba, ikaw lang? Mr. Pierre Kyle Hendricksen." Nakangising sagot niya.
"Aisht! Pwede Kyle lang? Sarah Jaene Vilcueva." Asar niya ito.
"Bakit?" Tanong niya.
"Eh simple lang eh" tamlay niyang sagot.
"Ai, basta, samahan mo ako mamaya! Please!" Pilit niya.
Napalunok naman siya. Napafacepalm nalang siya nito.
"S-sige na nga." Kumpirma niya.
BINABASA MO ANG
Of Blades and Fangs
VampireKyle----an ordinary highschool boy who was bitten by a vampire became a vampire itself. Determined to annihilate the monsters and to turn him back to human once again, he teamed up with Arisa, a vampire hunter. Story written in Filipino/English Each...