isa na kong successful na acoustic singer ngayon , katatapos lang ng concert ko kaya nagpapahinga ako ngayon sa isang hotel, malakas ang ulan ngayon , at tuwing umuulan bumabalik ako sa aking nakaraan ……
“tay paglaki ko magiging magaling na gitarista ako , bibili ako ng magandang gitara at tutugtugan kita , kayo ni nanay “
tapos hinimas nya ang ulo ko
“oo, anak ipagpatuloy mo lang ang pangangarap mo at sigurado akong matutupad ang lahat ng yan “
ako si ben, 8 years old palang ako ng magarap ako na maging isang gitarista kasabay ko sa pangangarap ang aking tatay napaka supportive nyang ama at napakabait pa , madalas kaming nasa bukid para magpahangin at magpahinga , paiba – iba sya ng trabaho , si nanay naman may sakit na tb kaya ako na nagbabantay sa kanya ,tumigil na ko sa pag-aaral para lang mabantayan sya , napaka hirap ng pamilya namin mas mahirap pa sa daga, kadalasan isang beses sa isang araw lang kami kumakain at kung minsan naman ay wala talaga, madalas din akong umiyak nun lalo na pag nakikita kong umuuwi na galing eskwelahan ang mga studyante dito , gusto ko kasing mag-aral pero dahil sa kahirapan at sa nanay ko hindi ako makapagaral , kaya nagmumukmok nalang ako sa bahay , wala akong kaibigan dahil halos lahat sila nandidiri sakin , dahil lang sa mhirap ako at gusgusin , hindi naging maganda ang alaala ng kabataan ko ,
isang araw habang nagiigib ako sa may balon nakita ko ang isang mag-ama na kapwa masaya tinuturuan nya ang kanyang anak na maggitara , pinigilan kong wag maiingit sabi kasi ni tatay masama daw yun kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanila kaso bigla naman akong natisod at natapon ang dala kong timba na may tubig , kailangan ko nanamang bumalik para punuin to , patayo na ko ng makita ko ang tatay ko at dinala nya ang timba , nagtulungan kami sa pagbuhat nito ,, nung nasa bahay na kami , iniimagine ko na may hawak akong gitara at pinapatugtog to , alam kong muka akong tanga pero libre lang naman ang mangarap eh saka Gawain ko naman to
“ang galing naman ng anak kong tumugtog “
sabi ni tatay na nakangiti at pumapalakpak pa
“wag kang magalala anak pag medyo guminhawa tayo ibibili kita ng pinakamagandang gitara , kaso matatagalan “
“ayos lang tay, kahit gaano pa katagal yan hihintayin ko “
tapos niyakap nya ko at saka hinalikan ang ulo ko , niyakap ko din sya ng mahigpit
kinabukasan maagang umalis si tatay , dala ang kanyang bike sabi nya maghahanap daw sya ng trabaho , buong araw lang din akong nasa bahay . naglilinis, nagiigib , inaasikaso ang nanay ko ,hapon na at naisip kong hintayin si tatay sa my bus stop
“nay , hihintayin ko lang po si tatay sa may bus stop”
“*ubo-ubo* sige magiingat ka ahh *ubo*”
“sige po nay “
tapos naglakad nako papunta dun nang bumuhos ang malakas na ulan , tumakbo ako nang mabilis nadapa pa nga ko dahil sa dulas ng daan , pero hindi ko ininda ang sakit , pagdating ko sa may bus stop ay umupo ako dun , medyo masakit yung sugat ko pero binasa ko lang ng ulan yun para mawala ang dugo siguradong magaalala nanaman si tatay pag nakita nya to ,
tuloy-tuloy ang ulan at wala parin si tatay dun medyo nagaalala na ko , maya-maya lang ay nakita ko na sya , napakasaya nya kahit basing basa sya sa ulan kumaway sya sakin at kumaway din ako sa kanya , nakita kong may nakasabit sa likod nya isang pamilyar na bagay , papalapit na sya sakin ng biglang
BOOM!
NAGULAT NALANG AKO Ng makita ko si tatay na nasa lapag na at duguan , tumakbo ako palapit sa kanya , hinawakan n yang mukha ko at ngumiti ,
“a-anak matutupad mo na ang pangarap mo , b- binilan kita ng gitara para sa nalalapit mong kaarawan ,.. i-ingatan mo to … “
at unti-unti na syang pumikit
“TAAYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!”
at unti – unting tumulo ang luha ko sa aking musmos na mata …
simula ng araw na yun natuto akong magtrabaho sa musmos na edad tanging ang nanay ko nalang ang kasama ko at mas lalong lumala ang sakit nya dahil sa pagkawala ni tatay , maaga din akong iniwan ng aking ina kaya , 11 years old palang ako ay ulila na ko , nag sikap ako hanggang sa narating ko ang pangarap ko , at gamit ko sa aking trabaho ang regalong bigay at pinaghirapan ng aking ama …
pangit man ang nakaraan ko pero ito ang nagsilbing inspirasyon ko para ipagpatuloy ko ang buhay ko …
alam kong masaya sila ngayon dahil natupad ko na ang pangarap ko ..
mula sa isang batang nangarap , at ngayon isa na sa tinitingalaan ..
The End

BINABASA MO ANG
Gitara
Short Storystorya ng isang batang lalaki na nangarap maging isang magaling na gitarista na hindi hadlang ang kanilang kahirapan para hindi matupad ito ...