Sa isang abandonadong warehouse, isang kilometro ang layo sa likod ng ESFU, nandoon ang higit sa limampung lalaki, aging from 16 to 22 years old. Lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa. Ang iba ay naglalaro ng cards, ang iba ay nagda-darts. Ang ilang mga lalaki na wala nang malaro ay nakasandal lang sa mga lumang barrels, nakikipagkwentuhan sa isa’t-isa.
Ang abandoned warehouse na ito ay tago sa mga dumadaan sa lugar na iyon. Binabakuran ito ng apat na gusali na pinasadya ng pamilya Fabiano. Ito ang hideout ng Lethal Hunters.
Lumiwanag bigla ang madilim na warehouse nang magbukas ang dalawang malalaki at malalapad na pinto nito.
Pumasok si Caleb Fabiano, kasunod ang dalawang lalaki na kung tawagin ay Caporegimes o Captain. Ang mga Captain ang namamahala sa pagte-train sa pinakamababang ranggo ng Mafia na kung tawagin ay Soldiers. Hindi katulad ng gawain ng ibang mafia group na maghahanap ng pera, ang mga Captain ng Lethal Hunters ang bahalang maghanap at mag-imbestiga ng ibang mga mafia group na gumagawa ng hindi kanais-nais. Sa Lethal Hunters, mayroong higit sa dalawampung Captain at halos apat na raang Soldiers.
Ang mga Soldiers at ilan sa mga Captain na nasa loob ng warehouse ay napatigil sa kanilang ginagawa at sinundan lang ng tingin si Caleb.
Tumigil si Caleb sa gitna ng mga lalaki at tinignan ang mga ito, isa-isa, na parang may hinahanap. “Asaan si Blaze?” sabi ni Caleb nang hindi niya nakita ang hinahanap.
“Wala pa po, boss,” sagot ng isang lalaki na may hawak na tennis ball at pinatatalbog ito sa sahig.
“Importanteng meeting, wala siya,” sabi ni Nate Bautista, bitterly. Siya ang isa sa dalawang nakasunod kay Caleb nang pumasok ito sa warehouse.
“’Di na bale,” sagot ni Caleb. “Ako na ang bahalang kumausap sa kanya.” Nilakasan ni Caleb ang boses niya para marinig siya ng lahat. “Siguro naman alam niyo na ang nangyari sa grupo natin.” Walang sumagot. Nagpatuloy si Caleb. “Wala na ang pinuno natin, si Daniel Fabiano.” Caleb’s voice got uneven when he said his father’s name. “At dahil doon, nagkaroon ng bagong ranking…” Doon nakakuha ng atensyon si Caleb. Ang lahat ay nagbulungan.
“TAHIMIK!” sigaw ni Nate. Ang lahat ay sinunod siya. Nagpatuloy magsalita si Caleb,
“Ako na ang Underboss ng buong Lethal Hunters. At si Miguel Fabiano, mula sa pagiging Underboss, ang papalit sa ama ko bilang Pinuno.”
“Bakit hindi kayo ang Pinuno, boss?” tanong ng isang matipunong lalaki na may suot na bandana. “Hindi ba’t kayo ang anak?”
“Napagdesisyunan ng bagong Pinuno na masyado pa raw akong bata,” sagot ni Caleb sa tanong ng Captain. “Kapag nag-20 na ako, doon pagdedesisyunan kung magiging Pinuno ako. At… seniority lang iyan. Mas mataas ang posisyon ni Miguel sa akin bago pa man nagbago ang ranking.”
“Paano na kaming mga sundalo niyo, boss?” tanong ng isang lalaki na malaki ang katawan para sa edad niyang seventeen.
“Hindi na ako Captain,” confirmed Caleb. “Kaya ang mga sundalo ko, sasagot na kay Nate.”
Tinikas ni Nate ang katawan niya, feeling proud of himself.
“At paano naman si Blaze, boss?” tanong ng isa. “Captain pa rin ba siya?”
“Ano pa,” sarcastic na pagkasabi ni Caleb. “E di siya na ang Consigliere.” Ang Consigliere o “Consig” ang right-hand man ng Underboss. Ito ang nagpapayo at nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa estado ng mga Captain at Soldiers na sumasailalim sa kanila. Siya ang namamahala sa lahat ng Captains at Soldiers. Ito din ang sinasabing “kaakibat” ng Underboss.
BINABASA MO ANG
Another Gangster Story
RomanceWhat are you willing to sacrifice for the one you love? Caleb Fabiano lived a dangerous life. A life full of darkness and mysteries. But sunshine crept over it when Gabby Ignacio came. For the first time, Caleb had something to live and fight for. B...