Memory 01

52 1 6
                                    

Dear Memory,

Time flies but Memory never goes away..

People change but still, Memory can't be erased..

Back to the time when I met you... Masyado pa tayong mga bata noon. Sa pagkakaalam ko, nasa onse anyos palang tayo, Wala pang kamalay-malay at wala pang kaalam-alam. Nakilala kita noon bilang Soo Mi at hindi bilang KB at nakilala mo naman ako bilang Kim kesa sa totoong pangalan ko.

Noong time na yun, wala pa akong balak magpanggap bilang isang poser nang isang araw, May isang girl na nagpakita at nagpakilala bilang friend ni Kimmy. Chineck ko yung profile nung girl na yun at dahil nga bata pa ko non, Naisip ko na magpanggap bilang korean para lang makipagkaibigan sa girl na yun.
Napilitan akong magpanggap non kasi baka ayaw mong makipagkaibigan sakin nun kapag hindi ako isang korean or isang doll-looking girl. Natakot ako nun na baka ayaw mo sakin. Naisip ko na wag na lang sabihin ung totoo at magtago nalang sa panloloko. Alala ko pa noon, lagi kong ipinagdadasal at nag sosorry dahil sa pagsisinungaling ko sayo, at baka one day malaman mo ang totoo at magalit ka ng todo. Wala akong kaalam-alam na isa ka ring poser nun, basta ang naiisip ko lang noon, Magkaibigan tayo! *insert maraming sarangs and hugs*

Hanggang sa makilala ko na ate mo, Si Hee Sang. Tuwang-tuwa ako noon kasi may bago nanaman akong magiging kaibigan at doon na nga ako nagpanggap nanaman. At dahil nga wala akong ate, Kailangan ko magpanggap bilang Soo Jung na ate ni Kim. Taray diba? Doble effort haha. (edi wow!) Pilit kong pinapaalala noon sa sarili ko na ikaw ang totoong Soo Mi noon kahit medyo nagkakaroon na ako ng feeling na ikaw si KB kasi ayoko kitang ma-dissapoint at alam ko rin naman na alam mong ako at si kim ay iisa. Nakilala ko si Other Kim na si Eun Kim Jung. Natatawa pa nga ako noon kasi sabi niya, Long lost twin ko siya pero alam mo ba na labis akong nagaalala na huling-huli na talaga na ako'y nagpapanggap. Na minsan, May mga times na nainis ako sa other Kim kasi parang feeling ko noon alam niya lahat. Pero yun din naman ng isa sa mga naging masayang memory na natatandaan ko dahil nakakatawa mga made-up stories niya hanggang sa nakilala ko na si Cindy. Sobrang nalungkot ako nun nung nawala na si other kim kasi masaya siyang kausap pero masaya na din ako dahil nakilala ko si Wang Cindy.

Siya yung sandali kong naging bff noong nawala si Soo Mi. Pero lahat ng saya na yun parang naging malungkot dahil masyado akong naging selfish at childish. Hindi ko iniisip kung ano ang mga ginagawa ko at nanloloko ako ng tao. Hanggang sa nagkaroon kami ng mis-understanding ng Ate mo. Masyado akong bobo kasi feeling ko ang galing ko nun kasi nang-aaway ako *laughs bitterly* ang sama ko di ba? Hindi ko narealize mga pinagsasabi ko kasi nga bopols ako. Huling-huli na nga ako, Pilit ko pa rin tinatakpan. Kung baga sa lobo, nabutas na pilit ko pa rin tinatakpan at hinihipan eh alam ko namang sisingaw at sisingaw din naman ang nilalaman.

Sising-sisi ako nun kasi napakatanga ko. Nagsisi din ako nun kasi inaway ko si Miku. Hanggang ngayon, mystery pa rin para sakin kung sino ba talaga si Miku Kaatsuke pero sa tingin ko, Alam ko na kung sino siya *stares blankly*.

Na-realize ko na ang friendship walang limitasyon, Kahit malayo ka pa o maging malapit ka lang, Ang pagkakaibigan ay hindi matutumbasan nang kung sino man. Simula nung makilala kita, Parang feeling ko nagkakilala na rin tayo sa totoo. Ikaw ung taong napagsasabihan ko ng problema ko at ikaw ung taong laging nandyan para tumulong. Alam mo bang, napakaboring ng buhay ko? Ako ung tipo ng tao na walang kaibigan, tahimik, laging nabubully, maraming may galit at lagi nalang malungkot. Noong mga times na yun, Hindi ko itinuring na mundo ang mundo. Pero nung makilala ko ang mga taong katulad mo sa mundong kinilala ko, Sumaya ako! Feeling ko nun, tuwing nakakausap kita, Ikaw talaga yung kaibigan ko. Yung wifi parang buhay ko, It gives me life. Ung browser parang bahay ko, at ikaw parang bestfriend ko!

Ang tagal nating hindi nagkausap din non pero isang araw nag message ka na ikinagulat ko. Humihingi ka ng payo dahil nag ka mis-understanding kayo ng kaibigan mo sa real life. Nakarelate ako sa nararamdaman mo nun. Hanggang sa ikaw naman na ung laging nagbibigay na ng payo. Gusto ko nga sapakin sarili ko nun kasi ang tanga ko at hindi ko magawan ng solusyon at umaasa nalang sa payo. Pero ikaw yung naging sandigan ko *smiles brightly*, Ikaw lagi nagbibigay ng inspirasyon para bumangon ako at magpatuloy sa paroroonan ko. Para bang road signs, You always guide me on my way. At para din tayong BDO kasi, We find ways...

Sa lahat ng mga naging internet friends ko, Ikaw yung tipo ng tao na may sense kung magbigay ng payo! Kahit lagi mong sinasabi na ang corny mo at ang sabaw ng utak mo. Minsan natatawa nalang ako kasi ang totoo, May sense at worth ang sinasabi mo. Hindi gaya ng iba, magbibigay nalang ng payo, Bokya pa! Edi wow nalang sa kanila? Pektusan ko sila eh! De joke! Haha. Tawa plith! *lol*

Iniidolo kita dahil napakatalented mo.. Yung tipo na mapapanganga ka kasi ang galing mo! Ang galing mo mag drawing, mag edit, mag sulat, at alam ko marami pa!

Lagi ka nandyan para sumupport, na minsan naiisip ko na dapat ako ang sumusuporta ng bonggang-bongga kasi idol kita! Walang halong biro! Ikaw ung taong nakakasundo ko kasi parehas tayong kulang sa self-confidence. Everything happens for a reason. Siguro may rason talaga kung bakit tayo naging poser at ngayon, eto na nga!

Tayo yung magkachat na kahit keilan yata hindi mauubusan ng topic dahil sa mala-novela nating mga mensahe. Yung feeling na hindi ka madidissapoint kasi ang haba ng message *inserts smiley*. Hihintayin ko ung araw na magiging author ka kahit na sabi mo, gusto mo lang talaga isulat ung mga nasa isip mo at para ka na rin nakagawa ng mala-anime story. Bibigyan mo ko free published book mo at freebies mo ahhhhhhh? Hahaha.

Ikaw rin ung taong ma-effort kasi, pinagtyagaan mo talaga ako gawan ng story na bilang Hani at yung isa si Harvey bilang birthday gift! Gusto talaga kita masuklian ng slsobra sobra kasi nakakatats talaga hahaha.

Naalala ko tuloy noong sabi mo, Nakakita ka ng gwapong guy sa jeep Yieeeeeee *inserts hearts* ship ko na talaga sana kayo eh kasi basta! IM SO KILIG! Haha. Hihintayin ko ung araw na gagawa ka ng story, About sa love para malaman ko kung na-hit mo na ba ang puberty days. Haha. Hindi ko na talaga makakalimutan yung araw na nagkakilala tayo at patuloy na tatatak yun sa isip ko. Ilang years na rin nakalipas, Sana one day magkakita na tayo pero parang imposible talaga kasi alam mo na kung anong kalalabasan diba? Its nga-nga! Hahaha. Pero I can feel it na magkikita din tayo in the nearest future, Tiwala lang!

Gusto ko mag sorry kung naging childish ako dati. Sorry na talaga sa lahat. Gusto ko pa sana pahabain tong dedication na to kaso... Natuyot na utak ko umaygulay.

PERO OO NGA PALA, ETO ANG BIRTHDAY GIFT KO PARA SAYO! ALAM KO NAPAKASIMPLE LANG NITO PERO OMAYGAD BELATED HAPPY BIRTHDAY!! KAHIT TAPOS NA BDAY MO AT SEPTEMBER NA NGAYON! PERO ISIPIN NALANG NATIN NA JULY PA RIN NGAYON. I MISS YOUUUU KASI DI NA TAYO MASYADO NAKAKAPAG-USAP PERO SABI KO NGA BDO TAYO BRO, WE FIND WAYS PALAGI! <3 <3 <3


Yours truly,

Shanice


This is dedicated to Takoyakeibi.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Message UnseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon