Mr. Clumsy Meet his Expensive Girl

102 4 2
                                    

Namjoon's POV

"Namjoonie! wake up! you need to fix yourself! You're going on a date today!"

"Haisssttt!! Date nanaman Eomma ? Nakalimutan mo na ba yung huling nangyare sa date ko?"

"Hay naku ka kasing bata ka! kung ano ikina-talino ng utak mo, yun naman kinabobo mo sa mga kilos at galaw mo, kaya tignan mo 28 years old ka na NGSB ka parin."

"Salamat sa pag papaalala ma! Na-appreciate ko po ng sobra!" sarkastikong sagot ko -__-" sabay talukbong nang kumot.

"Tumayo ka ng bata ka!"

*BOOOOOOGGGGGGSSSSSSSHHHHH!!!!!

*BLLLLAAAAAGGGG!!!

"ARAY!"

Hinampas ako ni mama ng unan, pero hindi ako ganun ka OA para umaray dahil alam ko naman hindi masyadong masakit ang hampasin ng unan ang masakit, yung pagbalikwas ko ng tayo nahulog ako sa kama...

Malay ko ba naman kasing nasa bungad na pala ako ng kama at malapit ng malalaglag... -__-"

"Hayyysssttt!!! ano bang gagawin ko sayong bata ka?"

"Bwisit na kama!" sabay sipa ko sa kama...

*TOIIIIINNNNKKKKSSSS

Binatukan ako ni mama

"Aray ko naman umma!"

"Tama ba naman kasing sisihin mo yung kama mo sa katangahan mo. Bilisan mo na nga kumilos ka na nakakahiya naman kung babae pag hihintayin mo."

"Oo na ma, para naman may iba pa akong choice" pagmamaktol ko.

"Meron naman"

"Talaga ma? Ano po?" excited na tanong ko...

"Pupunta ka sa date mo ngayon o itatapon ko lahat ng Pokemon collections mo." *smirk*

"Napaka gandang choice umma! parang pinapili mo ako kung pupunta ako ng date o pupunta ako sa date?" -___-"

"Choosy ka pa?"

"Ewan ko sayo Ma." padabog akong bumalik sa higaan para mahiga sana...

"Osige! Ayaw mo talaga. uumpisahan ko na itapon tong mga Pokemon Collections mo. " Nakita kong hawak na ni mama yung isa sa mga pokemon collection ko.

kaya dali dali akong napatayo at inagaw kay mama yung pokemon collection ko.

"MA! Sabi ko nga po eh, pupunta na ko sa date. Sge na lumabas ka na. Maliligo na ko!"

"Bilisan mo!" pahabol na sabi ni mama

"OPO!"

Haaaiiiisssstttt ... Napabuntong hininga na lang ako. Nakakainis, naalala ko tuloy yung mga kapalpakan nangyari sa mga nakalipas na date ko -__-"

Flashback....

Date #1

Papasok kami sa restaurant kung saan sana kami kakain ng dinner...

So as a gentleman pinagbuksan ko sya ng pinto... Hindi pa man sya ganun nakakapasok sa pinaka loob ng restaurant ng nahulog ko yung susi ng kotse kaya without even thinking dinampot ko, eh... nakalimutan kong hawak ko pa pala yung pinto at hindi pa nakakapasok yung kasama ko sa loob

So ayun...... Nabitawan ko yung pinto at tumama yung glass door sa mukha nung ka-date ko.

Date #2

Nasa Restaurant din kami noon...

Para kumain ng dinner, Umorder ako ng Roast Beef, And medyo matigas yung pagkakaluto sa beef kaya effort ako sa pag hihiwa nung beef at dahil nga sa isa akong dakilang clumsy, ayun...

Mr. Clumsy (God Of Destruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon