Typo errors are alot.
Chapter 4
"Ate Van, please tumakbo ka. Ayokong siya magiging president ng SSG." Pagmamakaawa ni Kate kay Vannie habang inaayos nito ang mga files sa drawer. Nandun kasi sila sa office ng student council. Actually, sa lahat ng council member, si Kate ang pinakaclose niya. Although mababait din naman lahat ng kasamahan niya sa council. Pero dahil sila lang ni Kate ang madalas na magkakapareha ang break time, kaya sila madalas ang nagkakakuwentuhan sa loob ng council office.
"Ate Van, please. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa university natin kung siya ang magiging SSG president. Baka kaming lahat na estudyante, bugbog sarado." Dagdag pa nito. She was really begging her na kulang na lang ay maglupasay ito sa sahig dahil sa pagmamakaawa.
"Ayoko rin siya maging kasa-kasama dito. Ate Van, ayoko talaga siya maging SSG president."
Tumingin naman si Vannie kay Kate saka ngumiti, "Don't worry, tatakbo ako. Kakalabanin ko siya." Sagot niya rito. Oo, kakalabanin niya ito sa magiging re-election nila. Noon pa mang kinumpronta niya ito doon sa lugar nito, she already decided herself na hindi siya magpapatalo rito. And also she doesn't want that Samuel Ignacio will be the president of their university council—because she knew how insane and crazy the brain that the man has.
Ewan ba niya, she couldn't get why those men find pleasure in beating people up. Masayang-masaya pa ang mga ito kapag nakakasakit ng tao—pisikal man o hindi. Sometimes she would think that these guys were the sons of Satan. Puro masasamang gawain lang kasi ang ipinapakita nito sa kanila tapos tuwang-tuwa pa.
Adding that Samuel Ignacio is adding to her stress. Ni hindi nga siya makatulog ng maayos dahil sa ginawa ng mga ito kay Adrian na hanggang ngayon, unconscious pa rin. She can't even report them to the police. And these men were still acting like gods in their university. Then just suddenly, malalaman na lang niya na magkakaroon ng re-election para pabagsakin lang siya?
"Naku, salamat talaga Ate Van! You're really an angel in disguise. I don't really know what will happen to our council kung hindi ikaw ang magiging president namin."
---
Vannie just breathed hard. Nasa gymnasium kasi siya ng university nila, nakaupo sa isa sa mga bleachers ng mag-isa. It was also her break time kaya napag-isipan muna niyang pumunta sa isa sa gym para magkaroon ng peace of mind. And it was good kasi walang katao-tao ngayon sa gym.
She sighed. Kung hindi sana niya kinalaban ang fraternity ni Samuel, wala sanang mangyayari masama sa kanya. Hindi sana masasali si Adrian dito.. and there would be no re-election for the SSG.
Oo, alam niyang wala siyang kalaban-laban kay Samuel. Samuel Ignacio has the money and power, eh siya? She was just a simple middle-class student. At kahit tumakbo pa siya, alam niyang matatalo pa rin siya sa huli. So if she will run, it will be no use. Samuel will obviously win and dominate their university.
Minsan, napag-isipan na rin niyang magtransfer na lang ng ibang school. And yes, she has to admit that she felt scared when Samuel threatened to destroy her. She knew Samuel is capable of it. Marami na ngang buhay ang muntik ng mawala dahil sa kagagawan nito and she's no exception.
Vannie, bakit ka susuko? You know his group are abusive. Dapat na itong mawala. Dapat ng makulong ang mga ito. Her other mind said. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit gusto niyang manalo sa re-election and that was also one of her reasons kung bakit siya tumakbo ng SSG president dati. Gusto na talaga niyang madissolve ang fraternity nito. Gusto niyang h'wag na itong maghari-harian pa sa university at mangbugbog ng estudyante.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Club (Finished)
Fiksi Remaja(Finished) A fraternity headed by a ruthless Samuel Ignacio Rivera III. A story about a club on how they meet their downfall. A club for filthy, rich, ruthless and rotten group of young men. Messing with them will be dangerous.