===============================================================================
"Leslie. Huwag mo kalimutan sabay tayo pupunta sa kasal nila Sir Manalansan atsaka ni Ma'am Vicente bukas ah. Nakapagpaalam ka na ba? HUY!! LESLIEE!! Tulala ka naman diyan! Di mo naman ako pinakikinggan eh! >3<"
"Ayyyy. Sorry Shane anu nga ule sabi mu??"
"Ano ba kasi iniisip mo diyan?! Siguro si Alvin na naman noh??" Naglalakad kame papunta sa locker uwian na kasi eh.
"Ahhh... Ahmm... H-Hindi no! Iniisip ko lang k-kung saan ko naiwan yung notebook ko sa Theology." deny ko sa kanya. Hindi ko inamin kase lalo lang akong aasarin nitong bruha na ito ehh Kung hindi ko lang talaga siya bestfriend nako nako..
"Sus! Wag mo na ideny alam ko naman na pinagpapantasyahan mo yang prinsipe mo ehh. Bakit kasi di mo pa sabihin sa kanya na may gusto ka sa kanya?" sana kase madali lang yun ehh.
Nakakatakot kaya mareject >3< atsaka babae ako, dapat di ako yung gumawa nung first move no!
"Ewan ko sayo. Anu nga kase yung tanung mo kanina?" pagiiba ko ng topic
"Sus iwas topic." tae bakit ba ako kilalang kilala netong babaeng to?? Malamang bestfriend mo nga di ba?? ok sige binabara ko na yung sarili ko.
"Sabi ko sabay tayo pumunta dun sa venue nung beach wedding nila Sir Manalansan atsaka ni Ma'am Vicente sabay nalang tayo kila Trish may sasakyan daw sila ehh." salita niya ulet sosyalan sila Sir beach wedding pa ang peg XD
"Malamang sabay tayo kelan ba tayo naghiwalay?? -________- Sasakyan nalang namen yung gamitin nateng dalawa pahatid nalang tayo kay Manong Edgar." Classmate namen si Trish close din namin siya pero nakakahiya naman kase baka maabala lang namen siya.
"Dun nalang tayo sumabay! Sinabi niya kase saken kanina na sa kanila nalang daw tayo sumabay."
"Eh hindi ba nakakahiya yun? Baka naman maabala lang naten siya?"
"Siya na mismo nagsabe na sa kanila tayo sumabay sila Rica lang naman kasama niya eh. Atsaka the more the merrier."
"Sige. Ikaw bahala kahit naman di ako pumayag pipilitin mo ko hanggang sa pumayag ako eh."
"Buti alam mo. Sige una na ako ahh. Andun na yata si manong sa gate ehh. Maghahanda pa ko ng susuotin ko bukas."
"Sige bye." nagbeso ako sa kanya. Tapos naglakad na siya palayo. Inayos ko na yung gamit ko sa locker.
"Nga pala Les bawal late ahh. 8 dapat ready ka na. Medyo malayo din kasi yung venue nun ee. Dadaanan ka nalang namen sa bahay mo tutal same way lang naman ee."
"Owkie ^__^"
"Bye." nginitian ko nalang siya nung nagbabye siya. After kong ayusin yung gamit ko sa locker nilock ko na yun tapos naglakad palabas ng gate.
*BOOGSH*
"Aw! Aray ang saket. huhuhuhu" nasabi ko nalang nung may bumunggo saken at dahil sa sobrang lakas ng impact humagis ako tsaka yung mga gamet ko sa sahig.
"Sorry miss. Ok ka lang ba?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya saken para tulungan akong tumayo.
"OK?!! Tinatanong mo kung ok ako nakita mo na ngang humagis ako!!" nasabi ko nalang habang pinupulot yung mga gamit ko sa sahig.