Chapter 20: Family Problem

6 0 0
                                    

Chapter 20:

Hayy,nakakapagod naman 2ng araw na 'to. 2:00 na kaming natapos sa pagliligpit ng chairs at sa pag-close ng mga booths. Mabuti naman hindi nila ako iniwan.

"So,hatid na kita sa inyo?"

"Sige,tutal 2:00 narin naman,at nakakatakot maglakad dito sa ganitong oras."

"Hahaha,sakay na."ayun,sumakay na ako sa likod. Siyempre,may driver siya. Hindi pa pwedeng mag-drive kapag 13 years old ka pa. At kung nagtataka kayo kung bakit ang curfew ko ay 3:00, siyempre ngayon lang yun.

At tsaka,sinabihan ko na si mama, na uumagahan ako ng uwi.

"Nandito na tayo."sabi ni Luth sa'kin.

Ayy,nandito na pala kami.

"Ayy,sorry. Hindi ko kasi namalayan."

"Hahaha,ok lang. Sige,bye na. At tsaka,good mor-night."

"Ikaw din,sweet dreams."sabi ko sabay baba sa kotse niya. Binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob. Akala ko tulog na sila,pero hindi pa pala.

"Sabihin mo?? May babae ka na naman noh??!"

"Wala nga, ang kulit mo!!"

"Eh,ano to!!"sigaw ni mama sabay tapon sakanya nung damit ni papa na may kissmark. Hayy,nag-aaway na naman sila.

Teka,na'san si Jamella? Ayy,hindi ko nasabi sainyo na may little sister ako. Well, I have a little sister, her name is Jamella. 10 years old.

Pumunta na ako sa taas ng hindi nila ako pinapansin. Hanggang ngayon kasi,nag-aaway pa sila. Pumunta muna ako sa kwarto ni Jamella at nakita ko siya na humahagulgol ng iyak.

"Jamella,bakit ka umiiyak."eto na nga ba ang sinasabi ko,nagkaka-trauma yung bata dahil nag-aaway sina mama at papa. Hayy,nako.

"Si... Mama...at Papa... Nag-aaway..na naman.."paputol-putol na sabi ni Jamella.

"Ok lang yan, magiging maayos din ang lahat."sabi ko sakanya na paiyak nadin. Naawa kasi ako sa kapatid ko.

Hindi kasi desearving sakanya ang ganiyong buhay. Na palaging nag-aaway ang pamilya.

Hayy,nakikita ko ang pagkabata ko sakanya. Nung,5 years old ako, palaging nag-aaway sina mama at papa. At wala akong karamay sa pag-iyak ko. Kaya ayokong maranasan yun ni Jamella.

Iyak pa'rin ng iyak si Jamella. Pinapatahan ko siya hanggang sa makatulog siya.

Hayy,anong oras na ba? 5:00 na pala.

Wala ng oras para matulog pa. 7:30 kasi yung start ng klase.

Naligo nalang ako ng 30 minutes at nagluto ng pagkain. Oo,marunong na ako. Kahit,12 years old pa ako.

At kahit bata pa ako,kaya ko na ang sarili ko. Nasanay kasi eh.

Pagkatapos kung kumain, nagbihis na akong ng uniform at bumaba ulit. Pagkababa ko nakita ko si mama.

"Akala ko,wala ka pa?"

"Nung 3 pa."tipid kung sabi.

"Bakit hindi ko napansin yun?"tanga ba siya?

"Kasi yung oras na yun, nag-aaway kayo ni papa."kahit bata pa ako, may kakayahan na akong manumbat sa mama at papa ko.

"Ahh,ganon ba?"nag-roll eyes lang ako. At saktong bumaba na si Jamella na bagong ligo at naka-uniform na.

"Tapos ka nabang kumain,anak?"tanong ni mama kay Jamella.

"Sa,school nalang po. Malapit na ho akong ma-late."sabi niya sabay lakad na palayo sa amin.

"Sige,una na ako."sabi ko kay mama. Lumakad na ako palayo at naglakad papunta sa school. Malapit lang naman ang school dito eh. 15 minutes lang ang lakad at 5 minutes kung mag-commute

*school

"Jan!!"uyy,sigaw yun ni Sharlot ah. Lumingon ako likod ko at nakita ko si Sharlot at Cristen na tumatakbo papunta sa'kin.

"Oh,bad vibes ka ngayon?"tanong ni Cristen sa'kin.

"Hindi lang nakatulog."

"Hayy,kapag officer ka nga naman."pagpaparinig ni Sharlot.

"Masaya naman ah."

"Uyy,sabihin mo lang na kaya ka sumali sa glee club kasi nandun si Tan."sabi ni Cristen.

"Uyy,hindi ah. Tsaka,kaibigan ko yun. At mahilig naman talaga ako sa music."sabi ko sakanila.

"Asus,anyway. May bago daw'ng student dito sa school na to. At heartthrob daw yun dati sa dating school na pinapasukan niya."pagch-change topic ni Cristen.

"Sino raw?"tanong ko sakanya.

"Si Brix Lapuz yun. At gwapo raw. Yiee,excited na akong makita siya!!"excited na sabi ni Sharlot.

Hmm, Brix Lapuz? Who the hell is he?

When you love a famousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon