Chapter 6

24 0 0
                                    

Mahigpit ang yakap ko kay Ania nung sa wakas ay nagkaroon siya ng time na magkita kaming dalawa, She's now an irregular student dahil na rin sa biglaan niya na pagpapalit ng course. I really don't know kung ang dahilan ba talaga nito ay yung mga magulang niya, she's the kind of girl na gagawin lahat ng gusto niya kaya nagulat ako sa naging dahilan niya ng paglipat.

"Tell me An, what"s the real reason ba kasi?". Pangungulit ko parin sakanya.
Tinignan niya lang ako at ngumiti, hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Ikaw ang makulit sa pinaka makulit, yun lang yun no! Wala ng dahilan pa. Teka nga ngayon na nga lang ulit tayo ngkaroon ng time na magkita uubusin mo pa yung oras para sa tanong na yan".

Tama siya. I really miss her, kaya naman inubos nalang namin ang oras sa kwentuhan. Nalaman ko na medyo hirap nga siya sa pagaadjust sa course niya, ang layo naman kasi ng connection sa ipinalit niya kase sa dati.

Tawa kami nng tawa na naglalakad sa hallway ng may tumawag  sakanya.
Umupo muna kami sa mga bench na nagkalat sa University. Medyo iritado ang mukha ni Ania habang nakikipagusap sa kabilang linya.  Medyo matagal na ang pakikipagusap niya ng biglang may umupo sa tabi ko na ngiting ngiti. It was Ella.

"Come with me Courts!". Kita ang saya sa mata niya at mukha. Ano nanaman ang meron?

"Why? San tayo pupunta, kanina pa kita tiniteks ah, ngayon nga lang tayo nagkaroon ng time with Ania, ikaw naman ang wala". medyo simangot kong sabi sakanya,  saglit niyang tinignan si Ania sa likod ko na may kausap pa rin at nginusuan, humarap ulit siya sakin at ngumiti nanaman ng malaki.

"May ginawa ako kanina, and look at her, she's busy again! Tara na kasi, samahan mo ako!"

"Saan ba kasi?"

"Kay Ken!"

"Ken?" Kinunutan niya ako ng noo, na parang nagsasabi na ang slow ko kasi di ko alam yung tinutukoy niya. E sa hindi ko alam e! wala akong matandaan.

"Ewan ko sayo! Ken Salazar! Yung Senior na Chinito na crush ko na nakita natin nung sumilip tayo sa room nila na naging kapartner ko sa Laboratory experiment natin! Ano ba naman yan Courts!" Inirapan niya pa ko.

Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Oo naalala ko na.

"Ay! Sorry naman El. Kalimutan ko lang."

"So tara na!"  Pagaaya niya ulit. Nilngon ko ulit si Ania na hindi pa rin tapos makipagusap, Seriously?! Nilingon ko si Ella.

"Anmeron? Close kayo?"

Ngumiti lang siya ng mas malapad.
"Mapupunit na yung bibig mo kakangiti."

Hindi niya pinansin ang huli kong sinabi.
"Hindi pa pero malapit na! Humingi kasi ako ng favor sakanya noong naging kapartner ko siya sa Experiment na kung pwede niya kong maturuan sa mga subjects natin na hindi ko maintindihan, tapos ayun, nakita ko siya kanina and sabi niya kita daw kami sa library.

"Really? Ang pagkakatanda ko hindi naman nahihirapan si Ella sa mga subjects namin at never pa siyang nalito sa mga gagawin. She's really interested to this guy! I wonder kung anong reaction ni Kyle. At bakit kailangan kong sumama?

"e anong papel ko dun aber? Third wheel?"

"NO! Sige na samahan mo na ko! May mga kasama rin daw siyang mga classmate niya, malay mo may makilala ka dun! Sige na! Come with me pls?pls? pretty me pls?"

Kinisap kisap pa niya ang mata niya. Napailing nalang ako, nilingon namin si Ania na sa wakas ay tapos na ata ang Call center Peg niya. May pagkairita pa rin ang mukha niya. Nakita niya si Ella at ngumiti.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon