Prolouge

3 0 0
                                    

Stanley
--

Kanina ko pa gustong umuwi kaso wala padin akong masakyan hanggang ngayon. Halos trenta minuto nakong nakatayo dito bitbit ang DSLR at gitara ko. Naghahanap ako ng raket para naman magka-extra income kahit papano. Sa panahon pa naman ngayon, ang hirap kumita ng pera. Kahit sabihin na nating nagpapadala monthly ang mga magulang ko ng allowance, mas gusto ko padin matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayokong madapa, ayokong lagi nalang aasa sa iba. Mahirap kasi pag sumobra. Mahirap na mahirap.

Nanggaling ako sa isang networking studio para magbakasakali na mapansin yung talent ko. Halos isang buwan na din akng naghahanap ng part-time job. Kaso wala eh. Hanggang ngayon bigo pa din ako. Hindi ko alam kung malas ba talaga ako o may nakalaan talaga para sa akin. Nasanay nalang talaga akong laging nabibigo.

Bahala na.

Tinitignan ko yung mga nakuhanan ko ng litrato kanina. Ugali ko kasing mag-take ng picture sa tuwing mahaba ang pila o di kaya'y naboboring ako. Wala lang, parang hobby ko na din yun maliban sa pagkanta. Nawawala kasi yung pagod ko pag nagagawa ko yung mga gusto kong gawin.

Sa dinami-rami ng litrato, isa lang talaga ang hindi ko magawang i-delete. Ewan ko ba kung bakit ganito. Lagi ko syang kinukuhanan ng palihim sa canteen, sa classroom nila at kung saan pa man. Lagi ko siyang sinusundan.

Pwede na ba akong tawaging stalker?

Hay nako. Sa hinaba-haba ng araw ko, di ko parin magawang magsawa sa pagmumuka niya. Bakit kaya?

Bakit kaya ganito ang epekto mo sakin...

Cassandra?

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon