Chapter 01.1

123 1 0
                                    

Please Note that I Don't own this story i just want to share all my favorite novels I read during High School. Thanks to Andrea Almonte 

Please Enjoy...  

"Welcome to Rancho El Grego, Hija," malumanay na wika ni Senora Isabelle na nakaupo sa malabot na divan.

"S-salamat ho K-kayo ho si – "

"Ako nga Hija. Halika sa tabi ko."

Kahit nahihiya at naiilang pa ay humakbang siya palapit sa ginang na mabait ang bukas ng mukha. Maliban sa medyo maputla pa ito, wala na siyang makitang anumang pangit sa mukha ng babae.

"So ikaw pala ang kinuhang nurse ng aking asawa?" Wika nito nang makaupo sya sa tabi nito.

"Oho"

"At nagustuhan mo ba ang maga naraanan mong tanawin dito sa San Simon?"

"Oho naman"

"mabuti naman sya nga pala sarado na ba ang usapan nyo ng aking asawa?"

"Oho"

"Ah so welcome to our home iha"

"Salamat ho uli"

Ok naman ang silid na binigay ng ginag sa kanya. Malambot at maluwang ang Kaman naghihintay sa kanya ng gabing iyon.

Ngunit sa unang gabi nang pamamahinga niya, hindi niya maiwasang maalala ang lalaking nagiwan ng malalim na sugat sa kanyang puso. Ang lalaking nangakong magdadala sa kanya sa altar. Subalit wala na si Ariel, nagpakasal na ito sa mayamang doktora. Mas pinili nito ang babaeng iyon kaysa sa kanya.

That woman was filthy rich, kesehodang matanda sya kay Ariel ng mahigit sampung taon. Marriange for convenience... mapait niyang naisip. May kung anong bumara sa lalamunan niya nang maalala ang mga nangyari. Gayunpaman pilit niyamh inwawaksi sa kanyang isip ang bangungot na iyon. Hindi na kailangan pahirapan pa nya ang kanyang sarilI sa kakaiispi sa dating nobyo. She has to move on and she didn't need any romantic complications in her life. Ayaw na nya.

Ngayon pa lamang ay ikinukundisyon na nya ang kanyang sarili na maging dalaga na lamang habang buhay. Tutal ay may mga pamangkin siya sa kanyang kapatid na malapit sa kanya. Sa mga ito na lamang nya ibubuhos ang kangyang atensyon at panahon.

Sa Nakalipas na ilang araw nang pamamalagi niya sa malaking bahay na iyon, kahit papano ay naksanayan na ni Julia ang Kapaligiran, Nakakatulog siya ng mahimbin at nagigising na maaliwalas ang kanyang umaga.

Hmmm... ang sarap ng tulog ko ah, nag-ianat pa ang dalaga. Mayamaya'y tumunog ang intercom sa silid niya. Hudyat iyon na kailangan na siya ni Isabelle. Ibig sabihin ay nakaalis na ang asawa nito at maari na syang pumasok sa silid ng ginang.

"Mamayang gabi, makikilala mo na ang aking mga anak, Julia" masiglang bungad ni Senora Isabelle hindi pa man siya lubos na nakakalapita sa kama nito.

"Good Morning ho!" masuyong bati niya. "Talaga ho, darating sila?" Lumapit siya sa round table upang ihanda ang medicines nito. "May kapatid k aba iha?" tanong nito. Nakakaahon na ito sa kama, nakasuot pa rin ng manipis na pantulog. Kahit sa ganoong ayos ay maganda parin ang ginang.

"Isang babae at isang lalaki" sagot niya. "Parehong may mga pamilya na." Naupo si Isabelle sa silya. "I wonder kung sa inyong tatlo ay naramdaman mong may pinapaboran ang iyong mga parents. I'm talking of favoritism."

She tried to reminisce. May limang taon nang namayapa ang kanyang mam. Breast cancer ang kinamatay nito. Muli naming nagasawa ang kanyan papa pagkaraan ng tatlong taon.

Sa kanilang tatlong magkakapatid, may natatandaadn nga syang insidente kung saan mas malakas sa kanilang mga magulang ang Ate Marina nya. Matalino kasi ito at napakalambing. Palagi itong nagbibigay ng karangalan sa pamila magmula noong elementarya hangang kolehiyo.

Hindi ito nawawala sa honor roll. Subalit pagka-graduate ay nagpakasal agad ito sa kaklase nito. Nagkaroon ito ng dalwang anak ngunit maagang nabiyuda. Namatay ang bayaw niya – asawa ng kanyang ate Marina sa isang malagim na vehicular accident.

Single parent ang ate Marina niya ngayon. Mag-isang tinataguyod ang pag-aaruga sa mga anak kaya naman itinalaga niya ang kanyang sariling tulungan ito hangang sa makakaya nya. Ang bunso naman nila na si Efren ay bagong kasal pa lang sa childhood sweetheart nito.

Napahugot siya ng hininga ng napansin na matamang naghihintay sa sasabihin niya ang ginang. "Hindi naman ho yata mawawala ang ganun sa isang pamilya", pagbibigay opiniyon nya. Naalala niya ang napanood sa isang programa sa TV. Kung hindi sya nagkakamali sa partners Mel & Jay, kung saan tinalakay ang tungkols sa favoritism sa mga anak at ang tinatawag nilang blacksheep.

"gustuhing ko mang maging pantay-pantay ang tingin sa aking mga anak ngunit hindi ko talaga maiwasan na magbigay ng espesyal na atensyon sa bunso kong anak. Si Daryl King."

Kinilala na nya sa mga pangalan ang apat na anak ng mag-asawa. Nakita na rin nya ang itsura ng bawat isa sa mga photo album na pinagparangalan sa kanya ni Isabelle nung unang araw pa lamang nya. "Sa apat si King lang talaga ang naiiba. He is stubborn like a bull. Ginagawa ang lahat ng maibigan kahit pa iyon ay maglalagay sa kanya sa peligro. Kaya naman nagagalit sa kanya ang mga kuya nya.

Napatango-tango na lamang siya. Wala kasi syang maisip na maaring sabihin dito. Sa tingin kasi nya ay nais lamang nitong maghinga ng saloobin.

"Naiinis din sila sa akin, pati na din ang aking esposo ay pinagsasabihan na ako."

"Bakiy naman ho?"

Napabuntong-hininga ito.

Ang aking buso lang kasi ang walang direksyon ang buhay. Hindi siya kagaya ng tatlo na nakapagtapos ng pag-aaral at may hinahawakan na mabigat na posisyon sa El Grego Group of Companies."

Lalong nagatungan ang inetres nya para sa bunso nitong anak na nagsimula nang Makita nya ang mga pictures nito. Guwapo kung sa guwapo ang tatlong El Grego brothers subalit para sa kanya lamang ang karisman ni Daryll King dahil sa kakaibang personalidad nito. Ruggedly Handsome, nagtataglay ng killer smile.

Ang tingin niya kasi sa tatlong Lalaki ay seryosong tao. Samantalang SI Daryll King ay tila masayahin, pilyo, tipong what – you – see – is – what – you – get. In short totoong tao.

Katunayan, si Daryll lang ang nakita niya sa picture na nakasuot ng purotong, sabdong puti, at tsinelas na de-goma. Mahaba ang buhok akala niya tuloy nung una ay babae.

"Minsan ay pinatatalunan naming ng aking asawa ang nagyari sa aming bunso. Iniisip nilang hopeless case na si King. Ni hindi raw iniisip ang kinabukasan. Hindi lang nila ako madiretsa pero gusto nila akong sisihin dahil ko lang daw ang aking buso sa nais nitong mangyari. Palagi ko raw kasing dinedepensahan kaya namimihasa at hindi natututo."

"Eh, nasan ho ba si King?' wala saloob niyang tanong.

Napansin niyang namamasa ang sulok ng mga mata nito.

"Bihira sa siyang umuwi rito. Hindi ko na nakakasaman ang aking bunso. Miss na miss ko na siya, hija. Masakit para sa inang kagaya ko na wala man lang nalalaman sa nangyayari sa kanyang anak."

"Bakit hindi n'yo ho kausapin nag masinsinan kapag dumalaw siya rito? Mapagbibiyan naman ho siguro niya kayo na mag-stay siya rito kahit lang araw lang nang sa gayon malalaman nyo na kung an nang nangyayari sa kanyan buhay."

"Hindi ko masisisi si Daryll hija. Noong naririto kasi siya, madalas na punahin ng mga kapatid niya at g asawa ko ang kilos at galaw niya. Walang oras na hindi nila ipinapaalala na tapusin na ni Daryll ang kanyang pag-aaral."

"Para rin sa kabutihan ni Mr. King ang nais magyari ng kanyang papa at mga kapatid," komento niya.

"Yeah I agree with that hija. Pero hindi naman dapat pwesahin ang bata. O hindi dapat ipilit sa isang tao kung wala siyang ineteres. Hindi gusto ni Daryll ang kursong Business Administration, pero iyon ang ipinipilit sa kanya ng kanyang papa. 

 Kaya naman nang malaman ng aking asawa na iba palang kurso ang pinagaaksayahan ng panahon at pera si Daryll, hayun, inihinto nito ang allowance ng aking bunso at maging iba pang pribelehiyong kagaya ng kotse. You see binabawian ng aking asawa ng ginagamit na kotse ng aking anak."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

El Grego Empire Series 07: Tayo na sa Dilim, Mahal [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon