"Rafaela, tara sa palengke. Ilibre mo ako ng Zagu," yaya ko kay Rafaela isang umaga ng Sabado. Nasa basketball court kami na malapit sa munisipyo sa aming bayan. Kanina pa kaming alas-sais nandito, at ngayon nga ay inabot na kami ng alas-diyes sa paglalaro ng basketball. Madalas namin itong gawin tuwing bakasyon dahil mahilig din ako sa basketball. Pero iba ang rason namin ng paglalaro ngayong araw dahil practice ito para sa try-out ni Rafaela mamaya.
Nakaupo kami ni Rafaela sa malapit na bench sa court habang nakahilata at habol ang hininga. Tagaktak na ang pawis naming dalawa.
"Wow lang ha! Wala akong pera. Ano'ng tingin mo sa akin? Bangko?" Sumimangot si Rafaela habang nagpupunas ng pawis gamit ang towel.
Nakasuot siya ng yellow jersey shorts at sando habang ako naman ay puting t-shirt at jersey shorts na galing sa kanya. Pulang-pula ang mukha ni Rafaela. Halatang-halata ang pamumula nito dahil maputi siya. Basang-basa rin ang buhok nito at gulong-gulo.
In fairness, pag kusang nagugulo ang kanyang buhok ay gwapo siya. Sana hindi na lang siya trying hard. Kinuha ko ang bote ng mineral water na inabot nito sa akin pagkatapos niyang inumin.
"Ang kuripot naman nito," nakasimangot na sabi ko bago uminom sa bote na pinag-inuman niya.
"Hindi ako kuripot, hampas-lupa ka lang talaga." Umirap si Rafaela sa akin. Nag-inat ito at humikab.
Inubos ko muna ang laman ng bote bago nagsalita. "Grabe naman sa hampas-lupa. Akala mo naman kung sino kang dugong-bughaw kung makapagsalita." Tinapon ko ang walang lamang bote ng mineral water sa mukha niya.
"Aray!" Napatayo ito at napahawak sa mukha. "What the hell, Anton! Pikon ka na? Hindi mo kailangang mambato sa mukha." Sinipa ako nito ng marahan sa paa.
Muli itong umirap bago naupo at kinuha ang itim na Jansport na backpack na nakalagay sa ilalim ng bench.
I glanced at the court. Marami-rami na ang naglalaro ngayon. Kanina kasi ay kami lamang dalawa ni Rafaela. Nakita ko rin sa hindi kalayuan si Riley na kararating lang. Nang mahagip ng paningin niya kaming dalawa ni Rafaela ay bigla itong ngumisi at kumaway.
Ngumisi rin ako at kinawayan siya.
Sinulyapan ko si Rafaela na tahimik lang na nakapikit habang nakahalukipkip. May nakapasak na earphones sa magkabila niyang tainga. Mukha siyang mabait kung titingnan. Nakakaagaw ng atensyon ang matangos niyang ilong. Gwapo talaga siya kahit masakit aminin.
Kaso nagsusuplado ngayon.
"Hoy, Rafael supot! Tang'na, suplado mo! Akala mo gwapo ka? Pangit mo," malakas na sigaw ni Riley habang nakahawak ang magkabilang kamay malapit sa bibig niya.
Nagtawanan naman ang ibang nagbabasketball din na karamihan ay kababata at taga-barangay namin.
Natawa ako ng malakas at sinulyapan ang nagsusupladong si Rafaela.
"Aba! At talagang hindi natinag," mahinang komento ko habang nakakunot-noong nakatingin sa nakapikit at tahimik na lalaki.
Ngumisi ako. Guguluhin kita.
Kinuha ko ang earphone niya sa kaliwang tainga at nilagay sa tainga ko.
"Sometimes, the stars decide to reflect in petals in the dirt. When I look in your eyes, I forget all about what hurts," Rafaela and I both sang.
Napamulat bigla si Rafaela at mabilis kaming nagkatinginan. Ngumisi kami hanggang naging hagalpak. Paborito namin parehas ang Coldplay kaya kahit nasaan man kaming lugar, pagpumainlang na ang mga kanta ng Coldplay ay bigla-bigla kaming kakanta. Wala kaming pakialam sa sasabihin ng iba. Walang makakapigil sa amin.
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door
Humor"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © ScribblerMia, 2014 Book Cover by: Colesseum