*****
Kenn's POV
Four days na ang nakalipas at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Eyra.. Aish! Ang bobo ko! Kung hindi ko siya hinalikan hindi siya iiwas ng ganun! Kasalanan ko bang hindi mapigilan yung sarili ko?
OO. kasalanan ko -___- If you only knew how much I missed her! Kahit laging mainit dugo sakin ng babaeng yun hindi pa din ako magsasawang mahalin siya...
*****
Onga pala. Lumipat na kami ng school ngayon ni kenn, dinistribute kami ng dating school na pinapasukan namin at sa kasamaang palad kasama ko pa rin siya dito sa bagong school. -___-
Dito din nag-aaral yung dalawa kong bestfriend, buti nalang kasama ko sila sa klase kaya hindi ako naa-out of place, PERO kaklase ko din si kenn -__- Hay nuhay.. Umiiwas na nga ako eh, pinaglalapit naman kami ng tadhana.
"Boo!"
"Ella ano ba.." manggulat daw naman kase -_-
"Hay eyra. Lumilipad nanaman yang isip mo." sabi ni shane
"Pwede palang lumipad yun?" hayy ella..
"Tss. Oo pwede! I-try mo ha?" pilosopong sagot ni shane
"Mamaya nalang tinatamad pa ko eh." ^___^ tumayo si ella at bumalik sa upuan niya para matulog.
"Eyra. 4 days ka ng tulala, ano ba kasing nangyare??" si shane nalang ang makakausap ko ngayon, wala naman masamang mag-share ng problema diba?
"Shane... Si kenn kasi eh.."
"Why? Ano bang nangyare?" lumapit ako sa kanya para ibulong kung anong nangyare 4 days ago.
"What?! He kissed you?!"
"Hinaan mo nga!" tinakpan ko yung bibig niya, lahat kasi ng kaklase namin napatingin.
"Oh sorry. Pero hinalikan ka niya talaga?? It means...." umakto siyang nag-iisip
"Oo nga. It means what?"
"Mahal ka ni kenn." sabi niya
"Mahal ka ni kenn."
"Mahal ka ni kenn."
"Mahal ka ni kenn."
"Mahal ka ni kenn."
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa posibilidad na yun, pero tumalon ang puso ko nung narinig ko ang pangalan niya lalo na nung sinabi ni shane na mahal ako ni kenn.. Omg. Am I falling for him?
Pero si Marc ang mahal ko diba?? Speaking of marc halos 1 week na akong walang contact sa kanya. Iniisip ko nalang na baka inaasikaso niya yung company na iniwan ng parents niya sa kanya..
Snap* "Huy eyra. Sinabi ko lang na mahal ka ni kenn nanahimik ka na diyan." sabi ni shane habang nakatingin ng malapit sakin
"H-ha?" narinig ko nanaman yung mga salitang yun >//<
"Boom eyra! Namumula ka! It means mahal mo din siya! Pero paano na si papa marc??" nagulat naman ako sa pagsigaw niya. At naramdaman ko ngang nag-iinit yung mukha ko.
Ako?? Mahal ko nga ba siya???
"Eyra! May naghahanap sayo!" sigaw nung isa kong kaklase
"Dali eyra! Baka si papa kenn mo na yun! Go girl!" cheer sakin ni shane at si ella naman ay nakangiti ng matamis sakin, hay.. ang bilis talagang mag send ni shane ng tsismis kay ella -___-
Napatakbo ako palabas ng room pero hindi si kenn ang nakita ko.. Masaya naman akong makita siya pero on the other side disappointed ako dahil hindi siya ang gusto kong makita..
"Hi ^_^" bati niya.
"Ma-marc.. Anong ginagawa mo dito??" nakasuot siya ng black suit at mukhang aalis
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Pumunta kami sa tahimik na part ng school dun sa may garden.
"Eyra.. I'm so sorry.." nakayuko siya
"B-bakit?" ako dapat ang mag-sorry sayo marc.. Hindi ko kase maintindihan kung anong totoong nararamdaman ko para sayo.
"I'm so sorry.. Because I can't stop myself from loving someone else.." may iba siyang mahal?? Pero bakit nung sinabi niya yun hindi ako nasaktan? Dahil ba sa wala na nga akong nararamdaman sa kanya?
Umiiyak na siya kaya niyakap ko siya, it's time for me to confess too. "Marc. Don't be. Parehas lang tayo ng sitwasyon." kahit hindi pa man malinaw ang nararamdaman ko sa taong yun eto lang din ang lumabas sa bibig ko.
"What do you mean?" pinunasan niya yung luha niya at tumingin sa akin
"Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa taong yun pero.."
"You love him?" tanong niya
"Hindi ko masabi sa ngayon.."
"Eyra I'm still sorry.. Hindi mo na ba ako mahal?"
"I-i'm sorry Marc.." yun lang ang tanging nasabi ko
"Don't be. Panatag na ako ngayon dahil alam kong hindi ka masasaktan sa pag-alis ko." ngumiti siya sakin and I smiled at him too
"Aalis ka?"
"The girl I love.. Gusto ko siyang sundan sa states.." medyo nahihiya pa siyang sabihin yun dahil na nga rin sa sitwasyon namin
"Then go. Hahayaan mo ba siyang mawala sayo?" masaya ako dahil nakahanap na si marc ng iba, para magiging madali na rin sa kanya ang i-let go ako.
"Eyra are you sure?"
"Ano ka ba marc. Malinaw na sating dalawa ang lahat." feeling ko nagi-guilty pa din siya dahil sa akto niya
"Thank you eyra.. So.. Let's stay as friends?" inilahad niya sakin yung kamay niya.
"Friends." nakipag-shake hands ako sa kanya
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa babaeng mahal niya, kwinento niya din kung pano nagsimula yung nararamdaman niya sa babaeng yun, pero kahit isang pitik sa puso ko wala akong naramdaman, hindi ko na nga mahal si marc..
Tumingin siya sa relo niya at nanlaki ang mata niya,"Eyra, I should be going. 1 hour to go bago ang flight ko.." tumayo na kami
"Pwede ba akong sumama sa airport para ihatid ka?" kahit papano mami-miss ko din to no.
"Eyra.. May klase ka pa. Tska babalik din naman ako eh."
"Kelan?"
"Siguro years din ang itatagal ko dun. babalitaan naman kita ^__^"
"Mag-iingat ka dun ha. ^_^"
Niyakap niya ako for the last time at sinabing, "Kapag sinaktan ka ni kenn yumakap ka lang ulit sakin kagaya ng ganito at ako na ang bahala sa kanya." p-pano niya nalaman??
Kumalas na kami sa pagkakayakap at lumakad na siya. "Marc!" tinawag ko ulit siya
"Muah!" nag flying kiss ako sa kanya bilang sign ng pagiging friends namin, umakto naman siyang nasalo yun, nginitian niya ako at umalis na.
Tama nga yung sinabi ni marc, kaya siguro hindi ako nahirapang i-let go siya dahil wala na ang feelings ko sa kanya dati. Magulo pa rin para sakin kung anong totoong nararamdaman ko para kay kenn,
pero masaya ako ngayon dahil nagkalinawan na kami ni marc. Atleast hindi ako magi-guilty at ganun din siya kung magmamahal kami ng iba. ^____^
*****
Marc on the side ---->
Actually mamaya pa dapat yung update ko na to. Kaso sinipag ako kaya eto. ^___^
Lame po ba? Babawi ako mamayang gabi kung kakayanin :)
Thank you sa mga nagbabasa! Comment & be a fan! :**
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomantizmLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...