Hoy Kuya!

273 2 0
                                    

Gusto ko sanang ilagay na title ung "Dear Kuya" para medyo dramatic ang dating kaya lang naalala kong hindi nga pala tayo dramatic haha. Maligalig ka eh at higit sa lahat wala ata sa DNA mo ang salitang drama. Ayokong magpakapormal sa mala-nobelang letter na ito. Hahaha , minsan lang akong magsulat ng ganito para sa'yo at ginagawa ko ito dahil 18 ka na at ibig sabihin MATANDA ka na. Big letters talaga para tumatak sa utak mo na MA-TAN-DA ka na. Okay?  Ok fine, corny na kung corny. Alam mo naman na ipinanganak talaga akong corny, sa araw-araw mo ba naman akong kasama eh halos kabisado mo na kung saan ako napapaiyak, kung paano ako patawanin at higit sa lahat kung paano ako inisin. Nakakamiss 'yung mga panahong palagi tayong magkasama sa anumang laro sa labas at hindi ko masyadong hilig ang barbie noon dahil mas masaya 'yung takbuhan at kung anu-anong larong kalye. Kasalanan mo kung bakit hindi ako mahinhin kasi palagi kang nang-iinggit sa mga kwento mo tungkol sa mga laro na kasama ung mga kababata natin, kaya ako naman itong si inggetera eh sumama sa'yo para maglaro ng mga larong mas bagay sa mga lalaki. 

Naalala mo pa kapag naglalaro tayo ng text, pogs, tansan, goma, balat ng kendi at kung anu-ano pang inilalaban para maparami? Ung nagsasabwatan tayo? Hahaha, kapag panalo ka na kunwari uuwi ako tapos 'pag balik ko kunwari tinatawag ka na ni mama pauwi kasi kakain na, pero ang totoo, wala naman talagang tumatawag sa'yo... sadyang madaya ka lang at gusto mo ng umuwi kasi panalong-panalo ka na. At anong mangyayari sa mga kalaro mo? Uuwi na rin ng dismayado kasi wala naman silang magagawa kapag nanay na ang nagtawag. Hahahahaha, at syempre 'pag uwi tatawa tayo ng malakas at pagkukwentuhan ung mga reactions nila Ji-Jay, Patrick, Jeffrey at nung iba pa nating kalaro. Hindi rin mawawala doon ang balato kong texts, pogs at tansan o kung anuman ung napagwagian mo tapos maiinis si mama kasi hindi naman nakakain ung mga un pero nagbibilad tayo sa ilalim ng araw tapos magiging mga little negrito't negrita tayo. 

Natatawa pa rin ako hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko o naikukwento ni mama 'yung mga dahilan kung bakit mas sagad tayo sa palo noon kesa kila Jervin at Jelyn, hahaha. Una sa listahan ko ung pag-e-experiment natin sa kanal, na sa sobrang curious natin, pinakuha mo ko ng kutsara at sinandok un tapos ininom natin (YUCK! Nandidiri ako kapag naiisip ko don't worry -_-") ending? Tinakbo tayo sa hospital, gastos tayo. Next ay 'yung sinipag tayo ng sobra na sa sobrang sipag na 'yun pati TV ini-spray-an natin ng tubig tapos tuwang-tuwa tayo kasi nagiging kulay rainbow ung tubig kapag nilalagay sa screen ng TV. Pagdating ni mama, ibinida pa natin ung ginawa natin at dahil dun... napalo na naman tayo. HAHAHAHHAHAHA! Wala na 'yung tao sa TV, puro linyang kulay gray na lang ang makikita, ending? gastos na naman. Sunod dun ay 'yung binaril natin ng pellet gun ung pinto ng CR tapos sa fluorescent lamp tumama, kaya sumabog (ewan ko kung naalala mo pa) at nabasag. Kinagabihan, napansin ni mama na hindi umiilaw ung ilaw sa CR kahit i-switch on pa, tapos nalaman niyang basag na pala, good thing hindi niya nalamang tayo ang may gawa. HAHAHA XD pero ang ending, gastos na naman. Isa rin sa unforgettable moment nating magkasama sa kalokohan ay 'yung bumili tayo ng bumili ng maraming marshmallow tapos kumain tayo nun ng walang inom-inom tubig sabay ligo sa ulan. Ending? nai-dextrose lang naman tayo sa bahay ng sabay. Hahahaha, ang hirap lumunok na kahit ung mismong laway natin kasumpa-sumpa na noon dahil sa tonsilitis. Ano pa ba? Ang dami dami... sa sobrang dami hindi ko na maalala 'yung iba. Naging partners in kalokohan tayo kaya naman palagi tayong may gantimpala mula kay mama nung mga bata pa tayo. Hahaha

Tama na sa pagrereminisce, ito na ung message ko sa'yo. Gusto naman sana talaga kitang tawaging kuya everyday kaya lang nakasanayan ko ng tawagin ka sa pangalan mo lang kaya sana hayaan mo na lang close naman tayo ng age eh. Matututunan ko rin balang araw kung paano maging consistent sa pagtawag sa'yo ng kuya. Hahaha, kung kelan? hindi ko rin alam. Madalas kang nakakainis kasi mas mataas pa sa boses ng soprano ang boses mo kapag naninigaw ka. At anong dahilan ng pagsigaw mo? NAPAKABABAW =__=" simpleng kalat ginagawan agad ng mahabang kwento eh, nakakainis ka kasi feeling mo palagi kang tama, incorrigible ka boy, feeling tama ang lahat ng sasabihin ayaw magpa-correct feeling perfect. Bawas-bawasan mo 'pag may time, nakakainis ka rin kapag nakikipagsagutan ka tapos kahit alam mong mali ka na ipipilit mo pa ring gawing tama ka sa pamamagitan ng *tentenenentenenen* pagtataas ng boses dapat sa'yo? bgyan ng jacket at willphone, naiinis talaga ako sa'yo kapag ayaw mong patalo kahit mali ka na, naiinis rin ako sa'yo kapag pinapangunahan mo ko sa ginagawa ko 'yung tipong ililigpit ko naman 'yung pinagkainan ko, tumayo lang ako saglit feeling mo iniwan ko na ung responsibility... try mo muna akong patapusin di ba hindi 'yung talo mo pa ung direktor sa isang palabas sa pagsigaw ng "CUT! MALI YANG GINAGAWA MO!" mga ganun?, at ang pinakakinaiinisan ko sa lahat ng pag-uugali mo? Yung namimintang ka kaagad katulad nung mga nalaglag na libro at papel sa tapat ng higaan mo, wala akong kaalam-alam sa kababawan ng pagkainis mo tapos bigla kang maninigaw at mamimintang tapos iuutos mo pang iligpit ko ung kalat na in the first place ay hindi ko naman ginawa? Try mo ring gumamit ng malumanay na boses 'yung tipong alam kong kino-confirm mo lang hindi ung tonong parang nakapatay na ako ng tao o kahit sila Jervin at Jelyn, idagdag mo na rin sa mga kababawan mo ung pagiging mapang-asar at mapang-inis tapos pag pinalagan magagalit... ang galing mong mang-inis tapos kapag pinatulan ka pepersonalin mo. Pikon ka tapos pikon din kami ang ending bulyawan... pero ang pinaka-ending magagalit si mama XD.

Hoy Kuya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon