44. The Secret is Out PART 2

373 23 5
                                    

Author's Note/s:

Mukhang napapabagal po ang updates ko recently. Madami po kasing ginagawa eh kaya pagpasensyahan niyo na. Anyways, update na ulit para iwas nganga tayo and again sorry po sa delays. ;)

P.S.
HAPPY 1K PLUS NGA PALA MGA KA-FT. SALAMAT SA WALANG SAWANG SUPPORTA. ALABYU ALL :) <3

- Ateng Author na medyo busy ang peg ;))

-------------------

[ Andrei ]

"Zeek..."

Pilit kong itinatago ang nadaramang kaba sa harapan ni Zeek na ngayon ay nakangising tutop ang magkabilang palad na nililibot ang paningin sa buong paligid sa labas ng Villa.

Sinundan ba niya 'ko?. Pero pa'no?. May alam na kaya siya?. nag uunahan ang mga tanong sa aking isipan.

"P-pare...a-anong ginagawa mo d-dito?". pautal-utal na tanging nasabi ko.

Saglit siyang tumingin sa'kin pagkatapos ay napangiti nang pilyo.

"Mukhang ako ata ang dapat mag tanong sa'yo niyan p're. Ano bang ginagawa mo sa lugar na 'to?".

Napalunok na lamang ako. Thinking of right words to excuse myself na hindi niya 'ko mahahalatang nagsisinungaling.

"A-Ano kasi...m-may dinadalaw akong...k-kaibigan. T-tama...kaibigan nga". palusot ko at half-wishing na maniwala naman siya para umalis na siya't iwan kaming tahimik ni Breeyana.

I looked nervously at his expression na mabilis nag bago from disbelief to mocking. Bahagya pa 'kong nagulat nang mapatawa siya nang malakas.

"Kaibigan o ka-ibigan?". pang-aasar pa niya sa'kin na may kasamang malokong ngisi. "C'mon bro! kilala kita. Sino ba 'yang bagong chics na pinupormahan mo ngayon and you're even willing na umakyat nang bundok para sa kaniya. And where did you even meet this girl huh?".

Luminga-linga ako sa paligid at palihim na sumulyap sa loob nang Villa, sabay hatak sa kaniya sa medyo tagong side nang sasakyan ko. Iniisip ko kasing baka biglang sumilip si Breeyana at mag-panic kapag makitang magkasama kami nang loko-lokong Ezekiel na 'to.

"A-ano kasi bro-..."

Ngunit 'di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla naman napabulalas si Zeek.

"Holy sh*t!..." aniya habang nakatuon ang tingin sa veranda sa side nang kwarto ni Breeyana. "S-si...si Yana ba 'yon!?".

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Lumabas pala nang veranda si Breeyana, na sa sapantaha ko'y naririnig kanina pa ang ingay nang paguusap namin kaya't sinubukang i-check kung sino ang mga taong nasa labas nang Villa. Mabuti na lamang at nahatak kong patago agad si Zeek.

"A-anong ibig sabihin nang-..." manghang napatingin sa'kin si Zeek. "Don't tell me-...?".

"K-kasi bro..." tanging nasabi ko habang sinusubukang humanap na naman nang palusot.

"Akala ko ba mortal enemies kayo?. I thought you don't like her?. So....?".

"Pare kasi, it's...i-it's complicated".

"Complicated!?. Wait...don't tell me-..."

Marahan na lang akong napapikit at humugot nang buntong-hininga.

Gano'n pala ang pakiramdam na nagtatago nang sikreto sa isang kaibigan, mahirap lalo na't madaming nakasalalay sa sikretong ikinukubli mo.

Yun pakiramdam na kahit anung pilit kong itago si Yana sa lahat ay nakita parin siya.
Ngunit pasalamat na lang siguro ako't si Ezekiel lang 'to, dahil kung ibang tao 'to malamang ay ipagkanulo agad ako.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon