Mga walang kinalaman..

6.4K 283 11
                                    

Ang kabanatang ito ay para kay Missqueenxie.

Nilakad ni Yuki ang daan patungo sa bahay ng manggagamot,alam nya at nakabisado nya na ito dahil isang liko lang naman ang gagawin nya. Halos kilabutan sya dahil sa walang makikitang bahay o kahit na tindahan man lang,puro punong malalaki at madadawag na mga damo lamang,ngunit ang daanan ng sasakyan ay madaling sundan dahil sa may bakat ng pagkagulong ng sasakyan dito.

Lumakad pa sya ng lumakad hanggang napansin nyang medyo malayo na talaga sya dahil sa di nya na matanaw ang bahay bakasyunan,naharangan na ito ng mga punong malalaki.

Konti pa at nabuhayan na sya ng loob..

***

Andrea's POV-

"Nandyan na syaaaa..."

Ayan na ang bulong..nariyan na ang aking bisita,sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isa sa mga dayo..Pasilip silip sya sa bakuran ko at tila may hinahanap,at alam ko na ako yun,bago pa man sya dumating ay alam ko na yun. Ito na ang pagkakataon ko,at ang pagkakataon na mismo ang lumalapit.

Lalabas ako at haharapin ko sya,at di ako mag aatubili na sabihin ang lahat sa kanya.

***

Lumabas si Andrea upang salubungin ang dayo. Hindi nya na hinintay pang magtanong ito at..

"Halika na..hinihintay ko talaga ang pagdating mo.." mahinang aya nito sa dayo.

Di na rin nagdalawang isip pa si Yuki at pumasok na sya sa loob ng bahay. Pagpasok nya sa loob ay medyo namangha sya,dahil ang inaasahan nyang madilim at nakakatakot na bahay ng isang manggagamot ay di nya nakita sa bahay na pinuntahan nya.
At..

"Kayo po si Andrea diba? Kayo po yung sinasabi nilang apo ng manggagamot?"

Tanong ni Yuki habang namamasyal at nililibot ng kanyang mga mata ang bahay.

Samantalang ngiti lamang ang isinagot sa kanya ni Andrea. At..

"Kamusta na sya? ikaw? kayo?" sunod sunod na tanong nito.

Umaayon ang panahon sa kanyang bisita. Wala sya nararamdaman na kung anu mang makapipigil sa kanya na basahin ang kapalaran ng mga dayo.

Saglit pa at..

"Kailangan mo akong isama dun..nasa panganib ang mga kaibigan mo."

"Pati na rin ikaw.."

Ang seryosong sabi ni Andrea.

Nagulat si Yuki sa mga salita nito,mas lalo tuloy nyang ninais na sabihin ang lahat sa manggagamot.

"May..may,babae po akong nakita dun,isang kaluluwa na parang galit..at may narinig din po ako na mga batang umiiyak..anu po kaya yung mga yun??"

"Pati na rin po ang kaibigan kong may sakit ngayon..nakakita din po sya ng lalake na nakatayo sa likuran ko.."

Kwento ni Yuki na halos hingalin sa pagsasalita ng mabilis.

Lumingon sa kanya si Andrea at..

"Ganun ba? Hindi ko pa talaga nasilip ang bahay na yun simulat't sapul,at di rin naman nabanggit ni lola ang kung ano sa akin.."

"Pero nung nagtungo ako roon,nakita ko na di lang isa ang mga kaluluwa dun kundi isang pamilya..at sinasamahan pa ng mga ibang nilalang na nakapaligid dun."

"Marami ng masyadong masasakit na pinagdaanan ang bahay na yun."

Palakad lakad sya habang nagsasalita. Nakikinig naman ang dayo.

"Sinabi ko kasi sa inyo nung una pa lang,ngunit di kayo nakinig sa akin."

"Pero,bakit po kami lang dalawa ang nakakaramdam nun?!" tanong ni Yuki na nanlalaki pa ang mga mata.

Huminto si Andrea sa paglalakad at..

"Handa ka na bang malaman lahat?"

Pagsambit ni Andrea sa mga salitang yun ay biglang lumamig ang hangin,di pangkaraniwang hangin at humalik ito sa mga mukha ni Yuki. Natakot bigla ang dayo sa pagtayo ng kanyang mga balahibo sabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang mukha.

Napansin ni Andrea ang reaksyon nito at..

"Wag kang matakot,nasa panig natin ang paligid..walang makakagalaw sa'yo kapag andito ka sa'kin." ang sabi nito sabay ngiti.

Nag umpisa ng lumapit si Andrea kay Yuki,hinawakan nito ang ulo at..

Yuki's POV-

Asan ako?? Ang alam ko nandun ako sa bahay ng manggagamot pero ano 'to? Sino ang mga 'yan? Huh? Si mommy at daddy yun! Sinu yung dalawang batang kasama nila? Ako yun ah! Si Ate!

Ito yung bahay namin dati..teka,sinu yung dalawang bata na yun na nandun sa labas ng bakuran?

Bakit tinatawag nila ang daddy ko ng daddy?? Sino sila?!

At..

***

Nagulat na lang si Yuki na muling nagbago ang paligid nya. Malamig ang kanyang pawis at habol hininga pa sya. Tumitig sya kay Andrea na punong puno ng katanungan ang mga mata at..

"Anu pong ibig sabihin nun?" takang tanong nito.

"Anung nakita mo?" balik na tanong sa kanya ni Andrea.

"Nakita ko po ang mga magulang ko..at may bahay..may dalawang bata.." sagot naman ni Yuki.

"Hindi mo na ba natatandaan ang lahat Yuki? Ang bahay at ang mga bata?" sambit ni Andrea.

Tahimik lamang ito. Tila nag iisip ng isasagot sa mga tanong ni Andrea.

"Naguguluhan ako..wala talaga akong matandaan kahit na ano sa mga nakaraan ko..bukod lang sa pinaka hindi ko malilimutan.." malungkot na tugon nito.

Ngumiti lang sa kanya si Andrea.Tila pinigilan ang sarili sa mga gusto nyang sabihin kay Yuki. At..

"Sasama ako sa'yo sa bahay bakasyunan,dun natin tapusin ang lahat..dahil di lang ikaw ang kailangan ko.." ang sabi ni Andrea.

At..

"Pati ang kapatid mo.."

Nanlaki ang mga mata ni Yuki sa binanggit ni Andrea,at sa isip nya ay..

"Kapatid?? Matagal ng patay ang ate ko..paanong??"

ang tanging naitanong nya sa kanyang sarili.

"Anung ibig sabihin nito?"

Itutuloy..

June-Thirteen

Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon