Umaga palang, abala na si Frances sa pag aayos ng sarili bago pumasok sa eskuwelahan.
“ Ma asan na ba yung suklay?”
“Anjan igala mo kasi yang mata mo.”
Abalang abala siya sa pagpapacute sa salamin nang marinig niya ang tawag ng sidecar driver na naghahatid at sumusundo sa kanya sa eskuwelahan.
“Sandali lang po kuya Jerry!”
Nang matapos makapagpulbos ay nagpaalam na si Frances sa kanyang ina at lumabas ng bahay.
“O Frances! Ang aga mo ngayon ah. Dala ko nga pala yung costume ko at mga props na pinagawa mo sakin. Naeexite na ko mamaya. Sana maging maayos yung performance natin noh?” bungad sa kanya ni Leo. Dala nga nito ang Long sleeve na polo at european hat na pinadala niya rito pati na ang mga kumot at karton na hinugis na puno para sa props. Stage Play nila mamaya sa Filipino. Si Frances ang leader at siya rin ang nag -aasikaso sa lahat, Ni minsan hindi pa siya nagpatalo kahit na kanino pagdating sa mga stageplays at duladulaan.
“Ofcourse magiging successful ang play natin mamaya. At hindi tayo matatalbugan ng P.M classes sinisigurado ko yan sayo. Concept palang at costumes walang wala na sila sa atin eh” tugon niya ng may pagmamalaki.
She was born perpectionist. Lahat ng bagay ay sinisigurado niyang maayos at perpekto sa paningin niya. Ayaw na ayaw din niyang makakakita ng imperfections lalong lalo na sa mga stageplays kung saan siya ay magaling. 1st year highschool siya sa private school na pinapasukan. Matalino, Maganda, at palakaibigan si Frances, not to mention na moody siya talaga at mabilis mag init ang ulo. Isang bagay na kahit anong gawin niya ay hindi mawala sa sistema niya. Kapag tinotopak-topak siya, di niya maiwasang makapagsalita ng hindi maganda sa iba lalong lalo na kapag iniisis siya ng mga ito.
“ Teka Leo, anjan na ba si Charmaine?” tanong niya sa kaibigan. Si Charmaine ang pinakamatalik niyang kaibigan sa classroom. Ito ang second honor nila at ito rin ang tumatayong ate niya. Ito ang unang-unang kumokontrol sa kanya lalo na pag nag wawala na siya. Mas gamay kasi siya nito at ito ang pinaglalabasan niya ng lahat ng nilalaman ng loob. “Hindi ko lang sure. Kakapasok ko lang eh. Wala pa ata kasi wala pa naman jan yung bag niya” sagot ni Leo. Sakto namang pagdating ng kaibigan niyang si Charmaine.
“Frances! May ikukuwento ako sayo!”
“ O hulaan ko tungkol na naman yan kay Kuya Jero no?”
“Ang galing mo talaga sis! Alam mo ba nakasalubong ko si Jeje kanina nung paakyat ako!”
“Ay sus! Yun lang pala. Akala ko pa naman kung ano na nangyari kay Jeje! Akala ko pa naman inalok ka na ng kasal! Sobra ka kiligin!”
“Ikaw naman! Malalaman mo rin kung ano yung feeling ko kapag umibig ka na”
“Wag mong sabihin na inlove ka na kay kuya Jeje! Akala ko ba CRUSH lang ha?”
“Oo nga, Wala naman ako sinasabi ah, Nga pala, yung performance natin mamaya dapat maganda tayo ah. Manonood ang mga 4th year mamaya.”
“O sige na. Akong bahala sayo. Dala ko lahat ng pang ayos ko sa muka at buhok”
Naputol ang usapan nila ng dumaan sa gitna nila si Gab. Ang talagang man of her dreams niya. Makulit, masayahin, not to mention na may pagkamayabang talaga ito pero gentleman naman. Isa sa nagustuhan niya rito ay inaalagaan siya nito at protective ito sa kanya. Pero nasisira lagi ang moment dahil sa mga rivals niya, ang sandamakmak na mga kababaihan na katulad niya ay may gusto din dito.
“Hoy ineng, Bell na po. Baka naman gusto mo ng bumababa dahil flag ceremony na.” untag sa kanya ni Charmaine.
“Ay, bell na ba? Hindi ko narinig eh,”
