Bench & Bath [Short Story]

6.2K 158 46
                                    

Shaira's POV

* BEEP-BEEP* (Sound effect ng bumubusinang sasakyan)

Eeeehh?! Napaaga ata yung sundo ng service ngayon ah? Di na tuloy ako makakapag facebook >_____< Tumayo nalang ako at pumunta sa cabinet ko para kumuha ng Bench and Bath.

Ano kayang magandang color? Hmm, Pink? Nooo. Di nagpipink yun! Maybe red? Okay nako medyo malapit sa pink diba? Malapit nga ba? Yaan niyo na nga.

So ayun nga kinuha ko na yung red na bench and bath ko tsaka nagpaalam sa mga magulang ko at sumakay na ng school service namin. Uso kasi bench and bath sa school namin kaya nakikiuso lang ako. Sino naman kaya ang ka-soulmate ko ngayon?

Let me check. Buti naman at wala! Ayoko nga sa kanila kay crush lang ako noh?! Eeehh? Haarrroot ko -_______-

Ako nga pala si Shaira Joy Lumutan. Simple lang akong babae pero gagawin ko ang lahat mapansin lang ako ni crush ^______^ Oo, ako na obsessed >//< Ganyan talaga ako pagdating sa kanya. Pero bago siya, ako muna ha? Di niyo panga ako kilala eh. Mamaya na chika pag kasama ko na bestfriend ko na obsessed din sa crush niya. Pero di naman kami gaanong obsessed, slight lang -.-

Ako nga pala ulit si Shaira Joy Lumutan. 13 years old at isang first year student ^O~ Favorite color ko ay blue kasi favorite niya yun. Mahilig akong kumain pero hindi naman ako mataba. Yun bang slight lang, sakto lang. Marami akong kaibigan pero iisa lang bestfriend ko at yun ay si Kathy!  Parehas na parehas kami niyan pagdating sa paboritong gawain, pagkain, subject at marami pang iba. Pero syempre magkaiba kami ng crush (: Love na love ko yang bestfriend ko eh.

Ang pinaka gusto naming gawain ay ang tumambay at magbabad sa facebook! Tinatanong niyo ba kung bakit? Yun ay dahil ay umaasa kami na isang araw e magpopost sa wall namin o kaya i-lilike nila ang picture namin. Pero sa kasamaang palad ay hindi pa yon nangyayari. Pero always kaming positive eh. Never say die ang peg namin!

Si crush naman. Yan ang iisang taong nagpapakilig sakin. Siya si Nathan Reyes =)) Sobrang pogi niyan. Sana nga i add ako sa facebook eh. Baka naman kasi pag ako ang nag add mahalata niya tapos ano? Iiwas siya? I dont want that to happen. Mas okay na yung patago akong humahanga sa kanya tapos pinapansin niya ako kesa naman sa iwasan niya ko pag nalaman niya diba?

" Shaira, di ka ba bababa diyan? Hinihintay kana ng bestfriend mo oh? " Okay back to reality -.- Nadala kasi ako sa pag kwekwento ko sa inyo eh! Kayo ang may sala nito! Pero syempre joke lang! Bati tayo diba?! Salamat Kuya Jess. Siya nga pla ang konduktor namin sa service (:

Bench & Bath [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon