SABIK na sabik si Ariel na tawagin ng mga magulang niya na bumaba at nang makasakay na sila sa kotse nila kasama ang mga ito. Pupunta kasi sila sa bahay ng business partner ng Daddy Daniel niya dahil naimbitahan sila para sa isang importanteng dinner.
Excited siya dahil sabi ng Mommy niya, ipapakilala siya nito sa magiging asawa daw niya paglaki niya. Maria Methusaila Nikka Montgomery daw ang pangalan.
“Yaya, maganda po ba ang magiging wife ko?” inosenteng tanong niya sa Yaya pepita niya.
Natawa ito at pinanggigilan nito ang pisngi niya. “Oo naman. Sabi pa nga ni Mommy Adrienne mo, parang princess daw si Methus. Kaya dapat pogi itong alaga ko.”
Nagningning ang mga mata niya. “Talaga po? So bagay po siya sa akin para maging queen ko? Gusto ko kasi paglaki ko maging king ako pagkatapos ay magtatayo ako ng castle. Hindi po ba kapag king ka na dapat may queen ka rin?”
“Hay, ikaw talagang bata ka. Basta tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Sigurado akong magugustuhan ka ng magiging queen mo.”
Bumaba siya mula sa pagkakaupo sa kanyang malambot at malaking kama at nagtungo sa kanyang dressing room na konektado mismo sa sa napakalaki niyang kwarto. Sumunod naman sa kanya ang yaya niya. Humarap siya sa salamin at parang binatang binata na nag-pogi pose pa.
Inaamin niyang hindi siya kumportable sa suot niyang tuxedo na may gray and black combination. Feeling niya nasasakal din siya sa suot niyang bowtie.
“Bakit? Ano’ng problema?”
“Eh, yaya. Parang ang pangit ng suot ko. Bakit po kailangang mag-tuxedo?”
“Hijo, iyon ang bilin sa 'kin ng mommy at daddy mo. Isa pa, napakagwapo mo na sa suot mong iyan. Tiyak na magugustuhan ka ni Methus. Kaya huwag kang mag-alala, okay? At huwag kalimutang ngumiti,” paalala nito.
Ngumiti siya gaya ng sabi nito. Humarap siya sa salamin at kitang kita niya ang mapuputing ngipin niya kahit may sungki iyon sa tapat ng front teeth. Inayos din niya ang eyeglass niya.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto niya kaya agad na pinagbuksan iyon ni Yaya Pepita.
“Ariel, come here na. Pupunta na tayo doon. Are you ready?”
Huminga siya ng malalim para maibsan ang kaba niya. “Yes yaya I’m ready!”
PAGDATING nina Ariel sa bahay ng mg Montgomery ay kinakabahan pa rin siya. Hindi niya alam kung paano niya pakikiharapan ang ipapakilala sa kanya ng mga magulang.
They were greeted by the butler and he accompanied them to the venue of the dinner. Dinala sila nito sa isang en grandeng cottage sa pool side ng mansion at nakita nila doon ang mag-asawang Montgomery.
Malapad ang ngiti ng mga ito nang makita sila. Nagkabatian ang mga magulang niya at ang mga Montgomery at maya-maya pa ay natutok sa kanya ang atensyon ng mga ito. Nag-bow siya sa mga ito at binati bilang paggalang. “I am so glad to meet you Mr. and Mrs. Montgomery, I am Ariel.”
“Oh, he’s so adorable,” naaaliw na puri ng ginang kay Ariel. Pagkatapos ay hinarap nito ang asawa nito. “Isn’t he perfect for our daughter honey?”
“I can only agree with that,” sagot naman ng asawa nito na napapangiti. “Manang mana sa ama.” Medyo nahihirapan pa ito sa pagtatagalog kasi isa itong British national na nakapag-asawa ng Pinay.
“Aba oo naman. Manang mana sa kagwapuhan at kakisigan ko. 'Di ba sweetie?” kinurot pa nito ang tagiliran ng Mommy niya na napapairap lang. Dahil doon ay nagsitawan ang mga ito.
Gusto niyang mapangiwi dahil kanina pa siya nababagot doon. Marami pa itong mga napag-usapan tungkol sa negosyo at sa mga iilan pang bagay na hindi niya maintindihan. Kailan pa ba siya ipapakilala sa anak ng mga ito? Atat na atat na siyang makilala ito.
Akala niya ay nakalimutan na ng mga ito ang tungkol doon kasi maya-maya pa ay pinag-uusapan na ng mga ito ang tungkol kay Methusaila. Muli ay inatake na naman siya ng kaba nang utusan ng mga ito ang butler na sunduin ang bata sa kwarto nito para daluhan sila. Pero pagbalik ng Butler ay ibinalita nitong wala ang batang babae sa kwarto nito. Nasa garden daw ito at ayaw magpaistorbo.
Napapailing na lang si Ginoong Montgomery. “I am so sorry about my child’s misbehavior. She was actually a shy girl.”
“Oh, I have an idea. Bakit hindi na lang natin papuntahin itong si Ariel sa garden. I sure know it will be a great time for them to knowing each other,” sabi naman ng Mommy niya na sinang-ayunan naman ng mga ito.
Kahit medyo tutol siya sa ideya ng mga ito ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Iginiya naman siya ng butler kasama ng dalawang maid patungo sa kinaroroonan ni Methusaila. Ayon pa sa kanya ng butler, nasa gitna daw ito ng garden sa may swing na paborito nitong tambayan. Tinahak nila ang direksyon na sinabi nito at nakita nga niya roon ang hinahanap niya.
Unaware of their presence, the girl sat on a picnic cloth while playing her violin. Nakabantay rin dito ang unipormado nitong yaya. May napansin din siyang batang babae sa tabi nito. Pero hindi na niya iyon pinag-ukulan ng pansin dahil nabaling na ang atensyon niya sa batang tumutugtog ng violin.
Bagaman nakatalikod ito, alam na niyang maganda ito. She has brunette ribbon curls and a very fair skin. And suddenly his chest went panicky just by looking at her. Ngunit mas tumindi pa iyon nang lumingon na ito sa kinaroroonan nila.
Unexpectedly, he went stiff when he finally saw her face. Mas maganda pa ito sa inaakala niya. She has very nice lips, cute pointed noise and her eyes were very expressive just like of her mom. He could only agree that the attraction itself hit him like a lightning. As if he felt a volt of electricity tingling up and down his spine at the moment.
Ito ba ang sinasabi nilang magiging queen niya? Ang swerte naman niya! At ano itong nararamdaman niya? Was he sick or what? He really couldn’t explain.
Ngunit nagulat na lamang siya sa sunod na nangyari. Huli na para umilag siya dahil tumama na sa dibdib niya ang song book nito. Galit na galit na ito sa kanya at wala man lang siyang ideya kung bakit. Inaawat naman ito ng yaya nito at humingi ito ng dispensa sa kanya gayundin ang butler.
“Stay out of my sight! I hate you! I hate you all! And you,” galit na wika ni Methusaila na tinuturo siya. “You’re a monster and I will never ever like you!”
Shame rolled over him in a big wave. Nanlamig ang mga palad niya at tila nawawalan na siya ng lakas sa mga narinig mula rito. She could feel a harsh squeeze inside his chest. Naniwala pa man din siya sa Yaya Pepita at sa parents niya na magkakagusto din ito sa kanya.
“Lady Methusaila, please calm down. It’s okay. He’s—”
“I don’t want to hear any words from you,” galit na putol nito sa sasabihin sana ng yaya nito. “I wanna sleep now!” Pagkatapos niyon ay padabog itong umalis nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
Maya-maya pa ay naramdaman niya ang mainit na likido sa kanyang pisngi. Agad niyang pinahid iyon. Then he sighed in despair. Hindi niya namalayang napaluha na pala siya.
Ayaw man niyang aminin, naawa siya para sa sarili. Lahat pala ng mga inisip niya na magiging okay ang lahat ay hindi pala. Ang dami niyang inisip na magagandang bagay pero... heto at napahiya lang pala siya. Higit sa lahat, nasaktan talaga siya sa hostility ni Methusaila.
BINABASA MO ANG
Little Things (Completed)
Teen FictionA novel written by SerialKillerAuthor Genre: Teen-Fiction, Romance Synopsis: Ariel claimed to himself that he liked Nikka, ignoring the fact that he has no chances with her. But suddenly, may nakilala siya. A feisty go-getting girl na sa kabila ng p...