Chapter First - Mapagalitan. Mapahiya. Sige Pagtulungan N'yo ko!

1.2K 26 4
                                    

SA WAKAS matapos ang tila one billion hours na pagbi-biyahe ni Zaye sakay ng jeep, nakarating din siya sa Elmswood University Gymnasium kung saan naroon ang pinagtatrabahuan niyang cafeteria. Late nga lang siya ng thirty minutes and twenty-five seconds. Hooray!

 First day of class din nila for the second semester pero sure siyang wala pang matinong klase na magaganap. Student Assistant kasi siya sa Elmswood University at sa cafeteria siya pinalad na ma-assign. Dakilang late-comer pa naman din siya.  At ang maganda pa roon, seven-thirty in the morning ang time in niya sa work kasi nga pang-hapon at night class lang ang nakuha niyang subjects.

Anak ng night class naman iyan oh!

Wala kasi siyang ibang choice kasi late siyang nakapag-enroll. As usual, kapag late ka nang makapag-enroll, normal pa sa salitang normal na marami nang closed na subjects. Hindi naman kasi type ng karamihan na mag-enroll sa mga night classes kasi nga nakakagutom, nakakaantok at wala nang sasakyan pauwi kaya iyon lang ang natirang available na schedules noon.

            Oh well, nakapanhik na siya sa taas ng school gymnasium kung saan nakatirik ang cafeteria nila. Medyo kinakabahan siya dahil baka masinghalan na naman siya ng superior nila na si Armer, ang pinakamatanda at graduating na kasamahan niya roon. Ang bonus, joklakasi ito kaya bet na bet “mag-awarding ceremony” sa katulad niyang pasaway.

            Nagmenor muna siya sandali at nagtago sa water dispenser at coin operated coffee machine na nasa tabi ng food stand.

            Inalerto niya ang mga senses sa katawan kung nandoon ba si Armer o wala. Alam niyang kahit ano ang gawin niya, makakaharap pa rin niya ito. Pero kailangan pa rin niyang maging prepared dito.

            “Hoy!”

            “Ay aswang!” gulat na bulalas niya nang marinig ang nakakahindik na boses na iyon mula sa likod niya. Lalala… Patay. Hello Araring.  Nilingon niya ito in a slow-motion effect with matching goose bumps. Nakakatakot kasi ang mukha nito kapag nagagalit. Daig pa niya ngayon si ‘Jerry the mouse’ na nahuli sa aktong nagnanakaw ng cheese.

            “Hello, good morning.”

            “Bakit ngayon ka lang?” inis na wika ng bakla sa kanya. Pagkatapos niyon ay nagsimula na ulit ito sa speech nito na kadalasan niyang naririnig sa tuwing nale-late siya. Naiintindihan naman niya ito. Paano naman kasi, may duty pa ito para sa OJT nito pagsapit ng eight at dahil nga late siya, malelate din ito sa trabaho nito. Mamayang ten pa kasi matatapos ang class ng dalawa pa nilang kasamahan kaya walang ibang magbabantay sa cafeteria kapag kailangan nang umalis ni Armer kundi siya lang. Pahamak talaga siya kahit kailan.

            “Pasalamat ka may natitira pa akong awa para sa’yo. Oras na ulitin mo ito, isusumbong na talaga kita,” babala nito sa kanya. Mukhang seryoso na nga itong isumbong siya sa kinauukulan.

            “Promise, magbabagong buhay na ako friend.”

            Pinaghalong irap at ismid lang ang napala niya rito.

            “Maaga naman akong nagigising kaya lang nahihirapan akong humanap ng masasakyan. Idagdag pa na pagsapit ng seven ng umaga, umi-epal naang traffic.”

            “Shut up! Puro ka lang palusot. Eh di gumisng ka nang maaga.”

            Matapos nitong sermunan siya ay um-exit na ang lola in a dramatic way. Sa wakas ay nagawa na rin niyang makahinga ng maluwag. Tapos na siya sa first problem niya. May second problem pa kasi siya. Iniwan kasi niya ang bahay na magulo kaya lagot siya sa monster auntie niya pag-uwi.    

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon