MONNAH's POV:
After nung laro nina Lorenz, hindi na kami nagka-usap pa. Ewan ko ba kung bakit. Parang ang awkward lang. Nagkikita naman kami pero sa school lang. Hindi gaya ng dati na lagi nya akong puntahan sa bahay everytime hindi kami nagkikita.
Ang hirap, diba? Nakakapanibago. Hindi ako sanay. Hindi ko inaasahang mangyayari 'to sa friendship na'min. Sobrang close namin dati. Parang hindi nga kami mapaghiwalay. Pero ngayon, daig pa namin ang hindi magkakilala.
Papasok na ako sa foodcourt nang makasalubong ko sina Lorenz at Diseree. Bigla akong napahinto. Masaya silang nag-uusap habang nakaakbay si Lorenz sa balikat ni Diseree samantalang nakatingin lang ako sa kanila. Hindi ko alam kong nakita rin ba nila ako. Basta pagtapat nila sa'kin, nilagpasan lang nila ako na para bang wala silang nakikita. Invisible ba ako?
Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Di ko inaasahang gawin 'to ni Lorenz sa'kin. Okay lang na hindi nya ako kausapin pero 'yung hindi manlang niya ako tiningnan, parang sumusobra naman yata.
Lorenz...
Hindi ko alam kong paano ako nakabili ng pagkain. Parang lutang yata ang utak ko ngayon. Wala akong idea kung bakit fries at chuckie ang binili ko.
Pagkatapos kong bumili, lumabas na ako sa foodcourt. Dumiretso ako sa field. Dun sa may swing. Di halatang favorite place ko 'yun, noh? Special place kasi namin 'yun ni Lorenz.
Bigla akong napangiti. Iyong pilit na ngiti. Lorenz? Lorenz na naman? Siya na naman ang iniisip ko? Di ba pwedeng sarili ko naman ang aatupagin ko? Nakaka-imbyerna kasi 'tong sarili ko. Napaka-martyr. Ang hilig manakit.
Ito ba talaga gusto mo? Walang pansinan? Okay, fine! Akala mo masasaktan ako? Shit ka, Lorenz!
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Akala mo masasaktan ako? Sino ba 'tong inuuto ko? Eh, sa simula palang, nasasaktan na ako.
"Yow!"
Halos malunok ko ang straw ng chuckie sa gulat. Punyeta! Bigla nalang may lumitaw sa likuran ko at itulak ako. Buti nalang maayos ang balance ko. Kundi nakahalik na ako ngayon sa lupa. Galit akong tumayo. This is it! I'm ready to kill.
"Kung sino kamang bakulaw ka, humanda ka. Papatayin kita!" pagkasabi ko'y agad kong binigyan ng back kick ang taong nasa likod ko.
"Ouch!" daing nya.
"May pa-ouch-ouch ka pa. Walang hiya ka!" inis na sinuntok ko sya. Agad naman syang umilag habang hawak ang tiyan nyang nasaktan.
"Whoa! I didn't expect your just this kind of girl. Why you kicked me?"
"Tinatanong mo pa? Do you want me to do it again? Kapal rin ng mukha mong itulak ako, noh?" galit na bulyaw ko. Nakakainis talagang rebulto na'to kahit kailan.
"Hahahahaha"
Parang umuusok ang tenga ko sa galit. Diyata't pinagtatawanan ako ng baliw na 'to? Akmang sasapakin ko naman pero mabilis n'yang hinawakan ang wrist ko.
BINABASA MO ANG
Show Me the Way to Your Heart (Completed)
Teen FictionLove or friendship? Ano ang mas matimbang? Ano ang mas importante? Handa ka bang talikuran ang love dahil sa friendship o handa ka bang iwan ang friendship dahil sa love? What if you choose... Love? Paano naman si friendship na syang kasa-kasama...